Shout

495 34 8
                                    

Rita's POV

Malalaki ang mata kong tinanggal ang kumot at halos malaglag ang panga ko ng makita kung sino ang may ari ng mga paa na nasagi ko..

OhMyGhaaaaad! Holyyy Syeeeeeet!! Arrggh!

Napatakip ako sa bibig ko para hindi ako basta-basta na lang makasigaw..

Shit! Anong nangyari!!

Akmang bababa na ako sa kama ng magsalita si Ken.

"Don't shout. Just leave.."

Napatingin ako kay Ken na nakapikit parin..

"A-Ano???"

"I said don't shout. Just leave my room."

"Teka? Anong ginawa mo sa akin hah? Bakit ako nandidito sa kwarto mo!!?"

"Your drunk. Pagpasok ko sa room kagabi ay nakahiga ka na dito. Kaya wag kang mambintang na para bang may ginawa ako sayo! Pumasok ka ng room ko ng walang permiso kaya lumabas ka na ngayon din!" sabi nito . Napansin kong bumaba ang tingin nito sa dibdib ko.. wtf? " Nice breast by the way...Pwede na.. " sabi nito . Napatili ako ng mapansin kong wala akong suot na bra.. Mabilis kong kinuha ang kumot at itinakip sa katawan ko.. Alam kong namumula na ang mukha ko sa kahihiyan pero hindi ako nagpahalata na apektado ako sa nangyari..

"Bumaba ka. Ipagluto mo ako ng makakin. Kabayaran mo yon sa breast show ko!" mataray na sabi ko sa kanya .

"Bakit ko naman gagawin iyon??"

"Dahil nagugutom ako at masakit ang ulo ko!" sagot ko sa kanya sabay hilot sa sentido kong sumasakit talaga. Grr.. Ayoko na ng wine! Punyeta!!

Napatingin ako kay Ken ng tumayo ito at may kinuha sa cabinet niya. Ibinato niya sa kama ang isang itim na t-shirt.

"Wear that at sumunod ka sa akin sa baba.." sabi nit at tuluyan na siyang lumabas ng room.
Inamoy ko ang t-shirt. Bakit ang bango? Anong fabric conditioner ang ginagamit nito? Haaaays.

Pagbaba ko ay may nakaready na dalawang tableta ng gamot at isang basong tubig sa lamesa.



"Sige, Maglasing ka pa!" inis na sabi ni Ken habang gumagawa ito ng kape sa coffee maker..


"Malay ko bang malalasing ako sa wine! Sinubukan ko lang naman.." sabi ko dito sabay inom ng gamot at nakatingin lang ako sa napakagwapong nilalalang sa harap ko..

"Maraming wine dito ay mataas ang volume ng alcohol. Kung hindi ka sanay sa alak ay dapat di mo na sinubukan. Nakakaistorbo ka ng tulog. Dapat ay tulog pa ako ngayon at alas sais pa sana ang gising ko.. Hindi alas singko!"



Akala ko ba naman ay may care na sa akin! Utang na loob ko pa pala! Tsss.. Mabilis akong tumayo at lumapit sa kanya.




"Pasensya na. Sige na, ako na dito .. Matulog ka na lang ulet sa taas.." seryosong sabi ko sabay agaw sa kanya ng mug na hawak niya pero hindi niya iyon binitawan. Sinamaan niya lang ako ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa nito.




"Sa tingin mo makakatulog pa ako hah?" sabi nito sabay bigay sa akin ng kape..





"Sa-salamat." sabi ko dito.











Ready na kami para pumasok sa office. Inip kong hinintay si Ken dito sa harap ng main door. Syempre sasabay ako sa kanya! Ayoko na tumakbo at baka ma-late na naman ako..


Tasteless BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon