Wife

555 36 10
                                    

Rita's POV

HABANG binabagtas namin ang kahabaan ng EDSA pauwi galing sa venue ng kasal ay inabutan na kami ng katakot-takot na traffic. Hindi na nga kami nakapag celebrate para sa "Fake Marriage" dahil may pupuntahan daw kami at malayo ito.

Habang nakahinto ang kotse ay natuon ang atensyon ko sa bata na nagbebenta ng banana-Q !


"Hala! Ang sarap naman nun!!" sabi ko habang takam na nakatingin sa paninda nung bata.


"Ano ba yan?"




"Banana-Q ! Nakakain ka na niyan? Masarap yan!"



"Alam kong masarap ang banana, naririnig ko sa mga ungol ng mga babae .." sagot nito at hinampas ko siya sa braso.




"Hoy! Bunganga mo Ken Chan! Pagkain yung topic natin dito!!"



"Why? Nagsasabi lang ako ng totoo!!"




"Uuuhh! Magkano kaya yan?"tanong ko habang nakatanaw parin sa nagbebenta..



"Gusto mo ba?" tanong nito at tumango ako. Nanlaki ang mata ko ng humarap si Ken sa akin at mabilis na tinanggal ang belt niya..



Napatakip ako sa mata ko at sumigaw..



"Ken Chan!!! Saging na hinog at luto yung gusto kong kainin ngayon! Hindi hilaw! Bwisit ka!!" sigaw ko at pinaghahampas ko siya. Namumula na yata ako dahil sa kanya!


Ang walanhiyaaaaa, tawa ng tawa.. Namumula na din ang mukha nito sa kakatawa. First time kong makita na ganito kasaya si Ken!..Nag eenjoy siyang binubully ako!!





"You're so cute!" sabi nito sabay ayos ng belt niya..






"Hindi ko akalain na ganito pala kasaya ang may asawa.." nakangiting sabi nito at mabilis kong pinisil ang pisngi nito..






"Sinasabi mo lang yan ngayon, after a month sigurado akong ipagtitirik mo na ako ng kandila sa sobrang inis.." sabi ko dito at napahawak ako sa ulo ko. yung puso ko nga, araw araw ko nang pinagtitirik ng kandila kasi patay na patay na sayo..




"Malabo yatang ako ang magtitirik ng kandila. Baka ikaw, madami akong bagay na for sure, kakainisan mo.." natatawang sabi nito.




"Hindi kita ipagtitirik ng kandila. Kapag nangyari yun, nakikita mo ba yun mga kutsilyo sa kusina mo? Itatarak ko yun sa katawan mo!Tapos magpapaparty agad ako!!"gigil na sabi ko dito.





"Kapag ininis mo ako, wala kang banana-Q" seryosong sabi nito.





"Edi wala! Magluluto na lang ako!! Hmmp.. Ano ba tong traffic, forever na ba tayo dito!!"




"Gusto mo yun, forever?" makahulugang tanong nito at gigil kong kinuyom ang kamay ko.. bakit ka pa-fall? grrr..




"Mag concentrate ka sa daan!" sabi ko dito ng medyo umabante na kami..







"Yung binulong ko kanina. Naiintindihan mo naman yun diba?" biglang sabi nito at tumango ako..





"Bakit naman ako maiinlove sayo? Kasing gwapo ka ba ni Papa P?"





"Papa P?"




"Piolo Pascual!" napangiti ito at umiling..





"Kinaklaro ko lang na hindi ako santo. Huwag mong hayaan ang sarili mong sambahin ako.."



"Boss lang kita. Yun na yun. Tapos!" sagot ko sa kanya. He snap his fingers in front of me sabay sabing "Tama!"







Buong biyahe akong natulog hanggang sa makarating kami ng bahay..




"Rita, wake up. Mag impake pa tayo ng damit.." rinig kong sabi nito..




"Damit? Saan ba kasi tayo pupunta?"


"Singapore." seryosong sabi nito sabay akyat sa kwarto..







SINGAPORE? OMG!!!



Mabilis akong umakyat sa kwarto ko at nag impake na ako ng damit. Nakangiti ako habang naiimagine ang sarili kong nagpipicture sa kalsada ng Singapore. Naaexcite ako!!




After ko mag ayos ay kinatok ko na si Ken sa kwarto nito.




"Ken! Bilisan mo kaya! Baka ma late tayo sa flight!!" maarteng sabi ko dito at natawa ako sa sinabi ko..


Binuksan lang ni Ken yung pinto at pumasok ako doon..


"Ang tagal mo mag ayos! Nakakahiya sa wife mo oh!"  sabi ko sa kanya

"Shut up. Malapit na to." sabi niya habang sinusuot ang mamahaling relo niya. Pansin kong maliit lang ang dala niyang bag compare sa akin.

"Bakit ang liit ng bag mo Ken?"

"Ilang araw lang tayo doon." sabi nito at napatingin siya sa bag ko.

"Hindi tayo magcacamping doon Rita. Bawasan mo yang laman niyan."

"Eeeh! Andito na lahat ng kailangan ko!" Napabuntong hininga ito at pasukong tinalikuran ako para kunin ang bag niya.






"Let's go!"







Sakay ng Grab Car ay nakapikit na nakikinig lang ng music si Ken sa airpods niya. Seryoso kong tinitigan ang mukha nito.. Juskooo ang perfect talaga! Ang sarap halikan. Kung pwede lang...

Nag iwas ako ng tingin ng dumilat ito. Nagulat ako ng kabigin niya ang balikat ko at isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya..








Pagpasok namin ng airport, nagpaalam muna ako kay Ken na pumunta ng banyo.. Wala itong nagawa kundi antayin ako sa labas..



Paglabas ko ng banyo, napansin kong may kausap ito sa phone niya..



"Yung bet mong loyalty, baka nakakalimutan mo!" tumatawang sabi nito sa kausap niya..

"Bakit ako magpapaalam sa kotse ko? Alam naman natin kung sinong mananalo after 1 year!



Diba! Fake ka na nga, pinagpustahan ka pa! Masokista din self ano?




Pagkababa nito ng phone niya ay kunyaring nakangiti akong nakaharap sa kanya..



"Ang tagal mo!" inip na sabi nito.



"Ito na oh! Okay na! Atat naman to!!"



"Ayokong ma late sa flight!"



"Ano ba kasing gagawin natin sa Singapore?"


"Ano bang ginagawa ng newlywed?" tanong nito sabay hatak sa kamay ko..




Ano nga bang ginagawa ng newlywed?




"Hoy Ken Chan! Ano nga kasi?"

"Hindi mo alam?"


"Aaahmmm.. Bibili ng bahay?" tanong ko dito at kunot noo niya akong nilingon..




"Aaahmm.. Mag aayos ng papeles?" natawa siyang nilingon ako..





"We have our lawyer! Bakit tayo ang mag aayos ng papers? MyGod, Rita!"






"Eh ano nga kasi!!" gigil na sigaw ko dito. Nanlaki ang mata ko ng kiniss niya ako sa lips sabay sabing..








"Mukhang hindi ka pa ready sa Honeymoon natin.." natatawang sabi nito sabay higit sa akin..













Hoy! Napaka!!! Bakit nag-iinit yung pisngi ko?

















❤️

Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon