Rita's POV
KANINA ko pa napapansin si Ken na inis na nakatingin sa phone nito. 2Pm na at ilang oras na lang ay patapos na ang working hours pero mukhang problemado pa ito..
"Ken? Okay ka lang?" tanong ko dito at napatingin siya sa akin.
"May important meeting tayo sa client mamayang 4pm. Kanina pa ako nagbobook sa Grab pero may problema yata sa app nila ngayon. Hindi naman natin pwedeng gamitin yung kotse ko. Coding ako ngayon.. Tsss"
"Saan ba banda yung meeting?"
"Ortigas. Kung mag tataxi tayo, baka ipitin lang tayo nun sa traffic.." inis na sabi nito.
"Alam ko na!!! Tara na! Alis na tayo!!" nakangiting sabi ko sabay kuha ng bag ko..
"Hindi pa nga ako nakakapagpabook!" sabi nito.
"Basta! Tara na! Para makaabot tayo ng 4pm! sabi ko dito. Walang nagawa si Ken kundi sumunod sa akin.. Paglabas namin ng building ay mabilis akong pumara ng trycicle..
"What? Sasakay tayo diyan? Sa tingin mo aabot tayo ng Ortigas ng naka trycicle!" inis na sabi nito.
"Pasok!!" sabi ko dito at pumasok din naman siya sa loob.
"MRT po kuya!" sabi ko sa driver at nakatingin lang si Ken sa akin.
"Mag MRT tayo?"
"Yes! Sagot sa dasal ng mga taong nagmamadali!" nakangiting sabi ko dito..
Kahit hapon na ay madami paring tao sa MRT station. Inip na naghintay si Ken habang ako ay nakapila para magbayad ng single journey card naming dalawa. Pagbalik ko sa kanya ay panay tingin lang ito sa phone niya..
"Ang lakas maka CEO ng suot mo Ken! Kaya pinagtitinginan ka ng mga tao!" natatawang sabi ko dito. Tiningnan niya ang suot niyang suit. Nagpasya siyang tanggalin ito at mas lumitaw ang kapreskohan niya dahil sa puting polo. Inabot ko ang card sa kanya.
"Alam mo ba kung paano gamitin yan?" tanong ko dito.
"Ofcourse Yes!"
"So nakasakay ka na ng MRT???"
"Tao ako Rita. Syempre!"
"Sabi ko nga! hehehe. So tara na?"
Pagpasok namin sa loob ng train ay siksikan na. Wala na kaming time para maghintay ng susunod na train kaya kahit masikip na ito ay sumakay na lang kami.. Nagtaka ako dahil pagpasok namin ay binigyan nila kami ng space para makapunta sa bandang gilid. Gwapong gwapo ba sila kay Ken? Bakit parang may special treatment! Aba!
Seryosong nakakapit si Ken sa hawakan samantalang ako ay nagbabalance lang dahil wala akong mahawakan. Malayo ang hawakan sa akin kaya tiyaga lang akong magbalance.. Paghinto namin sa Kamuning ay mas dumami ang tao.. Nagtataka ako kung bakit yung lalaking mukhang bumbay na nasa kabilang gilid ko ay paharap na nakadikit sa akin. Hindi ko iyon pinapansin kanina pero ngayon, mas lalo niyang idinutdot sa tagiliran ko yung katawan niya. Kung pwede lang sapakin ko tong lalaki na ito ay ginawa ko na pero ayoko ng gumawa ng eksena.. Umusog na lang ako ng kaunti papunta kay Ken pero umuusug din yung pulgas na ito.. Nagulat ako ng pumagitna si Ken sa amin at ako na ngayon ang nasa pwesto niya. Napansin ko na lang na nakakulong na ako sa mga kamay niya. Backhug. Komportable siyang nakalagay ang chin niya sa balikat ko.. Napatingin ako sa repleksyon ng manyak na lalaki sa likuran ni Ken na medyo umusog papalayo. Natakot yata sa Fiancée ko. Kinikilig ako! F*ck!
BINABASA MO ANG
Tasteless Blood
Fanfiction"Hindi kailanman madadaya ang puso. Kung kanino at paano ito titibok, magmamahal. Required sa tao ang magmahal. Parang pagkain. Parang tubig. Hindi ito makikitil. Mapipigilan. Ganun kalakas ang puso."