Rita's POV
MABILIS na lumipas yung mga araw. Isang linggo na lang ay magaganap na ang fake wedding ceremony namin ni Ken. We chose a civil wedding, hindi na bongga kasi fake lang naman.
Papunta kami ngayon sa Camp John Hay kung saan namin imemeet si Mr. Gonzales, yung client ni Ken na nagpapatayo ng hotel dito sa Baguio.
"Ken, ang sabi nila, maganda daw dito sa Baguio? Totoo ba?"
"Hindi ka pa nakapunta dito?"
"Magtatanong ba ako kung nakapunta na ako?"
"Yes. Baguio is one of my favorite place dito sa Philippines.."
"Talaga ba? so itotour mo ako dito hah? Baka naman Ken Chan!! Kahit lunes na tayo umuwi oh!!"
"Ok. Basta promise me na behave ka lang!"
"Yes!! Yuhooooo!"
"Kakasabi ko lang na mag behave eh! Sisigaw talaga?"
"Ok. HAHAHAHA.."
Apat na oras ang tinagal ng meeting at final layout para sa Hotel Lobby at iba pang part nito. Seryoso lang akong nakikinig habang nagsasalita si Ken. Ang sarap sarap pakinggan ng mga boses nito habang nagsasalita. Alam na alam niya talaga yung mga isasagot niya sa tanong ng client..
After ng meeting, nagpasya kami ni Ken na mag lunch muna bago maglibot.
"Pagbalik pala natin ng Manila, pipick up pa natin yung dress na isusuot mo sa wedding.." Bakit kapag wedding ang topic namin ay kinakabahan ako..
"Hey! Rita!"
"Ah oo sige.. Isang linggo na lang, kasalan na pala!"
"Hindi ka ba masaya?"
"Paano ako magiging masaya? Buti sana kung ikakasal ako sa taong mahal ko at mahal ako!" sabi ko dito at natawa ito.
"Bakit nga pala walang nanliligaw sayo?" tanong nito na ikinagulat ko.
"Pakialam mo ba!"
"Hindi ka siguro ligawin? Well, hindi naman obvious.. Sino bang manliligaw sayo? Ang sungit sungit mo kaya!!" pang iinis nito.
"Hoy Ken Chan! Para sabihin ko sayo, ang haba ng pila sa barangay namin para lang umakyat ng ligaw sa akin noh!!"
"Sus. Pila ba talaga para ligawan ka? Or pila lang yun ng mga kumukuha ng sopas sa barangay mo? Nang aangkin ka ng pila!"
Mabilis kong sinuntok yung braso niya at tumawa ito.
"Masungit lang ako pero seryoso ako pag nagmahal.."
"Oh? Drama ba yan?"
"Tandaan mo to! Kapag ikaw umakyat ng ligaw sa akin! Papahirapan kita! Tandaan mo yan!!" inis na sabi ko dito..
"Sorry. Ikakasal na nga tayo next week eh. Anong papahirapan ka diyan?" pang iinis nito sa akin.
"Tayo nga Ken Chan, magkaliwanagan nga tayo.. Ikaw ba ay wala talagang katiting na gusto sa akin?" lakas loob na tanong ko dito.
"Wala." mabilis na sagot nito.
"Bakit wala?"
"Eh wala eh. Bakit kailangan may explanations?" sagot nito sabay abot sa akin ng kape..Napatingin lang ako sa mga mata ni Ken kung nagsasabi ba ito ng totoo..
BINABASA MO ANG
Tasteless Blood
Fanfiction"Hindi kailanman madadaya ang puso. Kung kanino at paano ito titibok, magmamahal. Required sa tao ang magmahal. Parang pagkain. Parang tubig. Hindi ito makikitil. Mapipigilan. Ganun kalakas ang puso."