Katok

499 33 16
                                    

Rita's POV

Palabas na sana ako ng mataas na building na iyon ng may tumawag sa phone ko..

"Hello?"

"Ay, hello po? Miss Rita Daniela? Ah this is from CKS designs, nakasakay na po ba kayo? Kasi ho may mga papers pa po kayong dapat na ma-fill up.. Pasensya na po.. Hindi ko po kayo nasabihan kanina kasi nagmamadali kayo sa paglabas so ang akala ko di kayo pumasa.. Pwede ho ba kayo bumalik dito sa taas? "
Napahilamos ako sa mukha ko at tiningnan ang napakataas na building.. Aaarggghh. Gigil akong bumalik sa taas..

"Ito po yung form, pakisagutan na lang po lahat ng hinihingi.. "

Nanlaki ang mata ko.. Bakit ganito ang form? Parang Slambook!!! Magmula sa favorite food at favorite color??? Juskoo kulang na lang ay itanong kong sino ang first love ko at kung kung ilan ang naging jowa ko..

"Miss? Sigurado ka bang ito yung form?? "

"Oo Miss Rita. Kahit kami ay nag fill up niyan.. Yearly nga na inaaupdate yan eh.. "

Umiling na lang ako at tinapos ang pagfill up.. Napatingin ako sa pinto ng office nung lalaki..

"Miss, andiyan pa ba yung boss mo? Bakit nakasarado na yung pinto? "

"May ginagawa po si Boss kaya nakasarado yang pinto pero kung gusto mo siyang kausapin, tawagan ko po sa loob! Bakit, may tanong pa ba kayo?"

Umiling na lang ako.. Mabilis kong tinapos ang pag fill up para hindi na gabihin sa pag uwi.

Katakot-takot na traffic ang sumalubong sa akin. From QC to Balic-balic.. Grabe, uugatin na naman ako nito sa jeep..

Pagdating ko sa bahay, mabilis kong nilabhan ang suot kong skirt para may pamalit ako sa isang araw.. Dalawa lang kasi ang skirt na nabili ko sa Ukay-ukay.. Hindi naman kasi ako mahilig magsuot ng ganito..ilang mga maayos na damit lang ang laman ng cabinet ko.. Sa unang sahod ko, 10% nun ay ipambibili ko ng mga office attire.. Juskoo. Totoo na ito.. Kinakawayan na ako ng corporate world!!

Matapos kong maglaba ay nagpasya na akong kumain.. Ito yung nagpapahirap sa akin sa pagkain eh.. Kung anong lulutuin ko, Chicken or beef na lucky me?? Pumikit ako at ang unang kulay na makikita ko sa paligid, ito ang magsasabi kong anong flavor ang kakainin ko..

Pagdilat ko, nakita ko ang kulay asul na sirang electricfan na nakapatong sa taas ng cabinet..

Asul.



Beef!

Matapos kong lutuin ang lucky me beef, ready na rin yung kanin na sinaing ko..

Nasa huling higop na ako ng sabaw ng biglang namatay ang ilaw sa bahay ko.. Sisigaw na sana ako ng biglang nagbukas muli ito.. Napailing ako..

May nagkabit na naman ng telephone wire sa line namin. Tsss. May nakikijamper na naman!!

Bago ako matulog, nagpasya akong mag shower muna sa pamamagitan ng tabo at balde.. Matapos ito, sinuot ko ang oversized white shirt ko para presko ang pagtulog ko..

Wala pang limang minuto akong nakapikit ng may marinig akong kumakatok sa bahay ko..

Bago ako bumaba, gagawin ko muna ang isang bagay na dapat ay gagawin ko bago humarap sa bisita.. Kinuha ko ang suklay ko para suklayan ang natuyo ko nang buhok..

Padabog akong tumayo sa kama dahil sunod-sunod na kalabog ang ginagawa ng tao sa pinto ng mansion ko.. Dis oras na ng gabi !!!

Pagbukas ko ng pinto, hindi ko mamukhaan ang lalaki. Alam kong lalaki ito dahil sa tindig..

"Sino ka?" tanong ko dito pero hindi ito nagsasalita..

"Ganyan ka ba kahirap at wala kang ilaw dito sa labas ng bahay mo?" kumunot ang noo ko ng marinig ko siyang magsalita.. Teka??

Mabilis kong kinapa ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto.. Doon ko nakita yung lalaking nanakal at yung lalaking magiging boss ko bukas.. anong ginagawa niya dito??
Napansin kong napatingin siya sa harap ng damit ko.. Mabilis kong tinakpan ang dibdib ko.. Tanga mo Rita! Hindi mo nga nakalimutan ang mag suklay, nakalimutan mo naman mag bra! Juskoooo...

"Bukas pa ang start ko sa trabaho! Bakit ka ba nandidito? Don't tell me aakyat ka ng ligaw? Naku! Kailangan mong pumila sa pinakadulo para makaakyat ng ligaw sa akin—"

"Masyado kang mabilis.. Hindi iyon ang pinunta ko dito.." sabi nito sabay lapit sa akin.. nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Mabuti na lamang at nag sipilyo na ako at di niya maaamoy ang luckyme beef na ulam ko kanina.. Naaamoy ko ang amoy ng mint toothpaste na gamit niya.. Natatakam na naman akong napatingin sa mga labi nito..

"Bampira ka ba?" biglang tanong ko dito.. Umayos ito ng tayo at nagsalubong ang mga kilay na nakatingin sa akin..

"Kung Bambira ako, kanina palang sinipsip ko na yung dugo mo, kapalit ng pagkulo ng dugo ko sa mga ginawa mo !" seryosong sabi nito..

"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko ! What are you doing here?! Oh, ayan.. English na yan! Naiintindihan mo naman diba?"

"Ang ingay mo. Bakit kanina nung nabasag mo yung vase, tumikom yang bibig mo??

"Kasi iniisip ko kung bakit hanggang sa paglaki mo, naglalaro ka parin ng jolens!" sagot ko dito at nagulat siya..

"Ano? Anong klaseng pag-iisip meron ka?" tanongn ito..

"Psychology student ako.. kaya ganito kalikot ang isip ko!"

"Undergrad Psychology student.." pagkaklaro niya..

"Oo na! Wala pa akong diploma pero wag mong maliitin ang kakayahan ko! Kung tutuusin nga ay kaya kong hulahaan ang future mo!" sabi ko dito. Napatakip ako sa bibig ko ng masabi ko iyon.. Bakit ko ba nasabi na nanghuhula ako.. Malaman pa nitong peke ako! Arrrgh.. Hindi ko pa naman nasabi sa kanya to nung ininterview niya ako..

"Manghuhula ka?" tanong nito.

"Hindi. Kaya umuwi kana!" natarantang sabi ko..

Nagulat ako ng humakbang ito papasok sa bahay ko..

"Hoy! Bawal ka dito! Wala akong juice para maibigay sayo. Ang meron lang ako dito ay Nescafe Stick! Yung tig tres na kape!" napansin kong ngumiti ito..

"Gusto ko ng kape." sabi nito.. Papapasukin ko ba siya? Baka sabihan pa ako na walang hospitality pag di ko siya pinapasok.. Lalo na at magiging boss ko na siya bukas..

Mabilis kong sinungkit yung towel na nakasampay sa gilid niya at itinakip ko sa dibdib ko tsaka ko siya pinapasok ng bahay ko..

Umupo ito sa upuan dito sa kusina .. Inip siyang naghihintay ng kape niya..

Maingat kong nilapag ang kape nito sa harap niya..

"Wag ka mag-alala, walang lason yan.." sabi ko dito at saglit niya akong tiningnan..

"Hulaan mo ako.." sabi nito . Napasabunot ako ng buhok na nakaharap sa kanya..

"One week supply of groceries.." bigla kong sabi at alam kong nalito siya sa sinabi ko.

"Ano?"

"1 week supply of groceries kapalit ng panghuhula ko sayo!" ang sama ng tingin niya sa akin.. Mabilis kong binawi ang sinabi ko.

"Joke lang.. hehe. oh, ito na!! huhulaan na kita ng libre!"

"Saan ka pupunta??" tanong nito ng maglakad ako.

"Relax ok? Magsusuot lang ako ng bra sa taas! Gusto mo bang sumama?" sumeryoso ang tigin nito. Sabi ko nga, mali yata yung nasabi ko. Bakit ko naman siya yayayaing panuorin ako magsuot ng bra! Grrrr. Harot din self eh!?

Napalunok ako at mabilis na umakyat sa taas ..





❤️

Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon