Fun

559 33 10
                                    

Rita's POV

MAAGA akong nagising para madaming lugar ang mapuntahan ko. Paggising ko, tulog pa silang lahat..Mabilis akong naligo, nagbihis at kumain. Dapat umalis ako ng hindi pa sila nagigising para mapagalitan si Ken ng Tita niya kung bakit di niya ako sinamahan..

Paglabas ko ng bahay nila Tita Cynthia, sumakay ako ng taxi papunta ng Merlion Park. Ito ang unang-una kong gustong puntahan. Pagdating ko doon, napanganga ako sa ganda ng view! Hindi pa ganun kadaming tao kasi maaga pa kaya magandang opportunity to para magpicture picture.

Nagtaka ako ng hindi ko makapa ang cellphone ko sa loob ng bag.. Naiwan ko ba sa bahay? Sh*t! Rita naman! Ang laki mong tanga!! Sa dinami rami ng pwedeng maiwan, yung cellphone pa. Okay lang sana kung Bra yung naiwan ko eh. Pero cellphone? Ganun ba ako ka excite? Haaays.. Nanghihina akong napaupo sa gilid ng Merlion.

Sana naman Rita iniwan mo yung katangahan mo sa Pilipinas.. bulong ko sa isip ko habang hinihilot ang sentido ko..



Napatingin ako sa napakalinaw na tubig at nagtataasang mga building.. Di hamak na mas sariwa ang hangin dito kumpara sa Pilipinas..








"Akala ko ba gusto mong mamasyal ng Sinagpore? Eh bakit nakatambay ka lang dito?" Napatingin ako sa lalaking tumabi sa akin..


"Oh? Bakit nandito ka?" inis na tanong ko dito. Nanlaki ang mata ko ng iabot ni Ken yung cellphone ko.. Mabilis ko itong kinuha at tinulak siya..


"Wtf?!!!" singhal nito.




"Bakit nasayo to hah???"





"Sumunod ako dahil naiwan mo to sa Banyo! Ganyan ka ba ka excite at ang isa sa pinaka importanteng bagay pa ang naiwan mo? Tsss..."



"Naiwan ko? Or kinuha mo sa bag ko!!!" inis na sigaw ko dito..




"Hoy Rita! Wag mo akong pagbintangan!"




Mabilis akong tumayo at naglakad..





"Huwag kang susunod! Diyan ka lang!" naiinis na sabi ko dito at nagmamadali akong maglakad.. Pero habang paplayo ako kay Ken ay bigla na akong kinabahan.. Sana talagi hindi ako maligaw..




Mabilis akong bumalik sa harap ng Merlion at seryoso lang akong tinignan ni Ken.



"Picturan mo ako!" utos ko dito sabay abot ko sa kanya ng cellphone ko.




"Ito yung cellphone na pagkakaintirisan ko? Eh di hamak na mas mahal ang phone ko dito.." pang iinis nito..


"Ano ba! Picpicturan mo ba ako or hindi?"


"Bakit naman kita pipicturan?" sabi nito sabay lagay sa bulsa niya ng phone ko.




"Hoy!! Ken Chan! Akin na nga yang phone ko!" sigaw ko dito sabay kuha ko ng phone sa bulsa niya pero pinahabol niya lang ako.. Bwisit na Ken Chan to talaga!!!




"Bilisan mo na. Pipicturan na kita!" tumatawang sabi nito.. Mabilis akong lumapit sa Merlion at magpose dito..




"Isa pa Rita! 1,2,3 .."


After ng ilang pose ay chineck ko ang mga kuha niya. Mabilis kong hinampas ang braso niya ng makita kong ang Merlion lang ang pinicturan niya! Hindi ako kasama! Grrrr! Effort pa ako sa pagpose eh!!!

"Bwisit ka talaga! Bakit yung Merlion lang yung pinicturan mo! Pucha, todo effort pa ako mag pose eh!!"


"Huh? Akala ko ikaw yan?" tumatawang sabi nito.


Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon