Bahala

622 44 14
                                    

Ken's POV

"Akala ko ba kasama si George?" natatawang tanong ko dito pero naka irap lang ito sa akin.




"Hindi ka ba nahihilo? Kanina pa tumitirik yung mata mo? Oh baka naman gusto mong bigyan ko ng justice yang pagtirik ng—— Hooy! Nag dadrive ako!! HAHAHAHA.." hindi pa nga ako tapos magsalita ay mabilis niyang piningot ang tainga ko..




"Saan ba tayo kakain? Ang layo na nito sa office ah? Baka ma late pa ako mag-in niyan!"





"Malapit lang Rita.. Tsaka may dala naman akong kotse .. Hindi ka malelate! Promise.."






"Bilisan mo, baka nagugutom na tong bata.."






"Nandito na tayo kanina pa. Paikot ikot lang tayo .. Di ko pa kasi trip bumaba.." natatawang sabi ko..







"Ewan ko sayo! I-park mo na nga!"






"Kiss mo muna ako?" hirit ko dito at akmang hahablutin naman nito yung buhok ko ay umiwas ako.. Ang sarap sarap talaga nito asarin..

















Rita's POV





G na G mang inis? Aba! Pasalamat siya gutom ako, kung hindi .. Babasagin ko tong kotse niya eh! Bwisit!






Pagpasok namin sa Pizza restaurant ay nagtaka ako dahil parang may naka reserve na pala na lamesa para sa amin..







"Ayuuuum. Planado.. Bakit may reservation na hah??" inis na tanong ko dito..






"I have my phone. Isang tawag lang.."






"Pero wala kang tinawagan kanina habang nag dadrive ka! Planado mo no? Expected mo na sasama talaga kami no?"






"Not expected but I'm always prepared! Alam mo yan!"






Habang kumakain kami, may pinakitang designs si Ken sa akin.. Magandang idagdag ko daw to sa kwarto ni Dasher.. Isang wallpaper na may malaking picture ng cute na gorilla..





"At bakit naman ako papayag aber?" tanong ko dito at nawala bigla yung ngiti ni Ken.




"I'm just suggesting.. pero kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin eh.."





"Bukas ipresent mo sa akin yung mga designs. Magpapaalam ako kay Tita Celeste na aabsent muna ako para matapos na agad agad yung bahay.. "






"Okay. Saan tsaka what time?"







"Sa tapat ng beach 5pm.."







"Oy. Ang romantic naman nun. Sunset.." nakangiting sabi nito..






"Tigil tigilan mo ako sa romantic romantic. Walang ganun.. "




"NayNay!" tawag sa akin ni Dasher ng iabot niya sa akin yung sauce ng pizza..






"Thank you!!"






"Bakit pala NayNay yung tawag sayo ni Dasher?"





Tinitigan ko si Ken bago ako nagsalita..






"Para hindi ka niya matawag na TayTay.. Ulit uliting mong bigkasin..Ang baho kasi ng tunog.. " pang iinis ko dito at tumawa ito..






Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon