Rita's POV
MANSYON ang bumungad sa amin dito sa loob ng isang exclusive Subdivision sa Quezon City. Alam kong malapit lang ito sa building ng office dahil nadaanan namin ito kanina.. Hindi ko alam kung paano biglang nagbukas ang isang malaking kulay brown na gate. Pagpasok namin ay pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan ni Sir Ken. Napatingin ako sa kabuoan ng dalawang palapag na bahay. Kulay Gray ang bubungan, kulay puti naman ang facade at itim ang mga poste nito..Sa disenyo at kulay ng bahay ay halatang lalaki ang may ari nito..
"Dito ka nakatira?" tanong ko dito habang papasok kami sa bahay nito. Mas lalo akong humanga sa ganda ng living room. Ang linis tingnan ng mga puting sofa.. Hindi na ako magtataka na napakagamda ng interior ng bahay na ito. Hello! Ken Chan yan eh. Licensed Interior Designer! Natigil ang paglibot ko ng tingin sa bahay nito ng magsalita ang halimaw na nakatira dito..
"Hindi. Sa ilalim ng lupa." sagot nito sa tanong ko. Huminto ito sa tabi ko at natatawa sa sarkastikong pagsagot niya..
"Maligno ka talaga!! Ang dali dali lang naman sumagot ng oo or hindi!!" inis na sabi ko dito.
"Mag isa lang ako dito, twice a day lang pumupunta yung tagalinis ng bahay ko.. Ibibigay ko yung number niya in case kailanganin mo siya. Hmmm.. Kailangan ko nang mag ayos kasi may flight ako mamayang gabi papuntang Singapore. May client akong kailangan i-meet doon. Ikaw lang ang tatao dito bukas kasi lunes pa ang balik ko.. So by Monday diretso ka na lang ng office at sagutin mo na lang yung mga phone calls sa office ko incase na madelayed yung oras ng flight ko pauwi.. Pakiusap, wala ng mababasag ! Malinaw?"
Hindi pa ako sumasagot sa kanya mg magsalita na naman ito.
"Tara, ituturo ko kung saan yung kwarto mo.."
"Kwarto ko???"
"Oo! Bakit? Gusto mo ba sa kwarto ko? Okay lang para makatipid tayo sa kuryente.." Inirapan ko ito. Akala ko ba naman ay may pagnanasa siya sa akin, yun pala para lang makatipid.. hmmm Napatingin ako sa dining area. Sobrang na aamaze talaga ako.. Mula sa table & chairs. Napakaganda! Mukhang mamamhalin. Lalo na yung bilog na glass na design ng chandelier! Grabe!
"Rita, marami ka pang time na maamaze sa ganda ng bahay ko pero pwede ba, umakyat na tayo sa taas para mapakita ko na yung room mo!" kahit na kontrabida ng buhay ko tong boss ko, sumunod ako kanya sa ikalawang palapag.. Black and white naman ang tema ng ikalawang palapag.. Pag akyat namin ay kumanan kami at binuksan nito ang unang pinto..
"This is your room. Adjoining to sa kwarto ko sa kabila. In case na bumisita si Papa, hindi na mahirap pa ang maglipat.. You can locked the door if you want but I have the duplicate keys so non sense.. Huwag ka mag alala, wala naman akong balak pumunta ng kwarto mo.."
"Adjoining naman pala sa kwarto mo, bakit hindi na lang ako matulog sa kwarto mo? Malaki ba ang kama mo?" pang iinis ko dito.
"Yes. malaki ang kama ko." seryosong sabi nito at pinasilip niya. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang kama niya. Napakalaki nga. Tingin ko ay 3 queensize bed iyon or mas malaki pa, nababalot ng puting comforter at itim na malalaking unan. Black&White ang tema nag kwarto nito. Bakit ba ang hilig nito sa nuetral colors ! Pero di na masama, lakas maka class nun hah!
"So ano? Locked ko na yung kabilang kwarto at dito ka na matutulog sa kwarto ko?" tanong nito at muli ko siyang inirapan at bumalik na ako sa unang kwartong pinakita niya.
"The decision is final?" pang iinis na tanong nito sa akin..
"Diba mag aayos ka pa ng gamit mo papuntang Singapore?" mataray na sabi nito.
"Yes. but before I forgot, this is my credit my card and some cash for tomorrow.. You can buy clothes or anything you want. Pero binabalaan kita, hindi libre yan. Isipin mo na lang na cash advance yan. After two months being my fake fiancee, tsaka lang kita bibigyan ng clothing allowance." sabi nito at tumango lang ako.. Nang makalabas na si Ken ay ginawa ko na ang gusto kong gawin.. Mabilis kong ibinagsak ang katawan ko sa napakalambot na kama. Nagpapadyak ako ng paa at nagpapagpag ng kamay para maramdaman kong umaalog ako sa napakalambot na kama.. Inaamoy-amoy ko pa ang unan. Sobrang bango ng mga ito. Nang marinig ko ang muling pagpasok ni Ken sa kwarto ay nagmadali akong tumayo pero dahil sa lambot ng kama ay mas lalo akong nasubsob dito..Nagulat na lang ako higitin ni Ken ang kamay ko at napadikit ako sa katawan niya. Kung mabango ang kama at mga unan ay mas mabango at matamis ang amoy ni Ken..
"Done smelling me?" tanong nito at mabilis akong lumayo sa kanya..
"Bakit ka ba kasi bumalik? May gagawin ka pa diba?"
"I forgot to give you the keys of this house. Pati susi ng isa kong kotse ay nandito. Marunong ka bang mag drive? Do you have license?"
"Oo naman! Marunong akong magdrive! Gusto mo pa pati buhay mo ay i-drive ko? Charrot! hehe. Teka, paano ako makalabas sa gate mong napakalaki?"
"Nasa kotse yung switch. Don't worry, as long as nasayo ang access ng keys, makakalabas ka ng gate ko.."
"Okay. Makakalabas kana!" sabi ko dito. Paglabas niya, sinigurado ko na naka locked ang pinto at doon ay pinagpatuloy ko ang paglilibot ng kwarto.. Mabilis akong pumasok sa CR. Juskooo. Napakaganda! Para kong nasa hotel!!! Mabilis kong nilabas ang phone ko at nagmirror shot! hehe.
Dahan-dahan kong binuksan ang malaking cabinet dito sa loob ng kwarto na ito.. Napairap ako ng wala akong makitang kahit na anong gamit sa loob nito. So wala talagang gumagamit ng kwartong ito? Totoong mag isa lang siya? Ang lungkot talaga ng buhay nito..
Sumilip ako sa malaking bintana at natanaw ko na papaalis na ang kotse ni Sir Ken. Kita mo yan! Hindi manlang nagpaalam na aalis na! Anong tingin niya sa akin? Multo? haaaays. Humanda talaga itong bahay niya sa akin! Hehe.
❤️
BINABASA MO ANG
Tasteless Blood
Fanfiction"Hindi kailanman madadaya ang puso. Kung kanino at paano ito titibok, magmamahal. Required sa tao ang magmahal. Parang pagkain. Parang tubig. Hindi ito makikitil. Mapipigilan. Ganun kalakas ang puso."