Party2

749 40 12
                                    

Rita's POV

Ito na naman ako, gandang ganda sa babaeng nakikita ko sa harap ng salamin.. Napangiti ako. Nakahawak ako sa harap ng strapless na red dress.. Struggling! Yung zipper ay hindi ko na naman maitaas.. Haaays.. Sumilip ako sa kabilang kwarto kung naka bihis na si Ken.. Napangiti ako ng naka puting polo palang ito. Hindi pa niya nasusuot yung pulang suit..

"Pst!" sitsit ko dito at kunot noo siyang lumingon sa akin..

"What?"

"May problema ulet. Yung zipper ko kasi, di ko na naman mataas.." sabi ko dito.. Ibinaba muna ni Ken yung suot niyang relo at mabilis na pumasok sa kwarto ko para tulungan ako..


"Alam mo, hindi yan problema eh. May stapler ako sa room. Stapler na lang natin.." pang iinis nito..


"Mabuti pa nga!" inis na sabi ko.. Hinatak niya ang kamay ko para hindi ako pumasok ng kwarto niya at natawa..


"Joke lang!! Sige na, talikod na.."




Pagtalikod ko sa kanya ay hinawakan na niya ang likod ko.. Dahan dahan niyang itinaas ang zipper. Ito na naman ako sa hindi makahinga.. Dahil ba sa masikip yung dress or dahil sa nararamdaman ko ang daliri ni Ken sa likuran ko.. Eeeeh.. Nang maitaas na ni Ken ang zipper ay humarap na ako sa salamin para mag make up.. Napatingin ako sa mga kamay niyang nakapulupot sa beywang ko.. Nilagyan niya ng maliliit na halik ang leeg ko.. Magaan na mga halik sapat lang para mapapikit ako. Humarap ako sa kanya at ang mapupulang labi ko naman ang hinalikan nito.. Parang mababaliw na naman ako sa mga halik niyang ito..Yung damit na pinaghirapan kong isuot at marahan niyang isinara ay unti-unting bumagsak sa sahig kasama ang puti niyang polo... Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa kama at kung napasigaw ba ako o napaungol lang nang bumaba mula sa labi ko papuntang leeg at dibdib ang mga halik niya.. Kung nakakawala ng hininga ang pagdampi ng mga diliri niya sa likuran ko nuong itinataas niya kanina ang zipper, mas nakakawala ng matinong diwa nang dumako naman ang daliri nito sa naiwang saplot ko sa katawan.. Pareho na naman kaming hubad. Ang saya sa pakiramdam ng pag angkin niyang ito sa katawan ko..Pakiramdam ko naghiwalay ang kaluluwa at katawan ko sa kakaibang langit na iyon...  Mainit. Nag aalab na mga emosyon.. Para kaming nag marathon dahil sa hingal ng humiga na ito sa tabi ko..


"Ken, baka ma late tayo sa party?" tanong ko dito at ngumiti ito..

"Hayaan mo silang mag hintay." sabi nito at muli niya akong hinalikan..

Natigil ang halik ni Ken ng mag ring ang phone nito.. Mabilis niyang kinuha at sinagot iyon..



Napamura siya at mabilis na kinuha ang mga damit namin sa sahig..

"Papa mo na ba yun?" natatawang tanong ko dito..


"Oo." inis na sabi nito at tinulungan niya akong tumayo para sabay na kaming magshower sa banyo..









Habang nasa kotse kami ay dumaan muna kami sa drive thru sa starbucks.. Naisipan kasi ni Ken na mag kape..

Habang nakapila ang kotse niya ay panay ang tawa ko habang pinapanood ang video nito sa Singapore..

"Tawang tawa sa akin hah!"


"Ang cute mo kasi dito. Pwede mo naman ulitin yan kahit di ka lasing diba? Babackupan kita..
🎶
I need you baby
And if it's quite all right
I need you baby
To warm the lonely nights
🎶
Muling pag kanta ko para asarin ito HAHAHAHAH..

Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon