Chapter Twelve

254 11 1
                                        

ARE you out of your mind, Sugar?” dumadagundong na wika ng ama habang ilang ulit na nagpapabalik-balik sa gitna ng maluwang na suite kung saan sila naghihintay para sa paglabas nila.
Tahimik naman siyang nakayuko habang mahigpit na hawak ang mga nanlalamig na palad. Ito ang unang pagkakataon na nasinghalan siya ng ama ngunit binalewala iyon ni Sugar.
“Bakit Lucio? Hindi ba pwedeng sundin ng anak ko kung ano man ang tinitinbok ng kanyang puso?” mainit namang salungat ng kanyang ina sa ama niya.
Walang emosyon na linginon lamang ng kanyang ama ang ina, pagkuwan ay muli itong lumakad sa kabuuan ng silid.
“Lucio, calm down. All women felt suffocated the day they’re getting married.” Ani ng abuela niya sa wikang Chinese.
Sabay na nagbuga ng malakas na hangin ang kanyang ama at abuelo, pagkuwan ay matigas na nagwika ito.
“You should not wear that stupid white dress if you don’t want to get married in the first place.” Ani ng ama bago malaki ang hakbang na lumabas ito ng pinto.
Nang makalabas ito ay isang mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang lahat. Bago lumabas ang kanyang abuelo ay nag-alis ito ng bara sa lalamunan, alam niyang nagpupuyos din ang kalooban nito sa desisyon niyang huwag siputin sa altar si Casper subalit pilit siya nitong iniintindi.
“Ma’” humihikbing aniya ng yakapin siya nito.
“O siya tama na iyang pag-iyak mo. Madami tayong kailangang ayusin at harapin ngayon.” Anito bago siya tinapik sa likod ng tatlong beses sa likod.
Nang bumitaw sa kanya ang ina ay ang kanyang abuela naman ang lumapit sa kanya at yinakap siya ng mahigpit. Simula ng aminin niya dito ang katotohanan ay sinopurtahan nito kung ano man ang magiging desisyon niya.
Kaya ng sabihin niyang ayaw niyang sumipot sa altar ay buong puso siyang sinuportahan nito.
“Go on Siobe, let’s go home to have some rest.” Ani ng abuela.
Marahan lang siyang tumango dito pagkuwan ay mabilis na hinawakan ang laylayan ng empire cut wedding gown na suot niya.
Nang makalabas sila ng hotel ay sinalubong sila ng mga magulang ni Casper, puno ng labis na pag-aalala ang mukha.
“Mrs. Lim.” Gulat na sambit niy habang nakamata sa mag-asawang bagong dating.
“Sugar,” nanghihinang ani ng matandang babae.
“Mrs. Lim, w-what are you doing here?” bahagyang kinakabahang aniya rito.
“I’m so sorry, Siobe. We’re both sorry.” Anitong habang mahigpit siyang hawak sa mga balikat. “We’re so sorry, about what Casper did. We didn’t know that he would change his mind and back out at the last minute.”

Sugar Spice And Everything Hush: SugarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon