Rita's POV
"Bwisit na yun. May padala-dala pa ng bulaklak dito tapos hindi naman pala dito ibibigay? Bwisit talaga.." inis na bulong ko habang ginugupit gupit ko yung box ng ilang wine sa gilid..
"Akala ko nga para sa akin yun eh.." nakangiting sabi ni Jamie..
"Wow? Teh? Tigil tigilan mo ako Babae.. isusumbong kita kay George. Sabihin ko ayaw na sa kanya ng girlfriend niya! HAHAHAHAH.."
"Wag ! Joke lang! Ikaw naman Ma'am Rita! Selos agad? Sino ba yun? Manliligaw mo? Ngayon ko lang kasi siya nakita.."
"Manliligaw? Hindi no."
"Boyfriend no? Makikipaghalikan ka na kanina buti na lang dumating ako eh!" hirit ni Alexa at inirapan ko ito.
"Multo ng nakaraan."
"OMG? Siya yung tatay ni Dasher? Kaya pala magkamukha sila!!"
"So alam niyo na kung paano ako hirap makapag move on sa sperm na yun? Kamukha siya ng anak ko eh. Ewan ko ba. Dati, galit na galit na galit ako sa kanya.. Ngayon? Pag nakikita ko siya, parang nakakalimot tong utak at puso ko sa mga nagawa nito .. Tsk. Mali to eh. Maling mali.. "
"Baka nagsisi na sa ginawa niya? Ito naman! Bigyan mo ng chance!"
" Chance? Hindi John Lloyd at Bea ang pangalan namin para sa one more chance.."
"Nagpaliwanag na ba siya sayo kung bakit di ka niya hinanap?"
"Ang sabi niya, matagal na daw niya akong hinahanap. Pero di ako naniniwala.."
"Bakit naman?"
"Bakit ngayon lang niya ako nahanap? I mean sa laki ng koneksyon niya ? Mabilis niya akong makikita.. Bakit umabot ng tatlong taon?"
"Malay mo. Mas malaki parin yung Pilipinas kesa sa koneksyon niya.."
"Ah basta. May paselos selos pa siyang nalalaman kay George? Eh kung isampal kaya kita Jamie kay Ken para malaman niyang in a relationship si George sayo.."
"Aray! Masakit yun Rita! Pero pwedeng i-kiss ko na lang si Ken habang sinasabi kong hindi mo boyfriend si George kasi akin siya.."
"Harot!" pang aasar ko dito..
"Ikaw. Kulang sa harot HAHAHAHAH.. Kausapin mo na kasi yung tatay ng anak mo!"
"Neknek niya!"
Ken's POV
Nasa harap ako ng bahay ni Lola Fe.. Napatingin ako sa bulaklak na dala ko at napahawak sa sugat ko sa gilid ng noo.. Tsss..
Pagdoorbell ko, pinagbuksan ako ng isang katulong.."Si Lola Fe? Nandiyan po ba?"
"Ay. Sandali lang po sir ah.. Sabihan ko lang po na nandito kayo.." mabilis na pumasok ang katulong sa loob at naiwan ako dito sa labas ng gate na tirik ang araw.. Napasilip ako at may nakita kong lalaking naglilinis ng kotse nito.. Pamilyar ang kotse nito.. Sinisipat ko yung mukha ng lalaki pero hindi ko makita.. Lumabas na ang katulong at pinapasok na ako..
"Good Morning po Lola Fe! bati ko dito at binigay ko ang bouquet ng white tulips sa kanya..
"Anong nangyari diyan sa Noo mo?" bungad na tanong nito ng makita ang sugat sa noo ko..
BINABASA MO ANG
Tasteless Blood
Fanfiction"Hindi kailanman madadaya ang puso. Kung kanino at paano ito titibok, magmamahal. Required sa tao ang magmahal. Parang pagkain. Parang tubig. Hindi ito makikitil. Mapipigilan. Ganun kalakas ang puso."