Pader

2.1K 46 12
                                    

Rita's POV

"Rita!!!! Yuhuuuuu!! Rita!! " nagpaikot-ikot ako sa kama na hinihigaan ko ng marinig ko yung maingay na pagkatok sa pintuan..

"Rita!!! " galit akong napadilat at humarap sa salamin. Mabilis kong kinuha ang namumuong muta sa mga mata ko at dinamay na rin ang natuyong laway sa gilid ng bibig ko. Napakamot ako sa ulo ko ng hindi tumitigil ang komakatok sa pinto.

"Ano na naman ba?? Juskooo ang ingay ingay naman ho ng bunganga niyo. Napakaaga pa ho!! " banat ko ng buksan ko ang pinto.. Nakangiti si Aling Wenna sa akin..

"Ito na pala yung bayad namin sa renta ng bahay, kasama na din yung ilaw at kuryente.. " sabi nito sabay abot ng sobre sa akin.. Mabilis kong kinuha ang sobre at binilang ito..

"Sige ho. Salamat dito. Manggigising lang pala kayo para magbayad ng upa, sana naman walang kasamang sigaw, katok lang naman ho nagigising na ako... " sabi ko dito at nag peace sign pa ito sa akin..






Ganito talaga dito sa Balic-Balic.. Ginigising ako hindi dahil sa may naniningil sa akin kundi sila mismo ang nagbabayad sa akin. May dalawa akong bahay na pinauupahan sa gilid ng kulungan ng mga aso ng medyo nakakaangat naming kapitbahay. Hindi kalakihan yung paupahan ko pero pinagtiyagaan nang upahan ni Aleng Wenna at ng walo nitong mga anak.. Yung isa naman, inuupahan ni Jeng. Oh diba? Hindi naman sa pagmamayabang pero magmula ng tumira ako dito, lahat silang mga ka-barangay ko, Santa ang tingin sa akin. Bakit? Huh. Dahil SWERTE ako ng barangay na to!








Mabilis akong naligo at nag-ayos.. Hindi dahil sa may raket ako kundi mag aapply ako ng maayos na trabaho.. Nakaharap ako sa salamin habang sinusuklay ang buhok ko.. Napatingin ako sa skirt na suot ko at sa coat..



"Oh! Diba! Awrang pang Office! Ayaaan, yang gandang yan? Ayan ang kinakailangan ng mga Private company ngayon, ayan ang magiging alas mo sa lahat ng Job interview mo ngayong araw.. " bulong ko sa sarili..



Kinuha ko ang resume ko at nilatag sa lamesa.. Kagabi ko pa paulit-ulit na binabasa ang nakasulat dito.. Medyo nakakakaba pero para sa future, Go!!! Masyado pa namang maaga para umalis ako kaya nagpasya muna akong manood ng movie sa netflix.. Napatingin ako sa ceiling.. Teka? Bakit nagkabutas dito?? Juskooo naman, problema ko pa ito pag tag-ulan na!! Napatingin ako sa pintong nakabukas. Nakalimutan ko palang isara..

Pagkasara ko ng pinto, agad na namang may kumatok.. Nanlaki ang mata ko.. Sunod-sunod ang pagkatok nito.. Kinakabahan akong binuksan ito.. Niluwa noon si Jeng na nagmamadaling pumasok ng bahay ko..

"Teka Jeng? Ang aga aga!! Bakit ka ba nagkukumahog diyan sa pagtakbo? Teka? May pinagtataguan ka ba?? Hoy Jeng!! Utang na loob, wag mong gawing taguan tong bahay ko!! "

"Ssshh, ang ingay mo. Manahimik ka na lang muna.. May humahabol kasi sa akin.. " nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya..

"Ano? Ayan na nga bang sinasabi ko!!! Kapag ako nadamay diyan sa pinaggagawa mo naku!! Hoy Jeng, kapag illegal yang ginagawa mo, juskooo, patawarin ako ng Diyos, ako na mismo magpapakulong sayo! "

"Para ka namang others! Parang ang layo ng trabaho natin ah? Edi ikaw din, ipapakulong ko! Sa dami ng tao na naloloko mo dahil diyan sa pekeng panghuhula mo , sa pagbebenta mo ng pekeng alahas, sa ----"

"Shut up! Do whatever you wanted to do. " sabi ko dito at natawa ito.

"Ayos. Englishera! Porket naka paldang pang samba ka? " pang aasar nito.

"Hoy! May job interview ako ngayon!!"

Nanlaki ang mata ko ng makarinig kami ng wangwang ng police.. Mabilis kaming pumasok sa loob ng cabinet kong inaanay na.. Mabuti na lang at nagkasya kami.

"Ano ba kasing ginawa mo??" bulong ko dito.

"Basta, tsaka ko na ikekwento. "

"Nakaw na naman ba yan? " tanong ko dito. Tumaas ang kilay nito bilang pagsang-ayon..

Napasapo ako sa noo ko. Juskooo, problema na naman..



Makalipas ang 30 minutes, sinilip ko ang labas ng bahay. Wala ng mga pulis... Safe na para makalabas si Jeng dito sa bahay.

"Oh, ayan. Wala na yung mga pulis.. "

"Naku Riri! Salamat talaga! Basta, babawi ako sayo! "

"Naku, wag na! Baka madamay ako sa mga pinaggagawa mo. Alam mo Jeng, pwede ka naman maghanap ng legal na trabaho.. Gayahin mo ako! "

"Naku. Mababastos lang ako pag ganyan yung isusuot ko! " sabi nito.

"Huwaw? Sa village ka nakatira teh? " tumawa lang ito at tuluyan ng lumabas ng bahay ko.

Kukunin ko na sana yung mga gamit ko ng makita ko yung cellphone na hawak ni Jeng kanina.. Naku. Ito talagang si Jeng, makakalimutin na!! Kinuha ko ang cellphone at siniksik ko sa bulsa ng coat ko..

Bago ako lumabas ng bahay, sinipat ko muna yung ganda ko sa harap ng salamin.

"Oh! Pak!! Ganda yaaann! " sabi ko sa harap ng salamin.. Pinagpag ko ang skirt kong kulay itim na bahagyang nalagyan ng alikabok dahil sa pagtago namin ni Jeng sa loob ng cabinet.. Maganda tong skirt, sa ukay-ukay ko binili.. Sabi ng tindera ay original daw kahit seventy five pesos lang naman..

Okay! Ready na ako sa corporate world! Nakikita ko na maganda ang kahihinatnan ng interview ko ngayon. As in. Hello, pinaghandaan ko talaga to..

Wala pang sampung hakbang mula sa bahay ko ng mapansin kong walang tao sa eskinita na dinadaanan ko.. Huminto ako at pinakinggan ang announcement sa malaking speaker na nakakabit sa bawat poste dito sa barangay namin.

"Oh, sa lahat ng taga barangay Tres, Balic-Balic Sampaloc Manila, may pa-libreng Sopas si Kapitana.. "

Ayeeern. nawala ang mga tambay at chismosang kapitbahay dahil lang sa sopas..

Maglalakad na sana ulet ako ng maramdaman kong may humawak ng kamay ko at madiin akong isinandal sa maduming pader na ilang lasing or aso na yata ang nakaihi. Kung hindi ako sanay sa bugbugan at balyahan, baka napaaray na ako sa sakit ng higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.. Oh hindi ko talaga kayang umaray dahil sa maganda kamay na nakahawak sa leeg ko, hindi mahigpit pero may sakit ng kaunti. Napapikit ako ng maamoy ko ang amoy ng mukhang mamahaling perfume..

"At talagang pinapasok mo ako sa basurahang lugar na ito? Nasaan na??? Ilabas mo na!! " galit siyang sinigawan ako.

"Hi... Hindi---ko. .alaaam" hahabaan ko pa sana ang sasabihin ko kaso kinakapos na ako ng hininga dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa leeg ko.. Sinubukan ko siyang itulak pero parang mas gusto ko na lang siyang kabigin. .Maliban sa magandang mga kamay nito .. Kung ikakamatay ko man ang pagsakal niya, mas okay ng matikman ko manlang yung mapupulang labi niya..

"Answer me!!! Where is it???? " gigil na sigaw nito. Halatang gigil na siya dahil napa-english na. Ganun din kasi ako kapag nabubwisit, napapa-english.. Hindi ako makasagot sa kanya kasi parang malalagutan ako ng hininga sa higpit ng pagkakahawak niya. Itinaas ko ang dalawa kong kamay papunta sa dibdib niya. Siguro dahil sa malapit na akong mamatay sa oras na to at may last wish ako ngayong gagawin, nagawa ito ng mga kamay ko.. Mabilis kong hinatak ang sweatshirt nito palapit sa akin..



Hinila ko ang leeg niya hindi para gumanti or makatakas, kundi para halikan ang labi ng lalaking nanakal..















Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon