Bisita

959 37 10
                                    

Ken's POV

"Siguro mamaya, bilhan natin ng damit si Dasher.. Pumunta ka talaga ng Manila na isang sling bag lang ang dala.. Miss na miss mo talaga ako ah!"



"Nagmamadali na kasi kami nun.. Tsaka para hindi mapagod sa biyahe.. may dala naman akong damit ni Dasher pero pang 3 days lang niya yun.."


"Nasabi ko na nga pala kay Papa na bumalik ka na. Na nandito na kayo ni Dasher.. Baka within this week ay dadalaw yun.."




"Yung sinabi mo dati na okay na kayo ng Papa mo, totoo talaga yun? Paano kayo nagkaayos?"




"Nung nacomatose ako. Bukod kila Ethan at Barbara, si Papa ang isa sa mga nagbantay sa akin.. Paggising ko, akala ko aalis na si Papa sa tabi ko pero hindi.. Inalagaan niya ako.. Rita, biruin mo, Presidente siya ng kumpanya nila pero binigyan niya ako ng oras para alagaan.. Doon, unti unting naging maayos ang loob ko kay Papa.. Nagkapatawaran kami.. Grabe .. Kailangan pa palang macomatose ako para maappreciate ko ang Papa ko.."


Lumapit ako kay Ken para yakapin ito.. Napansin ko kasing namumula na naman yung mata niya.. Check ko lang baka may sore eyes ito.. Charrr..

Ang saya saya ng puso ko habang nakayakap sa kanya.. Nanatili lang kaming magkayakap hanggang sa naging okay na ulet yung emosyon ni Ken..



"I love you!!" nakangiting sabi nito at kiniss ko ang lips nito bilang sagot ko sa I love you niya.. Hanggang sa padami ng padami yung palitan namin ng halik.. Umiinit na ang bawat halik.. Hanggang sa inangkla ko ang mga kamay ko sa leeg nito.. pinaupo niya ako sa lamesa habang hindi napapatid ang mga maiinit na halik.. Bumaba ang halik nito sa leeg ko at napasabunot ako sa buhok nito.. Hingal kaming napatigil ng marinig namin ang sunod sunod na pagdoorbell sa labas..

Tinulungan ako ni Ken na bumaba sa lamesa at sabay naming nilisan ang dining area para lumabas ng bahay.. Pagbukas ni Ken ng gate ay bumungad sila Atty Ethan at Atty Barbara na may hawak na batang babae..



"Ritaaaaaaa!!" tili ni Atty Barbara at natawa ako ng bitawan niya yung bata at tumakbo ito palapit sa akin..



"Ah, Atty Barbara.. anak niyo?" tanong ko dito sabay turo sa bata..



"First, don't call me Attorney.. Barbara na lang! Tsaka Ethan na lang din sa asawa ko.. And Yes, She's our daughter.. Si Letizia.."


"Ang ganda ganda!!" nakangiti kong sabi sabay lapit sa bata..


"Huwag kang mag alala Rita, aantayin ni Letizia si Dasher!!! Hahahaha.."



"Grabe. Ang aga Hoy!" sabat ni Ken at nagtawanan kami..


Pagpasok namin ay mabilis na sinilip ni Ken si Dasher sa kwarto kung gising na ito..



"Kahapon ka daw bumalik dito?" bungad na tanong ni Barbara..



"Ang sabi mo kasi nagpapaprocess ng annulment si Ken! Sabi niya hindi naman daw!"



"Hahahah.. Niloloko lang kita. Atleast diba, nanginig ka!"



"Sabagay.. Tsaka salamat talaga sa pagpapaintindi sa akin ng mga nangyari.."





"Wala yun! Masaya akong nakatulong.."




"Wala ka talagang balak iwan yang si Ken? Rita. Ano bang nagustuhan mo diyan?" tanong ni Ethan at natawa ako ng hinampas siya ni Barbara..


"Hoy Ethan! Ayan ka na naman! Marinig ka ni Ken! Yari ka talaga! Tsaka okay na sila oh, mambubwisit ka pa!"


Napatingin kami kay Ken na pababa ng hagdan karga karga si Dasher..


Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon