Chapter Two (Part Three)

353 15 5
                                        

Part Three


NAGISING si Sugar sa matinding pagkalam ng sikmura. Dis-orient na iniikot niya ang paningin sa madilim na paligid at pilit inalala ang kinaroroonan. Nang maalalang nasa Pilipinas pala siya at isang silid sa quarter ng ina ang inuokopa niya ay napanatag ang kanyang pakiramdam. Noon niya binuhay ang lampshade sa tabi ng kama at tiningnan ang oras sa relong pambisig na ipinatong niya sa bedside table.
Alas tres. Kuno’t noong hinagilap ng kanyang paningin ang kanyang Cellphone at doon tiningnan ang oras.
“Three am?” may kalakasang sambit niya sa gitna ng silid, pagkuwan ay salubong ang kilay na muling sinapo ang kumukulong tiyan. “I fell asleep for twelve hours!” bulalas niya saka mabilis na inabot ang nakatuping papel na pinagpatungan ng kanyang wrist watch.
Anak,
Gisingin mo ako anumang oras ka magising, para maihanda ko ang pagkain mo. Tulog na tulog ka kasi ng puntahan kita dito sa silid mo para maghapunan.
Nanay.
May kung anong init ang bumalot sa kanyang puso kasabay ng pangingilid ng luha sa gilid ng mga mata ng matapos basahin ang sulat nito. Pagkuwan ay muling itinupi iyon at inipit sa tangan niyang Journal na nasa ilalim ng kanyang unan. Pagkuwan ay humakbang palabas ng silid upang magtungo sa kusina at humanap ng kanyang kakainin. She don’t have a heart to disturb her mother at this wee hour just to prepare her foods. Alam niyang pagod ang ina sa pagsundo sa kanya maging sa pagtratrabaho sa hacienda.
Nang makalabas sa kusina ay pasimpleng iginala niya ang paningin sa kabuuan ng silid sa tulong ng liwanag na nagmumula sa may kaliitang bombilya malapit sa pinto.
Despite the dim light in the kitchen, Sugar can tell that the place is cozy and warm too, and every kitchen tools is in the right place, and some of the spices are at the top of granite counter top. Woods and granite combines to make the place looks like an old yet modern and vibrant kitchen. At higit sa lahat ay bakas ang presinsya ng ina sa bawat sulok ng kusina.
Tipid na napangiti siya, pagkuwan ay lumapit sa refrigerator na nasa paitan ng isang malaking gas stove na may oven sa ilalim at isang mataas at malapad na pinto na sa palagay niya ay isang pantry. Sa isang parte ng counter ay nakahilera ang microwave oven, coffee maker, at isang electric kettle. Habang sa ibabaw naman ng breakfast table ay maayos na nakasalansan ang mga kape, asukal, at creamer kasama ang tsokolate at gatas.
Ngunit bukod sa mga tasa na maayos na nakahelira sa itaas ng breakfast counter ay wala na siyang makitang kagamitan gawa ng pinggan at kubyertos. Malalim na nag=hugot niya ang hininga pagkuwan ay nilapitan ang lahat ng cupboard at drawer at isa-sang binuksan.
Nang makita ng pinggan at kutsara ay agad na tinungo naman niya ang fridge at naghanap ng pagkain na pwedeng iinit para makain niya. Habang hinihintay niya ang iniinit na pagkain sa microwave ay nagtimpla siya ng kape. Wondering to herselfwhat time everyone’s going to wake up. Nang tumunog ang microwave tanda na tapos na ang iniinit niya ay mabilis at excited siyang umikot upang kunin iyon ng may sumaging anino sa gilid ng kanyang mga mata.
Mabilis na pumihit siya sa direksyon kung saan niya nakita ang anino ng isang pares na itimang mga mata ang sumalubong sa kanya. Tunog ng nalaglag na kubyertos ang nagpabalik sa nawindang niyang katinuan.
“W-what are you doing here?” nauutal na usal niya habang bahagyang napaatras palayo sa counter na napagitnaan nilang dalawa.
Hindi sinasadyang dumako ang kanyang paningin sa kabuan nito. He was wearing a checkered long sleeve polo, dark blue jeans and an cowboy boots, while holding a salacot in his left arm. Therefor, Sugar conclude that he’s one of the worker in the Hacienda.
“I live here.” Tugon nitong tuluyang lumapit sa dati niyag kinatatayuan at dinampot ang kutsarang nihulog niya.
“Yeah?”
“Yeah.” He said in a flat tone. Pagkuwan ay tinapunan siya nito ng tingin simula ulo hanggang paa. Pagkuwan ay nagpakawala ito ng disgustong ungol bago nagwika.
“You’re inviting danger with your dress, woman.” Matalas na anito sabay lampas sa kanya.
Nalilitong nagbaba siya ng tingin upang tingnan ang sarili ng mapagtanto niyang isang manipis na lingerie lang ang suot niya. At bukod sa lace underwear niya ay wala na siyang suot na panloob.
“Shit!” usal niya sa hindi malamang paraan kung paano tatakpan ang sarili. “Then you shouldn’t come in when you saw me.” Paangil na aniya rito upang takpan ang nadaramang kahihiyan.
“Oh,” mahinang ungolnito saka nanunuyang binalingan siya ng tingin. “I can’t just do that. Because its probably my only chance to see you almost naked, unlike what happened yesterday.”
Ilang ulit na napakrap si Sugar sa mahabang tinuran nito. Hindi makapaniwalang sasamantalahin ng lalaki ang pagkakataon ngayon.
“You’re suck a pervert!” bulalas niyang akmang susugurin ito ng isang malisyosong ngisi ang ibato nito sa kanyang kabuuan.
“Yung nakikita ko ngayon ay wala pa sa kalingkingan ng mga nakita mo sa akin kahapon.” He said with a smug un his face.
Awang ang labing napamaang siya dito habang ilang ulit na napakurap upang panatilihing malinaw ang takbo ng isip sapagkat muli niyang naalala ang naging daloy ng kanyang isipan habang nasa loob siya ng banyo. At hindi niya maikaila na unti-unti niyang nararamdaman ang kakaibang init na dumadaloy sa kanyang kabuuan sa paraan ng pagtitig ng lalaki sa kanyang katawan.
“I can’t believe I was having this argument with you!” bulalas niya makalipas ang ilang sandali pagkatapos maramdaman ang muling pagkalam ng sikmura. She desperately need to divert her attention somewhere, and foods is the answer.
Isang matalim na sulyap ang inihagis niya sa lalaki, pagkuwan ay kinuha ang pakain sa microwave at binitbit iyon. Pagkuwan ay inigaw sa kamay nito ang hawak na kutsara bago niya dinampot ang tasa ng kape sa mesa.
“This is mine.” iritableng wika niya saka ito iniwan sa kusina at muling pumasok sa silid.
Isang na a-amuse na tingin lang ang isinunod nito sa kanya.
Nang tuluyang makapasok sa silid ay mabilis na binuksan niya ang bintana at hinayaang pumasok ang hanging pangmadaling araw upang pakalmahin ang sarili at mapawi ang init na nararamdaman. Hindi niya mawari kung kit sa loob lamang ng ilang oras na nakilala niya ang lalaking iyon ay nagagawa na itong bigyan siya ng iba’t-ibang klaseng emosyon na walang sinuman ang nakapagbigay sa kanya.
Lalo na ang kakaibang init na gumagapang sa kanyang kabuuan sa twing tatapunan siya nito ng nag-aapoy na tingin. The kind of look that full of lust and feels like they were having sex in their mind using they’re eyes. Nanghihilakbot na kumain na lamang siya.
Sumisikat na ang araw ng matapos siyang kumain, kasabay ng hindi mapigilang antok na sumalakay sa kanya. Inot-inot na bumalik siya sa kama at pabaluktot na humiga. Ngayon lang siya nakarmdam ng labis na antok matapos kumain. Marahil ay dulot iyon ng kapaligiran, idagdag pa ang nakakapagod na pakikipagpalitan niya ng salita sa lalaking hindi niya alam kung nasaang lupalop na ng Hacienda ngayon.
The nerve of that worker! Nangigil na bulong niya sa sarili sa inaantok na diwa, at habang hinahayaan niyang muli siyang hilhin ng antok ay kung ano-anong katawagan ang inuukol niya sa lalaki.
Malakas na huni ng ibon at malamig na simoy ng hangin mula sa bukas na bintana ang gumising kay Sugar. Gulat na napabalikwas siya ng bangon at agad na iginala ang paningin sa labas ng bintana.
Bukod sa mataas na sikat ng araw at huni ng mga ibon ay wala namang kakaiba sa paligid niya. Naroon pa rin siya sa kanyang kama sa loob ng Villa. She had a good night sleep until dawn, kung saan naka engkwentro niya sa kusina ang machong lalaki na una niyang nakaharap sa ilog.
“Hindi kaya panaginip lang iyon?” nalilitong aniya sa sarili ng sulyapan ang side table kung saaan niya huling inilapag ang pinagkainan at pinag-inuman ng kape at walang makita roon.
Isang nalilitong sulyap ang ginawa niya sa lamesita bago tulyang bumagon at nagtuloy sa banyo. She would freshen up before going out in the kitchen, pakiwari niya ay kailangan niya ng isang matapang at mainit na kape upang tuluyang mahimasmasan at simulant ang kanyang araw. Ng matapos maligo at magbihis ay lumabas siya ng silid at agad na hinanap ang ina. Natagpuan niya itong masayang nakikipaghuntahan sa mga kasamahan sa kusina habang nagluluto ng agahan.
May kung anong pananaghili siyang naramdaman sa kanyang kaibuturan sa nakikitang kasiyahan ng ina habang masaya itong nakikipaghuntahan sa mga kasamahan. Wondering to herself if she’s always this happy with them, at natabunan na niyon ang katotohanang ni hindi sila magkasama.
Kaya ba balewala sa kanya na hindi ako lumaking kasama siya, dahil may ibang nagpapasaya sa kanya. Samantalang ako, ni hindi ko naramdaman kung paano siamaging ina. Mapait na aniya sa sarili habang tahimik na pinanonood ang pagtatawanan ng tatlo.
“Oh, anak! Gising ka na pala.” Ani ng ina ng mapunan siyang nakatayo sa gitna ng pinto. “Good morning!” bati nito kapagkuwan.
“Good morning din po,” ganting bati niya habang umahakbang palapit sa mga ito. Pagkuwan ay tinapunan ng tipid na ngiti ang mga kasama nito.
“Good morning din naman sayo,” wika naman ng mga ito.
Ng tuluyan siyang makalapit sa hapag ay natatakam na iginala niya ang paningin sa hapag. Punon-puno iyon ng iba’t-ibang uri ng almusal simula sa malalaking hotdog, bacon and cheese, longanisa, tapa, pritong itlog, ensaladang sibuyas at kamatis at ang pamosong sinangag na maraming bawang na paborito niya.
“Sabi ng papa mo ay paborito mo pa rin daw ang sinangag hangang ngayon. Maing ang itlog at hotdog, kahit ang bacon.” Wika nito habang iminumwestra na maupo na siya sa isang upuan.
Lumapit naman siya doon at naupo. Habang pinanonood itong Salinan ng pagkain ang kanyang plato. “Salamat po,”
Masuyong ngumiti ito sa kanya, pagkuwan ay alanganing umangat ang isang kamay upang haplusin marahil ang kanyang pisngi ng biglang matigilan.
“Walang anuman iyan, anak.” Wika na lamang nito habang ibinalik sa tagiliran ang kamay.
The disappointment she felt that moment towards her nothing can comprehend. Kung sana ay itinuloy na lamang nito ang ang paghaplos sa kanya, kung sana ay…palihim na naghugot siya ng hininga, pagkuwan ay nagsimula ng sumubo ng pagkain.
“Kumusta naman ang tulog mo kagabi?” pagkuwan ay usisa ng ina habang kumakain sa katapat niyang upuan.
“Okay naman po, medyo napasarap ang tulog ko.” Magalang na aniya habang patuloy na kumakain.
“Oo nga ate, ilang ulit kag binalik-balikan ni Manang Sol kaya lang tulog na tulog ka talaga.” Nakangiting ani ng katabi ng inang sa pagkakatanda niya ay Inday ang Pangalan. Sa kaliwa naman nito ay si Bebeng.
Bahagya siyang natawa sa sinabi nito, “Oo nga eh, unang beses na nakatulog ako ng ganoon katagal.”
“Siguro ay dahil sa hanging probinsya. Idagdag pa ang haba ng byahe mo.” Komento naman ng kanyang ina.
“Siguro nga po.” Sang-ayun naman niya. Habang patuloy sila sa pagku-kwentuhan ay naalala niyang itanong kung bakit ganoon kadami ang pagkain samantalang sila lamang naman ang kumakain doon.
“Ah, iyan ba? Madalas kasing dito kumakain ang ibang trabahante. Minsan naman ay ang mismong may-ari nitong Hacienda kasama ang ilang katiwala. Kasabay namin.” Mahabang paliwanag ng ina.
Noon niya naalala ang naganap kanina, at tinanong ang ina kung nakuha ba nito ang pinagkainan niya kanina.
“Oo anak, teka anong oras ka bang naising? Bakit di mo ako ginising.” Ito naman ang nag-usisa.
“Alas tres na po akong nagising. Hindi ko na kayo inistorbo, alam ko din po kasing pagod kayo.” Wika niya.
“Ayos lang iyon, anak.” Tugon nito. Tumango-tango lamang siya ngunit hindi na kumibo. Ngunit may kunga anong ala-ala ang sumagi sa kanyang isipan.
“Oo nga po pala, mayroon-,”
“Magandang umaga,” wika ng isag baritonong tinig mula sa bungad ng pintuan ang nagpahinto ng anumang sasabihin niya.
She knows that voice, she heard it countless of time. At sa twina ay isang maanghang o di kaya ay pang-iinsulto ang naririnig niya mula sa may-ari niyon!
Mabilis na nagbaling siya sa pinto. Noon nagtama ang paningin nila ng lalaki. She can’t tell exactly what’s on his mind. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito subalit may kung anong Mensahe ang naroon sa mga mata ng lalaki.
Mensaheng malinaw na malinaw sa kanya. Hindi napigilan ni Sugar ang pag-ismid kasabay ng pag-arko ng kilay.
Never in your wildest dream! Bulong niya sa isip.
“Oy, Sean. Gising ka na pala,” wika ng mama niya. Pagkuwan ay mabilis na tumayo upang kumuha ng plato, kubyertos at baso. Pagkuwan ay agad na inilapag iyon sa kabisera kung saan nasa kanang bahagi niya.
Agad na lumipad sa lalaki ang paningin niya. Maliban sa suot nitong checkered polo na kulay dilaw na ngayon ay iyon pa rin naman ang suot nito ng magpang-abot sila dito sa kusina kaninang madaling araw.
“He doesn’t look like he just woke up at all.” Kuno’t noong wika niya sa sarili.
“Kanina pa po akong madaling araw nagising Manang, galing na po ako sa kwadra ng kabayo dahil nanganak si Martina.” Wika nito na tila ba tinugoon kung ano mang sinambit niya sa sarili.
Muling lumipad sa lalaki ang nagtatakang mata niya. Alas tres ng madaling araw sila nagtagpo nito sa kusina, ibig sabihin ba niyon ay umalis na ito at kababalik lang ngayon? Ngunit bakit dito sa Hacienda ito tumutuloy? Isa ba itong bisitang beterinaryo, judging for what he just said. Nanganak ang sa palagay niya ay isang inahing kabayo.
“Ay ganoon ba?” ani ng kanyang ina. “Sino ang nagpa-anak?” usisa ng mama niya.
“Dumating po kagabi si Luke, doon na siya dumiretso at inantabayanan nalang ang panganaganak ng kabayo.” Mahabnag wika nito habang patuloy na magandang kumakain.
Hindi maiwasan ni Sugar na manaka-nakang sulyapan ang Magana nitong pagkain habang patuloy na nakiki[pagkwentuhan sa kanyang ina tungkol sa trabaho sa Hacienda at sa ilang manggagawa niyon.
Halos patapos na itong kumain ng muli siyang tapunan nito ng sulyap at nagwika, “Kumain kang mabuti. Masustansya ang mga pagkain dito dahil sariwa.” Mahabang wika nito at pabiro pang kumindat sa kanya.
Nanlalaki ang matang pinandilatan niya ito kasabay ng pagnipis ng mga labi. Marahang tumawa ang kanyang ina sa ginawa nito.
“Oo nga pala anak, siya si Sean. Sean, ang anak ko si Sugar.” Pagkuwan ay pakilala nito sa kanilang dalawa.
“It’s nice to finally meet you.” Wika nito sa pormal na tinig sabay abot ng isang kamay sa kanya.
Inabot niya iyon dala ng kagandahang asal.
“Nice to meet you too!” she said in a flat too=ne but smile to him too sweetly.
Dahil pakiramdam niya ay kaya lang naging pormal ang tono nito ay dahil sa mga nakapaligid sa kanilang dalawa. At double meaning dina ng sinabi nitong, its nice to finally meet her.
Muling umangat ang sulok ng labi nito, nginit hindi nagkomento. Bagkus ay muling hinarap ang naantalang pagkain.
“So, Sugar anong mga pinagkakaabalahan mo sa China?” usisa nito habang kumakain.
Kuno’t noong napalingon siya sa ina, bahagya naman siyang inudyukan nito na makipagkwentuhan na rin sa lalaki, pero dahil iritado pa rin siya rito dahil sa nangyari ng nakaraang araw at kaninang madaling araw ay walang gana niyang tinugon ito.
“Painting,”
“Painting what?” tugon nitong tila napukaw ang interest sa tugon niya. Bahagya pa itong huminto sa pagkain at pinagmasdan siya habang hinihintay ang sagot niya.
“Nature.” Muli, tugon niya sa bagot na tono.
“Nature, you mean. Kalikasan?” anito.
“Yeah.”
“I see, how about human?” patuloy na usisa nito.
“Yeah, sometimes.” Aniya tukoy ang nag-iisang tao na naging subject niya ilang buwan na ang nakararaan.
“Hmmm, so your more on nature than human.” Konklusyon nito.
“Oo. Parang ganoon na nga.”
“Kaya ka ba nakarating sa ilog kahapon. You were looking for a better subject?” wika nito sa mababa ngunit nag-aakusang tono. “I think you found an interesting subject yesterday, combine the two.”
Pakiwari niya ay nanigas ang buong katawan niya sa sinabi nito, lalo na ng mapagtanto niya ang ibig sabihin niyon.
“Ilog?” singit naman ng kanyang ina sa naguguluhang tinig, sabay baling sa binata na may pag-aalala sa mukha.
“Opo,” tugon niya, “Naligaw po kasi ako sa ilog kahapon, kaya di agada ko nakauwi.”
“Ay bata ka, napakalayo na niyon rito ah!” muling wika nio.
Alanganing napasulyap siya sa ina, saka pailalim na sinipa ng tingin ang katabi. Tila walang anuman naman iyon dito, bagkus ay ikinibit lamang ang balikat.
“Hindi ko po kasi napansin ang layo, medyo nalibang po ako sa tanawin.” Aniya nalang upang maalis na roon ang usapan. Pagkuwan ay mabilis na idinugtong. “Sa palagay ninyo ho ba, papaya ang may-ari ng Hacienda na gamitin kng subject ang ilog?” usal niyang puno ng pag-asam ang tinig.
Hindi agad nakakibo ang mga kasalo niya sa hapag, pagkuwan ay alanganing sinulyapan ng mama niya ang katabi niya na matamang nakamasid sa kanya.
“Why?” walang emosyong wika ni Sean.
Mabilis na nilinga ito ni Sugar pagkuwan ay nagwika.
“Why? The place is heaven!” aniyang puno ng excitement ang tinig. Pagkuwan ay idinugtong sa sarili. Why do you even care?
“Well, I know the place is so ordinary for you, since dito ka nakatira. Maybe all your life?” aniyang hindi napigilan ang sarkasmo sa tinig.
“Babe, hindi dahil dito na halos kami nakatira sa buong buhay namin, ay hindi na kami marunong mag appreciate ng kapaligiran namin.” Ganting tugon nito sa tonong iritado na.
“Ow, talaga. You look bored to death right now.” Wika niya na nagpatahimik sa lahat ng kasalo sa hapag sa hindi mabilang na pagkakataon.
Pakiwari ni Sugar ay tumindig lahat ng balahibo niya sa katawan ng mapagtanto ang huling sinabi, lalo na ng walang nagkomento sa ni isa man sa mga kasalo. Makalipas ang ilang sandali ay tunog ng iniatras na upuan ang tanging maririnig sa kabuuan ng kusina.
Pagkuwan ay ang mahinang yabag ng sapatos na papalapit sa kinuupuan niya.
Alam niyang papalapit sa tabi niya ang lalaki ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi niya mmagawang lingunin ito, lalo na at malakas na malakas ang kalabog ng kanyang dibdib.
For the first time in her life, she got terrified for the consequence of her action, at hindi niya alam kung may magagawa ang kanyang ina sa maaring gawin ng binata sa kanya.
Huminto ito ito sa mismong tabi niya at bahagyang yumukod, brushing his lips in her earlobe and gently nib it, enough to sent electricity in her whole body that makes her shiver, then he whisper enough for everyone to hear.
“You’re the one who looks like you’re bored to death sweetheart. At sa palagay ko ay ginagawa mong libangan ang paninira ng kasiyahan ng mga tao sa paligid mo.” Anito pagkuwan ay tumayo ng tuwid ngunit ipinatong naman ang mga kamay sa kanyang mga balikat.
Alintana ang malakas na singhap na kumawala sa lalamunan niya, nagpatuloy ito.
“Hindi ko masabi kung ganyan ka Talagang pinalaki ng kinalakhan mo, but I think there’s something wrong with your attitude and the way you treat everyone around you.” Deretsang wika nito. Pagkuwan ay tinapik-tapik nito ang balikat niya bago tuluyang tumalikod.
Nagpupuyos na tumayo siya sa kinauupuan at nagmamartsang sinundan ito.
“How dare you! Wala kang karapatan-,” naputol ang anumang sasabihin niya ng matalim na balingan siya nito, nagbabanta ang mga mata.
“Be careful with your mouth young lady. You’re in my territory.” Malamig na wika nito, pagkuwan ay tumalikod.
Awang ang mga labing sinundan niya ito ng nagpupuyos na tingin. Alam niyang may parte siya sa pag-aaway nila kanina. Pero hindi naman niya akalain na aabot sa puntong iyon ang pagtatalo niya, at madadamay pa ang mga kinalakhan niya. At ayaw niyan bigyan ng dahilan ang kanyang ina na magka idea na ganoon nga siyang pinalaki ng kanyang papa, lolo at lola.
Malalim na napahugot siya ng hininga, pagkuwan ay pasalampak na naupo sa marmol na sahig, nahihiya na siyang bumalik sa kusina at pakiharapan ang mga naiwan doon.
She was always tame and patient, isa sa katangiang niya ang pagiging mahinahon at pasensyosa na hinahangaan ng lahat, lagi din siyang kalmado at kayang makipag argumento sa mahinahong paraan. At ipinagtataka niya kung bakit nagagawa ng binatang trabahante ng hacienda na sirain ang lahat ng resebasyon niya sa katawan. Ang ang masama pa doon ay sa mismong harapan ng kanyang ina.
“God, Sugar! Nawawalan ka na ng katinuan nitong mga nakaraang buwan. Get a grip with your life, will you.” Kastigo niya sa sarili habang mariing sinasabunutan ang sarili/.
“Sugar, anak?”
Gulat na nag-angat ng paningin niya si Sugar. Sumalubong sa kanya ang nagtatanong na mga mata ng ina, naroon din ang disappointment sa mukha nito. At alam niyng dahil iyon sa inasal niya. Wala pa siyang biente kwatro oras sa hacienda ay kung anong gulo na agad ang nagawa niya.
Kasalanan ito ng bastos na lalaking iyon! Nangigil at mangiyak-ngiyak na aniya sa sarili niya habnag kagat labing nakatitig sa ina.
Malalim na naghugot ito ng hininga, pagkuwan ay humakbang palapit sa kanya at masuyo siyang hinawakan sa braso at kinabig palapit dito. Hindi naman niya nagawang tumutol bagkus ay hinayaan ang sariling damhin ang init na dulot ng yakap nito.
“I-I’m sorry, hindi ko sinasadyang maging bastos kanina sa lamesa.” Hinging pumanhin niya habang nanatiling nakakulong sa mga bisig nito.
“Shhhh, ayos lang iyon.” Masuyo namang tugon nito habang hinahaplos ang likod niya. “Hindi ko alam kung ano talaga ang namagitan sa inyong dalawa ni Sean sa ilog, pero sana ay maayos ninyong dalawa iyon.” Wika nito habang marahan siyang hinawakan sa balikat.
“Opo,” wika niya sa mababang tono. “Mag-a-apologize po ako sa kanya mamaya pagbalik niya.” Pagpapakumbaba niya.
“Tama yan, mahirap manirahan sa bahay na hindi ka payapa. Masisira ang bakasyon mo, at higit sa lahat ay papangit ka pa sa konsimisyon.” Birong totoo nito.
Tumawa na lamang siya sa sinabi nito. Ngunit, makalipas ang ilang Segundo ay may kung anong naalala.
“Teka, stay in po ba siya dito?” tanong niya kapagdaka.
Kunot noong napalingon ito sa kanya, kapagkuwan ay napalingon sa pintong nilasan ni Sean.
“Stay in?” tila naguguluhang anito sa kanya.
Siya naman ang naguluhan sa kalituhan na bumalatay sa mukha ng ina sa sinabi niya.
“Oo naman. Dito siya mismo nakatira sa Villa,”
“Dito mismo?” napalunok na usal niya. “Ano ho bang trabaho niya rito?” usisa niya ng hindi makatiis.
Ilang ulit na napakurap ito sa kanya, pagkuwan ay mataman na tinitigan siya sa mukha.
“Siya ang namamahala nitong hacienda at lahat ng produkto nito.” Paliwanang nito.
“Ah, manager.”
Sandaling nag-isip ito bago sumang-ayon. “Parang ganoon na nga. Dahil siya naman ang personal na namamahala nitong Hacienda nga, maging ng mga negosyo nila.”
Negosyo?
“Namamahala ng mga negosyo?” hindi napigilang usisa niya.
“Oo, siya ang may-ari nitong buong Hacienda at ibang negosyo sa ilalim ng S&S Group of Companies. Pero tinutulungan naman siya ng kapatid niyang si Spice.”
Nag ma-may-ari ng Hacienda, CEO ng S&S Group of Companies.
“He’s rich?” hindi napigilang bulalas niya.
“Sobra.” Tugon naman nito. “Henerasyon sa henerasyon na ang yaman nila, kahit na ng muntikang malugi ang buong kompanya nila ay nagawa pa rin niyang palugin iyon ng mas higit pa sa nagawa ng Papa niya.”
Workaholic!
“I bet, he did.” hindi napigilang komento niya habang naalala kung ano ang ginawa ng kanyang ama sa mismong negosyo nila noong mga panahong bago palang siya nagkakaisip.
“Masipag at maparaan si Sean, bukod pa sa mahalaga sa kanya ang negosyo ng papa niya lalo na itong buong Hacienda.”
Ilang sandaling tumahimik siya bago nagawang ibuka ulit ang bibig, “Mayaman pa po siya kanila Papa at lolo, kaya di ko po siya kayang bilhin.”
Malakas na natawa ito, pagkuwan ay masuyong ginulo ang kanyang buhok.
“Ikaw talaga.”
Tahimik na sinundan niya ng tingin ang kamay nito, pakiwari niya ay may kung anong lungkot ang bumalot sa kanya ng alisin nito ang kamay sa ulo niya. Noon niya napagtanto na walang ibang kakulangan sa buhay niya talaga kundi ang pagkalinga ng isang ina. Maybe, just maybe. Maging maayos pa silang mag-ina.

Sugar Spice And Everything Hush: SugarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon