Papa

728 42 9
                                    

Rita's POV




Nagkatinginan kami ni Ken ng pagpasok ko sa room ay nakapagbigkas si Dasher ng salitang PaPa.. Mabilis na gumuhit sa labi ni Ken ang saya at alam kong anytime ay may tutulong luha sa mata nito ng yakapin niya si Dasher.. Mabilis kong ibinaba sa lamesa ang mga kinuha kong pagkain at kinuha si Dasher kay Ken..





"Kain na tayo hah? Gutom na ikaw?" tanong ko kay Dasher at ngumiti itong tinuturo ang paperbag ng Jollibee na nasa lamesa..Mabilis kong inilabas ang ang spaghetti at hinalo ito.. Kasabay noon ang pagbagsak ng mga luha ko. Naiiyak ako. OO. In an instant, nakuha agad ni Ken ang desisyon ni Dasher na maging ama nito?






"Rita.." rinig kong sabi ni Ken.. mabilis kong pinunasan ang luha ko ..







"Ah, ku-kumain kana .. A-Andito na pala yung orders mo.." nauutal na sabi ko. Hindi parin ako humaharap dito.. Pinaupo ko si Dasher sa upuan at hinayaan siyang kumain mag isa. Kaya na nitong kumain ng mag isa eh.. Inalalayan ko na lang siya incase may mahulog na pagkain sa damit nito..






Tahimik kaming tatlo na kumakain. Si Dasher focus lang siya sa spaghetti na kinakain niya.. Ako, gusto ko ng umuwi.. May bigat sa puso ko eh. Hindi ko alam.. Naiirita ako..





Matapos naming kumain ay mabilis na bumaba si Dasher ng upuan at tumungo kay Ken na nakaupo sa kama.. Automatic yung ngiti ni Ken ng lumapit si Dasher sa kanya.. Pagkaligpit ko ng mga pinagkainan namin ay tumayo na ako para kunin si Dasher kay Ken.



"Uuwi na kami.." malamig na tonong sabi ko dito..





"Pero diba mag siswimm—-"





"Uuwi na kami." pinal na sabi ko..




"Ihahatid ko na kayo!" inirapan ko si Ken at kinuha ko na yung bag ni Dasher..









"Rita? Dasher?" napatingin kami sa pinto ng sumilip si George.. Hays! Sa wakas. Dumating din..






"Uuwi na kami.. Oh Dasher, punta ka na kay Dada George.." sabi ko at mabilis nalumapit si Dasher kay George.. Tinapunan ko si Ken ng tingin at nakatingin lang ito kay George at Dasher..








"Tawagan mo na lang si Tita Celeste kung may update ka na sa designs.." sabi ko dito..









Hindi na ito nagsalita pa at nauna na siyang lumabas ng bahay.. Paglabas maming lahat ay ni-locked ko na ang pinto at pumasok na kami sa kotse ni George..








Pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse ni George ay mabilis na kumawala ang mga luha ko..














Ken's POV

Paubos na ang isang can ng beer dito sa kwarto ko.. Hindi ako makatulog.. Ang dami daming pumapasok sa isip.. Pinapasukan ako ng takot sa isip at sa dibdib ko.. Paano kung huli na pala ako para bawiin ang mag ina ko? Paano kung masaya na siya sa iba? Paano kung di na niya ako kayang patawarin at di na niya ako kayang balikan pa.. A-anong gagawin ko?




"Hindi ko kayang may ibang tinatawag na Dada si Dasher. Ako. Ako lang dapat. PAPA lang dapat.."

















Ritas's POV



At dahil lunes ngayon, nag store visit ako sa isang store namin dito sa Mandaue.. Tutulungan ko kasing mag inventory yung mga staffs dito.. Iniwan ko muna si Dasher kay Lola Fe dahil medyo pisikal ang trabahong gagawin namin ngayon..



Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon