Rita's POV
"Bakit ngayon ka lang napadpad dito sa mansyon mong inaanay na?"
Napatingin ako sa lalaking nagsalita na nakaupo sa sofa ko. Hindi ko manlang siya nakita kanina!! Paano? Saan siya dumaan??
"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nakapasok sa bahay ko??" inis na tanong ko dito.
"Kanina pa ako dito. Hindi mo lang ako nakita kasi sa iba na ang focus mo.. Bakit ngayon ka lang ulet umuwi sa bahay mo?"
"Wala kang pakialam. Tsaka may lahi ka bang magnanakaw? Multo? Bakit ka nakapasok dito? Nakakandado naman to ah?!!"
Dahan dahan itong tumayo at lumapit sa akin. Galit ang awra niyang nakatingin sa akin..
"Bakit ka nakipagkita kila Ethan at Nix hah? Sabihin mo nga sa akin, ano bang binabalak mo hah??!" sigaw nito at mabilis niya akong isinandal sa pader.. Napapikit ako ng maamoy ko ang hininga nitong amoy alak..Mabilis ko siyang tinulak ..
"Ano naman kung nakipagkita ako sa kanila? Kaibigan ko rin sila!!!" natawa ito at galit na tumingin sa akin..
"Kaibigan hah??? Dahil ba umalis ka na ng bahay ko ay maghahanap ka na naman ng ibang bahay na lulunggaan mo? Ano ? Nakahanap ka na ba ng bago mong——- f*ck!!" napasigaw siya sa galit ng sinampal ko siya.. Nanginginig akong sinundan pa ng isang sampal ang pisngi niya...
"Tapos ano hah? Ken? Hah!! Ano? Ganyan ba ang tingin mo sa akin hah??? Anong pinapalabas mo? Na pakawala akong babae? Ha??? Naghahanap ng kung sino-sino para ano? Para ano??!!" galit na sigaw ko.. Nang mahimasmasan ito sa sampal ko sa kanya ay akmang lalapitan niya ako ng tumakbo ako papunta ng kusina at mabilis kong kinuha ang kutsilyo at itinutok ko sa kanya...
"Rita.."
"Subukan mong lumapit!! Hindi ako magdadalawang isip na itarak to sa katawan mo!!! "
"Rita—hindi ganun—-"
"Umalis ka na!!! Alis!!" umiiyak na sigaw ko at napansin kong pumasok si Mona at Jeng sa bahay.. Mabilis akong nilapitan ni Mona para pakalmahin..
Pagkababa ko ng kutsilyo ay ang pag alis ni Ken sa loob ng bahay ko.. Umiiyak akong napaupo sa sahig at mabilis na niyakap ni Mona..
"Ssshh. Tahan na Rita.."
"Ganun ba ang tingin niya sa akin? Pakawalang babae na pumupugad sa mga mayayaman para ano? para magkapera? Pucha..Siya ang nag offer sa akin ng trabaho.. Siya ang naglagay sa akin sa sitwasyong iyon.. Ginawa ko ang gusto niya.. Pinaghirapan ko naman lahat ng sinasahod ko sa kanya ah. Pinagtrabahuan ko iyon.. Pero Mona.. Minahal ko siya hindi dahil mayaman siya or mapera siya!!! "
"Rita.."
"Kaya ba hindi niya ako kayang pagkatiwalaan pagdating sa pera.. Yung lintik na credit card niyang iyon.. Pucha... Ang baba nga ng tingin niya sa akin.. Ang tanga tanga ko.. Ibinigay ko yung sarili ko sa taong babaeng puta ang tingin sa akin..Ang tanga tanga ko!!"
—-
Kinabukasan, wala ako sa mood pumasok.. Bahala siya mag trabaho mag isa... Inip kong inaantay si Jeng sa labas ng bahay niya.. Maglalakad lakad kami ni Jeng dito sa barangay ng mapagpag naman yung isip ko at ng matagtag itong buntis na to..
BINABASA MO ANG
Tasteless Blood
Fanfiction"Hindi kailanman madadaya ang puso. Kung kanino at paano ito titibok, magmamahal. Required sa tao ang magmahal. Parang pagkain. Parang tubig. Hindi ito makikitil. Mapipigilan. Ganun kalakas ang puso."