Rita's POV
SAKAY NG EROPLANO ay umiiyak akong nakatingin sa natutulog kong anak.. Kung witch lang sana ako ay sumakay na ako sa walis papuntang Manila maabutan lang si Ken.. Kahit walang kasiguraduhan kung maabutan pa namin siya ay naglakas loob akong bumalik ng Manila.. Sa mga nasabi at nakwento ni Atty Barbara.. Sapat na iyon para maliwanagan ako.. Napakatanga ko para hindi paniwalaan ang pagmamahal nito.. Ang pagbabalewala ko sa kanya na yata ang pinakamasakit na nagawa ko for him.. Mahal ko si Ken. Mahal na Mahal..
Paglapag ng eroplano ay mabilis akong nakakuha ng taxi papunta sa bahay ni Ken. Hindi alam nila Atty Barbara na luluwas ako ng Manila.. Ito ay sarili kong desisyon matapos kong makipag usap kila Lola Fe.. Ang daming bagay ang naparealize nila sa akin kagabi.. Dahil sa sakit ng napagdaanan ko,kusang nagsara ang isip at puso ko sa pagpapatawad.. Pero ilang payo ang sinabi ni Lola Fe sa akin..
"May mga pagkakataong hindi mo kailangang marinig mula sa mga labi ng isang tao kung mahal ka nito.. minsan, sapat na ang mga nagawa nitong sakripisyo para mapatunayan na totoo at malalim ang pagmamahal niya sayo.. Ang Sakripisyo ay isa sa pinakamabigat ngunit pinaka masarap na maramdaman mula sa taong mahal mo.. Dito nasusukat kung hanggang saan ang kaya niyang gawin para sayo.."
Pagdating namin sa labas ng gate ng bahay ni Ken, natawa ako kay Dasher ng suot na nito ang sling bag ko.. Ako naman ang may bitbit ng bag niya.. Kinuha ko ang kamay niya at sinubukan ko ang daliri ko kung gumagana pa ang access ko dito sa gate.. Paglapat ng daliri ko sa sensor ay bumukas ang maliit na pinto.. Syeeet! Gumagana pa! Kinarga ko si Dasher habang papasok sa gate.. Nakasarado ang pinto nito. Bigla naman akong kinabahan na baka tuluyan na nga itong nakaalis... Nakapikit akong binuksan ang pinto at bumukas ito.. Binaba ko si Dasher at hinawakan ko ang kamay nito habang papapakyat ako sa hagdan...
Hindi ko alam kung welcome pa ba ako sa bahay na ito. Naalala ko yung gabing nilisan ko ang bahay na ito, kasabay nun ang pag bitaw ni Ken ng babala.. Na kahit kailan daw ay hindi na ako makakabalik sa bahay na ito.. Pero ito ako ngayon, nagpapakapusang gala na dahan dahang pinapasok ang bahay niya, bitbit ko ang napakacute kong kuting..
Pag akyat ko sa taas ay napatingin ako agad sa pinto ng kwarto ni Ken.. Nakabukas ito dahil nakikita ko ang liwanag ng ilaw..
Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kwarto ni Ken.. Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng kama habang may inaayos na mga CD.. Pagharap nito ay bakas sa mukha niya ang gulat at nahulog ang mga CD na dala-dala niya.. Gumulong ang mga ito papunta sa direksyon namin.. Napatingin ako kay Dasher ng mabilis niyang pinulot ang mga ito... Mabilis akong tumakbo papunta sa kinatatayuan ni Ken at niyakap ko siya.. Umiiyak ako habang nakayakap sa kanya... Parang ayaw ko ng bumitaw sa pagkakayakap sa kanya.. Mahal na mahal ko tong taong ito.. Bigla akong napabitaw sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan ko ang mukha niya.. Gulat parin ito at tulalang nakatingin din sa mukha ko.. Binigyan ko siya ng halik sa kaliwang pisgi, kanang pisngi, sa noo, sa ilong at sa labi nito... Akala ko ay hindi niya tutugunan ang paghalik ko pero mabilis siyang rumisponde...
Pareho kaming hingal ng lumapit si Dasher sa amin para ibigay yung mga pinulot niyang CD..
"Anak, kaya mo ng iligpit yan diba?!" kumakamot sa ulong sabi ko at natawa si Ken..
"Babalik mo na kay Papa tong CD? Very Good hah!" sabi ni Ken at nilapag ni Ken ang CD sa ibabaw ng side table...
"Bakit kayo nandito? ?" tanong nito..
Pinaningkitan ko siya ng mata..
"Hoy! Nandito ako para sa ano.. Sa.. Hmmm.. Para dito.." mabilis kong nilabas yung original copy ng Certificate of Marriage namin at pinakita ko ito sa kanya..
BINABASA MO ANG
Tasteless Blood
Fanfiction"Hindi kailanman madadaya ang puso. Kung kanino at paano ito titibok, magmamahal. Required sa tao ang magmahal. Parang pagkain. Parang tubig. Hindi ito makikitil. Mapipigilan. Ganun kalakas ang puso."