Interview

554 33 13
                                    

Rita's POV

Siguro nga ay Swerte ang hatid sa akin nung lalaking nananakal kanina. Paano ba naman, lahat ng tao sa jeep na sinakyan ko, napapatingin sa kagandahang taglay ko..

Bago ako tuluyang pumasok sa isang mataas na building kung saan naka schedule ang unang interview ko, pumasok muna ako ng fast food chain para mag retouch! Oo, papasok lang ako dito para tumungo sa CR. Pagpasok na pagpasok ko ng CR, nanlaki ang mata kong napatingin sa harap ng salamin! Paano ba naman kasi, nagkalat na pala yung lipstick ko sa gilid ng mga labi ko!! Mabilis akong kumuha ng wipes para punasan ito.

"Arrrghhh! Binabawi ko na. Malas. Malas ang hatid sa sakin ng lalaking yun!! Grrr! Kaya pala nakatingin sa akin lahat ng tao sa jeep kanina!!!" Mabilis kong nilagyan ng lipstick ang mga labi ko. Pero imbes na tapusin ko ang paglagay nito, bigla kong naalala ang lambot ng mga labi niya kanina.. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Ano bang nangyayari sa akin. Bakit ko na naman naiisip yung gagong yun! Tinuro ko ang sarili ko sa salamin..

"Masyado kang maganda para sa lalaking yun! Ok lang na pagnasaan siya pero wag naman dito sa loob ng FastFood  na ito, Kalma Girl!!" kinakausap ko ang sarili ko .. Napalingon ako sa likod ko ng may pumasok na lalaki..

GAGO. CR pala ng lalaki yung pinasukan ko!!! Juskoooo!! Nagpasya na akong tumungo sa kaharap na building nito para sa una kong interview..

Sa dami ng pinag applyan ko ng trabaho ay dalawa lamang ang  tumawag sa akin. Yung isa ay nahanap ko sa online site.. Call Center na naghahanap ng agent.. dahil tumatanggap naman sila ng undergraduate kaya sinubukan ko na.. Yung isa naman ay nahanap ko lang sa diyaryo.. Furniture Manufacturing company na naghahanap ng part timer na Personal Assistant.. Wala namang nakasulat kung gusto nila ng College graduate kaya nagtry na din ako.. Mabuti na lamang ay umaga ang schedule ko para sa Call Center at hapon naman para sa Furniture Company..

Nagtagal ako sa call center dahil sobrang daming aplikante.. Ginamit ko lahat ng English vocabulary na alam ko pero hindi pa pala ito sasapat dahil first round pa lamang ay bagsak na ako.. Hindi pala tumalab yung baon ko na charm at ganda.. Ang next interview ko para sa part timer na Personal Assistant ay sa Quezon City pa so nagpasya muna akong kumain ng lunch sa isang karinderya na nadaanan ko..

"Good Afternoon, I'm here for a scheduled interview to Mr. Nix Nicolo.." sabi ko sa isang magandang babae dito sa reception area ng napakataas na building na ito..


"Wala po si Sir Nix ngayon maam pero andito po yung pinaka Boss ng CKS Designs.." sabi nito. Napaisip ako, Well.. kung ang mismong boss ang mag iinterview sa akin, dapat kong galingan.. dapat kong itodo!!!

"Sige ho ma'am, nasa 6th floor po yung office CKS Designs.. paglabas mo po sa elevator, kanan ka lang po at ang pinakatumbok na pinto, iyon na po iyon!"

"Miss, pwede magtanong?" pahabol ko dito.

"Itong buong building po ay sa CSK Designs?"

"Ay hindi ho ma'am, madami pong company sa taas ."

Ay, akala ko naman malaking company yung CSK Designs! Eh mukhang nangungupahan lang din pala sa building na ito!! hmmm..

Paglabas ko sa elevator, mabilis kong tinungo ang office nito.. madali ko lang nahanap dahil sa labas nito ay nakasulat na ang napakalaking pangalan ng company..

Pagpasok ko, sinalubong ako ng isang babaeng hindi naman katangkaran pero ok na, maganda naman..

"Good Afternoon! May schedule interview kasi ako today para sa part time Personal Assistant!" saglit niya akong tiningnan at may inilapag siyang logbook sa harap ko..

Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon