Mabilis na umatras siya palayo dito at inilagay ang dalawang kamay sa harapan ng dibdib. “Wala naman po! Medyo napagod lang talaga ako sa pagpipinta sa likod bahay.” Kaila niya saka mabilis na lumapit sa fridge upang kumuha ng maiinom.
Noon naman pumasok si Sean at agad na iginala ang paningin sa kabuuan ng kusina, huminto ang mga mata nito sa kanya.
“Can I have some beer too, Sugar.” Patag na wika nito habang papalapit sa kanya at nakapako ang paningin sa kanyang kaliwang kamay kung saan naroon ang bote ng inuming kinuha niya.
Akmang susuplahin niya ito ng magwika ang kanyang ina.
“Bakit may hawak kang beer, anak? Iyan ba ang iinumin mo?” nagtatakang usisa nito.
Tulirong nagbaba siya ng tingin sa hawak at lihim na napamura ng mariin.
“Damn! Shit! Shit! Shit!” mabilis na ibinalik niya iyon sa fridge at isinara.
“Hindi po, nagkamali lang ako ng nakuha.” Aniyang pilit pinakalma ang nanginginig na tinig.
Hindi na ito umimik, bagkus ay lumakad palapit sa fridge at kumuha ng isang bote at iniabot kay Sean.
“Salamat po.” Ani ng lalaki habang binubuksan nito ang bote.
Malakas na napalunok siya ng ipako ng lalaki sa kanya ang paningin.
“Are you okay, Sugar?” tanong nito kapagkuwan.
“Of course!” asik niya rito.
Tumaas ang sulok ng labi nito habang pinasasadahan siya ng tingin. Bago lumingon sa kanyang ina.
“Hindi nga po pala ako dito maghahapunan, Manang. Huwag n’yo na po akong hintayin.” Bilin nito sa kanyang ina na tinanguan naman ng mama niya. Pagkuwan ay nagpaalam na itong aalis, bago tumingin ng makahulugan sa kanya na ikinataas ng kilay niya.
Nang mawala ito sa kanyang paningin ay napailing nalang siya, bago nagpaalam sa inang papasok na rin sa sariling silid.
ILANG ULIT ng nagpabalik-balik si Sugar sa veranda ay hindi pa rin siya dalawin ng antok. Sa hindi niya maipaliwanang na dahilan ay tila ba nababagabag siyang hindi niya mawari.
Aminin man niya sa sarili o hindi, lihim niyang hinihintay ang pagdating ni Sean. Hindi dahil sa muli siyang tinawagan ng kanyang agent upang siguraduhin na nakahanap na siya ng modelo para sa project niya. Kundi dahil gusto niyang alamin ang kahulugan sa likod ng titig na iniwan ng binata sa kanya bago ito umalis.
Subalit malapit ng magbukang liwayway ay hindi pa rin dumarating ang lalaki. kaya kahit mabigat ang loob niya ay nagpasya na rin siyang bumaba at magtungo sa sariling silid.
Pababa na si Sugar ng hagdan ng marinig niya ang mahinang yabag ng sapatos na kasalukuyang umaakyat.
Pigil ang hiningang napayuko siya dito habang ito naman ang nakatingala sa kanya.
Their eyes lock to each other and no one dares to blink. He looks like he’s seeing an apparition at the moment and he wanted it to last, while she waited patientlyfor him to reach the top of the stairs.
Huminto ito sa mismong tapat niya at agad sinapo ang kanyang pisngi ng nanlalamig nitong palad at nagwika sa pabulog na tinig.
“What are you doing here, Sugar?”
BINABASA MO ANG
Sugar Spice And Everything Hush: Sugar
RomanceTeaser Bata pa lang si Sugar ng maghiwalay ang mga magulang niya at dalhin siya ng ama sa China upang doon na manirahan, at sa loob ng mga panahong lumalaki at nagkakaisip siya ay nagging iba ang pananaw niya tungkol sa pakikipagrelasyon. At sa toto...
