Rita's POV
Nagising ako ng makaramdam agad ako ng gutom.. Hindi na kasi ako kumain ng heavy meal kagabi, nakakita kasi ako ng mukhang mamahaling peanut butter kagabi kaya sinubukan ko na, the best yun with slice bread!!
Ngayon, kailangan ko ng kumain ng madami dahil alam kong mahaba-habang araw ang naghihintay sa akin. Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko ay tsaka ko lang napansin ang isang pulang sticky note na nakadikit dito at may nakasulat na "7th commandment".. Kumunot ang noo ko habang pababa ng hagdan at ng marealize ko kung ano yung sinulat niya ay sumigaw ako ng malakas.. Bwisit talaga yung lalaki na yun. May pa 7th commandment pa siyang nalalaman! ""Thou shalt not steal." Anong inaakala niya? Porket mamahalin tong mga gamit niya ay pagkakainterasan ko na? Tsss. Hindi nga kasi ako ang kumuha ng cellphone niya!! Grrrr.. Pag ako talaga sinagad niyang Ken Chan na yan! Ay naku! Baka makalimutan ko ang ikalimang utos! Makakapatay talaga ako!! Grrrr..
Matapos kong kumain ay nagpasya akong magshower. Oo. Shower. Totoong shower. Sa dami ng mga butas nito ay akala mo naliligo ka na sa ulan. Ang sarap sa feeling. Haaaysss.. Habang nagsasabon ay tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng napakalaking salamin.. Kinindatan ko ang sarili ko sa harap ng salamin at kumuha na ako ng towel at ibinalot sa katawan ko.. Nagulat ako sa dami ng towel dito sa malaking cabinet sa CR. Yung totoo? Bahay ba talaga to? Juskooo..
Napatingin ako sa bathtub na napakaganda.. Mamayang gabi ka sa akin! Lulunurin ko ang sarili ko sa bula! Hahahahahhaha..
Suot ng black tube, ripped jean at white kong rubber shoes ay nag pose ako sa harap ng salamin. Madaliang pagkilay na lang ang ginawa ko at kaunting tint sa lips ko at cheeks.
"Akala mo siguro Sir Ken ay pipirme ako sa bahay mo ngayong araw? Aba! Lulubos lubusin ko na to no!! " bulong ko sa sarili habang hawak ko ang credit card niya.. Mabilis kong kinuha ang susi na ibinigay nito. Chineck ko muna kung may hindi pa naka unplugged before ako lumabas ng bahay..
Paglabas ko, tsaka ko lang nakita yung iniwang kotse nito. Hindi ako magaling sa mga model ng kotse pero alam kong mamahalin ito at mukhang bago pa dahil sa kinis nito.. Marahan kong hinimas ang gilid ng kotse at nanalamin pa ako sa sobrang kinis nito. Pagsakay ko, napatili ako sa sobrang saya. Ang sarap siguro talagang imaneho ito!!!
Pagdating ko sa isang malaking mall dito sa QC ay nagmadali akong pumasok sa loob..
Una akong pumasok sa department store para bumili ng mga pang office attire. Sobrang daming magaganda!! Lahat ng nagustuhan ko ay kinuha ko na.. At dahil napadaan ako sa mga dresses, nag try akong magsukat at kung may magustuhan man ay bibilhin ko na din.. Mukhang kakailanganin ko ng mga maayos na dress in case na magkaroon ng fake date with sir Ken. Napairap ako habang naaalala yung lalaking iyon.. Habang hinahanap ko ang sobrang inaasam ko talagang bilhing rubber shoes, napadaan ako sa mga accessories.. Eeeeeh, ang gaganda eeeeeh! Kuha dito, lagay dito, sukat dito. Nakadalawang basket yata ako!
Napatingin ako sa anim na paperbag na pinamili ko. Nakalimutan ko palang cash advance lang pala itong lahat. Napabuntong hininga na lang ako habang inaantay ang order kong pagkain.
After ko kumain ay dumaan akong grocery para naman ay may stock kami ng pagkain ng boss ko sa bahay nito. Napansin ko kasi na puro instant lahat ng pagkain niya dun. Tsss.. Huwag siyang tumulad sa aming kapos palad na nagtatiyaga sa instant food kasi wala kaming budget pambili ng masustansiyang pagkain. At dahil para may kabuluhan naman lahat ng binili ko ngayong araw, bumili na ako ng ilang karne, isda, gulay at prutas..
Gabi na nang makarating ako sa bahay.. Mabilis kong inayos lahat ng pinamili ko. Binuksan ko ang refrigerator at nilagay ko lahat ng karne dito.. At dahil nag take out ako ng pagkain for dinner, hindi na ako nagluto pa..
Pag akyat ko sa kwarto ko ay inayos ko lahat ng damit na pinamili ko.. Naiiyak parin ako sa total ng lahat ng pinamili ko. Umabot ba naman kasi ng seven thousand lahat ng ito. Bukod pa yung groceries at lunch ko kanina.
Nilabas ko yung binili kong bubble bath soap sa watsons. Yung pinakamahal talaga yung binili ko para maenjoy ko ng bongga ang pagbababad ko mamaya sa napakagandang bathtub.. Napatingin ako sa orasan, 8pm na pala so nagpasya na akong binyagan ang bathtub na iyon..
Napapikit ako ng pagbukas ko sa gripo ay napalakas ito at tumalsik sa akin. Natawa ako sa ginawa ko. Binukas-sara ko yung gripo. Nang ma achieve ko na yung gusto kong dami ng tubig at bula nito ay mabilis akong naghubad.. Inayos ko sa gilid ang binili kong ubas at red wine. Nang humiga na ako sa bathtub ay napangiti ako..
"Finally. This is it!!" habang nagbababad ako ay nakikinig ako sa music sabay kuha ng ubas.. Itinaas ko ang wine glass .
"It's your smile, your face, your lips that I miss
Those sweet little eyes
That stare at me and make me say
I'm with you through all the way
'Cause it's you, who fills the emptiness in me
It changes ev'rything, you see
When I know I've got you, with me.."Nakapikit ako at feel na feel ko yung lyrics ng napakagandang kanta ni Basil Valdez..
Napadilat ako ng makarinig ako ng pagkatok sa pinto ng CR, Kinabahan ako ng matandaan kong hindi ko iyon ni-locked!
Nanlaki ang mata ko ng pumasok sa CR ang hinihingal na si Sir Ken at galit itong napatingin sa akin..
Napasigaw ako at napatakip sa mukha ko. Lalo akong kinabahan ng maaalala kong nakahubad ako! Mabuti na lang at natatakpan ako ng bubbles..
"Labaaaas!!!" Sigaw ko pero hindi parin ito lumalabas.
"Kanina pa kita tinatawagan!!" inis na sigaw nito.
"Oo na! Mag usap tayo mamaya pero please, lumabas ka muna!!! " sigaw ko dito.
Hindi parin ito lumalabas at mas lalo akong kinabahan ng unti-unti itong lumapit sa akin.
"Ah--Sir.."
"Anong sabi mo? "
"Sir."
"Diba sabi ko don't call me sir kapag wala tayo sa office? " medyo husky ang boses niya at napalunok ako..
"Lumabas ka na kasi!" inis na sabi ko.
"Pinapalabas mo ako ? Teka, kanino bang bahay to? Sayo ba? " pang iinis nito.
Mabilis kong nilagyan ng bula yung mukha niya at tawang-tawa ako.. Dapat ay kinakabahan na ako sa mga oras na ito pero nakagawa pa ako ng kalokohan.
Inis kong tingnan si Ken habang nakapameywang sa harap ko. Para akong iniinterrogate sa lagay nato. Nakaupo ako sa kama at busy sa pagblower ng buhok ko habang ang boss ko ay inip na naghihintay ng explanations ko regarding sa laki ng halaga ng nabili ko gamit ang credit card niya.
"Eh diba sabi mo Cash Advance naman iyon. So, hmm, ibawas mo na lang sa sahod ko. "
"Baka nakakalimutan mo Rita, wala ka pang isang buwan! Masyado ng malaki ang expenses mo!"
"Hoy Ken Chan! Tandaan mo, ikaw ang may kailangan sa akin! " inis na sabi ko dito..
Napailing ito at seryosong lumapit sa akin..
"Ikaw ang may binabayaran sa akin. Ang pagiging fake fiancee mo ay kulang pa na kabayaran sa nabasag mong vase! "
"Juskoo, gusto mo samahan kita sa Divisoria or sa Quiapo para makabili ng mas magandang vase kesa dun!!! "
Mas lalo akong kinabahn ng hindi na ito nakipagtalo pa sa akin at
napahilamos siya sa mukha niya at padabog na lumabas ng kwarto ko..❤
BINABASA MO ANG
Tasteless Blood
Fanfiction"Hindi kailanman madadaya ang puso. Kung kanino at paano ito titibok, magmamahal. Required sa tao ang magmahal. Parang pagkain. Parang tubig. Hindi ito makikitil. Mapipigilan. Ganun kalakas ang puso."