Rita's POV
PAGBALIK ko sa ibaba, hindi pa pala talaga ito umalis.. Akala ko ay aalis na siya dahil sa tagal ko doon sa itaas..
"Bakit ang tagal mo? " masungit na tanong nito.. Mabilis kong pinagpag sa harap niya ang bandana ko..
"Pwede ba! Ang alikabok ng tela na yan! Pinapalamig ko pa yung kape ko oh!" reklamo nito.. so hindi pa pala niya naiinom ang kape..
"Hindi ito basta bastang tela. Bandana ko ito. Hmmm.. Papahula ka ba talaga? "
"Bilisan mo na. " utos nito.. Nakatitig ako sa kanya ng unti-unti niyang inangat ang kape para higupin ito.. Mabilis kong kinuha ang bandana para itakip sa mukha ko.. Nangyari nga ang inaasahan ko..
"Wtf!!! Napakapait!! " sigaw nito matapos madura ang kape na iniinom..
"Pasensya na. Ang sabi ko kasi kanina kape lang ang meron ako dito. Wala akong sinabing pati asukal ay meron din. Sarado na ang sari-sari store ng ganitong oras kaya pagtyagaan mo na yan. " seryoso siyang napatingin sa akin..
"Ano? Huhulaan pa ba kita? "
"Bilisan mo! "
Nakipagtagisan ako ng titigan dito ng bigla kong kinalabog ang mesa at nagulat ito..
"Anong pangalan mo? " tanong ko dito. Grabe, nakipagpalitan na ako ng laway sa taong ito kanina pero kahit pangalan niya ay hindi ko manlang alam..
"Manghuhula ka diba? Edi hulaan mo.. " masungit na sabi nito. Inirapan ko ito.. Paano ba naman, wala ba siyang alam na ibang ekspresyon kundi ganyan lang? Masungit, cold, seryoso.. Tumatawa ba to? Or kahit ngumiti manlang? Tsss..
"Pangalan lang naman ho ng mapapangasawa mo yung kaya kong hulaan.. " seryosong sabi ko dito at kumunot ang noo nito.
"Huh? "
"Ri---Ta... Daaan-Nieeeelaaaa.. Charrot! Ito naman, di na mabiro. Smile smile din sir hah?? Masyadong seryoso eh.. " sabi ko dito pero nakatitig lang siya sa akin.. Nang tumikhim ito, nagseryoso na ako sa pag upo at kinuha ko na ang palad niya.
Mabilis niyang binawi ang palad niya..
"What are you doing?? "
"Huhulaan na kita Sir! OA naman sa pagbawi ng palad?? Kaloka.. !"
"Nasaan yung baraha? Or bolang kristal? " seryoso akong napatingin sa kanya at nagpakawala ako ng mahabang halakhak..
"HAHAHAHAH. sir. Ang luma naman nun. HAHAHAHA. "
"Fine." muli niyang nilahad ang palad niya..
"Alam ko na kung bakit ayaw mong sabihin ang pangalan mo.. Siguro ikinahihiya mo no??? Hahahahaha... " narinig ko lang itong nag "Tsss."
"Ano nga kasi ang pangalan mo?? "
"Ken."
Napatingin ako sa mga mata nito..
"Sir, tumingin ka lang saKEN please.. " seryosong sabi ko dito at napansin kong nag-iwas siya ng tingin. Pinisil ko ang palad niya at muli niya akong tiningnan..
"Birthday mo ngayon no?? " tanong ko dito..
"Paano mo nasabi??"
"Kasi naka tucked-in yung polo mo sa pants! " sagot ko at napansin kong ngumiti ito pero agad na nawala.
"Miss, hindi naman pwedeng hindi ito naka-tucked- in for 365days ! Mukha akong tanga nun.. " sabi nito at napanganga ako.. He called me miss.. I don't know why pero medyo kinilig ako! aheeeeeks!
BINABASA MO ANG
Tasteless Blood
Fanfiction"Hindi kailanman madadaya ang puso. Kung kanino at paano ito titibok, magmamahal. Required sa tao ang magmahal. Parang pagkain. Parang tubig. Hindi ito makikitil. Mapipigilan. Ganun kalakas ang puso."