Request

565 35 10
                                    

Rita's POV




"Alam mo bang nagrerequest na ng apo si Papa?"








HANGGANG makauwi ako ng bahay ay patuloy ang pagrehistro ng sinabi sa akin ni Ken.. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nanlamig at kinabahan.. Palakad lakad ako dito sa loob ng bahay ni Jeng.. Hindi ko alam kung anong klaseng nerbiyos itong nararamdaman ko..



"Rita! Nahihilo ako sayo. Napaano ka ba? Hindi ka pa ba inaantok??" tanong ni Jeng sa akin..




Problemado akong tinabihan si Jeng sa pag upo sa sahig at nadako ang tingin ko sa himbing na anghel na natutulog..




"Nung nalaman mo na buntis ka, ilang months na tiyan mo nun?" curious na tanong ko kay Jeng..


"Magugulat ka! Haha. 4 months. 4 months na yung tiyan ko noon nang malaman kong buntis ako kay Aliah.."



"Ba-bakit? I mean hindi ka ba nagtaka? Morning sickness? Wala ba?"



"Nagtaka ako nung nalaman kong buntis ako.. Kasi hindi ako nakakaramdam ng hilo, pagsusuka or kahit na anong cravings nun! Nung nag pa check up ako, sabi ng doktor, normal daw yun.. Nag ka morning sickness ako nung 6 months na.. Tsaka Irregular talaga ang period ko kaya siguro ganun, sa 4 months na yun, natatandaan ko pa nga na nakailang bote ako ng redhorse! Malakas ang kapit ni Aliah eh. Kaloob siguro talaga siya sa akin ng Panginoon.." Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Jeng.. Napangiti ako kay Aliah dahil ngumingiti ito habang tulog..













Ibinaba ko ang hood na suot ko nang makapasok ako sa bahay ko.. Binuksan ko ang ilaw at mabilis akong tumungo sa banyo... Nanginginig kong inilabas ang mga binili ko sa butika..







Halo-halong kaba ang nararamdaman ko habang nakapikit akong nakatingala sa ceiling..
Mabilis kong ibinalik sa loob ng Paper bag yung mga nakataob na binili kong Pregnancy test nang kumakatok si Mona sa pinto.. Nilapag ko sa ibabaw ng ref yung paperbag.. Patay malisya kong binuksan ang pinto at nakangiti..


"Dito ka na ulet titira sa bahay mo?"



"Huh? Hindi! Kukuha lang ako ng damit.." nakangiting sagot ko dito ..




"Painom naman ako ng tubig oh! May malamig ka ba diyan sa ref mo?" Nanlaki ang mata kong napatingin kay Mona ng diretso itong tumungo sa kusina para kumuha ng tubig.. Pagbukas niya ng ref at makitang walang pitsel ng tubig doon ay sinarado niya agad..



"Wala diba? May dispenser naman kasi ako! Sa ref ka pa kasi pumunta.." sabi ko dito sabay turo sa water dispenser sa kabilang side..

Pagkainom nito, wala pa yatang balak umuwi ang bruha..


"Alam mo, umuwi kana, isasara ko na din kasi tong bahay..."


"Ay.. May sinasaing pala ako!" nagmamadaling sabi ni Mona at lumabas na ito..



"Oo sige. Sana hindi matutong yung sinaing mo!! Bye!! Bukas ka na bumalik!!" sigaw ko..




Pagkasara ko ng pinto, nilocked ko ito , saglit na napasandal ako sa pinto at bumalik ako agad sa harap ng ref para kunin ang paperbag.. Umakyat ako ng kwarto at dahan-dahan kong ibinuhos ang apat na PT sa kama para makita ang resulta...























Kinabukasan, bago ako pumasok sa trabaho ay sumabay ako kay Jeng at Aliah habang nagpapaaraw sila sa gilid ng court..


"Mukhang puyat ka Rita ah? Mukhang di ka na sanay matulog sa kwarto mo!" biro ni Jeng ..


Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon