Rita's POV
Hindi ko na nagawang mag suklay dahil late na ako sa pagpasok... Naglagay lang ako ng kaunting tint sa pisngi at sa lips ko.. Sumulyap ako sa malaking salamin at hinipo ang tummy kong hindi pa naman talaga halata.. Nagagawa ko pang mag tuck in ng itim na skirt sa puting polo ko.. Kinuha ko ang coat ko at yung paperbag na pinaglalagyan ng sapatos ko.. Nakasabit ang suklay ko sa buhok ng lumabas ako sa pinto ng bahay ko.. Malakas kong sinarado ang pinto at agad na kinandado ito.. Pagtalikod ko ay nalaglag ang panga ko ng makita ang hubad na si Ken.. Pinikit ko ang mata ko at nasapo ang noo ko... Hindi pala siya nakahubad, imagination ko lang.. Kunot noo akong lumapit sa kanya..
"Bakit ka nandito?"
"Bakit ako nandito? Nakalimutan mo na ba? Pupunta tayo ng Antipolo ngayon..Kila Lola Fe.. Ang sabi mo sunduin kita diba?" shocks!! Nakalimutan ko!!
"Ngayon ba yun??"
"Monday ang sabi ko diba??"
"Fine!! May kukunin lang ako sa loob ng bahay ko. Hintayin mo ako dito.." sabi ko sa kanya
"Bilisan mo. Baka matraffic na talaga tayo!"
"Oo na! Wag kang papasok sa loob ng bahay ko kung ayaw mong may tumarak na kutsilyo sa katawan mo!!" babala ko dito..
Pagpasok ko ng bahay ay kinuha ko yung isang banig ng vitamins ko. Baka kasi hindi kami agad makauwi dahil Antipolo ang pupuntahan namin.. At sa bahay pa ni Lola Fe.
Paglabas ko, inip lang itong naghintay sa labas ng bahay ko.. Magkasabay kaming naglakad sa eskinita at tinungo ang barangay hall kung saan siya nagpark ng kotse..
Pagbukas ko ng kotse niya sa harap para umupo ay nagulat ako nang may isang bouquet ng red roses na nakapatong sa upuan.. Nag iwas ako ng tingin sa rosas at sinarado ang pinto.. Binuksan ko ang likurang pinto para doon na lang umupo..
"Bakit diyan ka uupo? Gagawin mo akong driver?" inis na tanong nito.
"Ma-May rosas kasi sa harap. Ba-baka masira ko pag dun ako umupo.. Nakakahiya sa bibigyan mo baka—-"
"Hindi mo ba nagustuhan?" may lungkot sa tonong tanong nito..
"Akin? Sa akin yan?"
Napansin kong nainis siya nang madiin niyang hinawakan ang manibela.. Mabilis niyang kinuha ang rosas at inilagay sa likod.. Seryoso itong nakatingin ng diretso sa daan at nagsalita ito.
"Lumipat ka na dito sa harap.. Hindi mo ako driver.." malamig na tonong sabi nito... Napatingin ako sa bouquet sa gilid ko.. Nagmadali akong lumipat sa tabi niya para makaalis na kami.. Seryoso lang akong nakatingin sa bintana habang binabagtas namin ang kahabaan ng EDSA. Iniisip ko parin yung biglaang pag iba niya ng mood.. Para sa akin yung Rosas? Para saan? Baka malaman pa to ng girlfriend niya.. Malaking gulo na naman..
Buong biyahe, hindi niya ako kinikibo.. Seryoso lang siya sa pagmamaneho.. Natatakot akong magsalita.. Hindi ko alam.. Naiinis din ako sa sarili ko..
Pagdating namin sa bahay ni Lola Fe, andodoon na rin yung mga staffs ng FTA homes para ayusin yung mga furnitures na inorder ni Ken.. Mabilis akong bumeso kay Lola Fe..
"Salamat naman at di kayo na traffic.." sabi ni Lola at napatingin ako kay Ken na poker face parin hanggang ngayon..
Nakaupo lang ako sa isang gilid at nakatingin lang sa ginagawa ni Ken. Nang matapos niyang ireceived yung laman ng isang truck ng appliances ay isa isa na niyang pinapasok iyon.. Lumapit siya sa akin at binigay ang isa pang Delivery Receipt..
BINABASA MO ANG
Tasteless Blood
Fanfiction"Hindi kailanman madadaya ang puso. Kung kanino at paano ito titibok, magmamahal. Required sa tao ang magmahal. Parang pagkain. Parang tubig. Hindi ito makikitil. Mapipigilan. Ganun kalakas ang puso."