S O L
Nagising ako dahil sa ingay ng mga taong sumisigaw. Kinukusot-kusot ko ang mga mata ko at unti-unting minulat. Nakita ko ang bahay naming nabuo dahil sa paghihirap ng aking mga magulang na ngayon ay nababalot ng apoy. Matagal itong ipinundar ng aking mga magulang at ganoon lang din pala kabilis ito maglalaho.
Biglaang bumaba ng sasakyan sina Mama at Daddy. "Anong nangyayari dito?!" Natatarantang tanong niya sa kapitbahay namin nang makita niya ito.
"Mayroon kaming nakitang tao na may bitbit na container at sa tingin ko ay gas 'yon. Mukhang sinadya ang pagkasunog ng bahay ninyo."
"Bakit hindi niyo pinigilan?!"
"May dala itong baril. Tumawag na kami ng mga pulis at bumbero."
Napatingin ako sa ibang mga bahay na nadamay rin sa kumalat na apoy. May isang babaeng biglang lumapit kay Daddy at nagmamakaawa.
"Tulungan mo po ang anak ko. Naiwan siya sa loob ng bahay!" Nang marinig ito ni Daddy, hindi na itong nag dalawang isip pa. Kumaripas ng takbo si Daddy papunta sa itinurong bahay ng babae. Napaluhod si Mama at nagtangkang pigilan si Daddy.
"Nahihibang ka na ba, Harvey? Bumalik ka rito! 'wag mo kaming iwan, kaming pamilya mo," pagmamakaawa ni mama.
"Pangako, babalik ako ng ligtas," tugon ni Daddy sa 'ming dalawa ni Mama.
Nagpumilit si Daddy na pumasok sa loob ng bahay. Kahit anong oras ay maaring bumagsak ang bahay dahil gawa lang ito sa kahoy. Nakalabas ng bahay si Daddy dala-dala ang sanggol.
Binigay niya ang sanggol sa kanyang ina. Ngunit muling bumalik si Daddy sa loob ng bahay na ikinagulat ni mama kaya halos himatayin ito.
Mabilis ang sumunod na mga pangyayari. Sa isang iglap, bigla na lamang gumunaw ang bahay. Nang gumuho ang bahay, nagunaw rin ang aming mundo sa aming nasaksihan. Unti-unting tumulo ang luha ni Mama at malakas na sumigaw ito, "Harvey! Huwag mo kaming iwan ng anak mo! Maawa ka sa 'min!"
"Mama, magiging ayos lang po si Daddy, 'di ba?" Pinunasan ni Mama ang luha niya at niyakap ako.
"Oo, anak. Magiging ayos din ang Daddy mo. Strong 'yon eh at saka hindi niya tayo kayang iwan."
Mayroon kaming nakitang mga ambulansiya at mga bumbero. Pumunta ang mga rescuer kung saan gumunaw ang bahay. Lumabas ang mga ito na dala-dala si Daddy sa isang stretcher.
Pinasok nila ito sa ambulansiya at dali-daling umalis. Napatay na rin nila ang apoy at nakita ko ang aming bahay na wasak-wasak na.
Nalungkot ako dahil wala na kaming tirahan. Pinunasan ni Mama ang luha niya at inayos ang suot niya. Pumasok kami sa kotse at inayos niya ang seatbelt ko at dali-daling nag-drive upang sundan ang ambulansiya.
Pagkarating namin sa hospital, nakita ko si Daddy na puno ng dugo. Niyakap ko si Mama habang kaming dalawa ay humahagulgol sa iyak. Pareho kaming nagulat ni Mama dahil hinawakan ni Daddy ang kamay ko at sabay ngumiti sa amin.
Narinig ko ang tunog galing sa isang machine. May nakita akong iba't-ibang kulay ng mga linya, tumataas at bumababa ang mga ito.
Makalipas ang ilang minuto, nakita kong naging daretso ang mga linya at may maingay na tumunog ang machine na iyon.
Niyakap ni Mama si Daddy at pilit na ginigising ito. May mga doktor at nars na pumunta sa kwarto naming may dala-dalang iba't ibang mga kagamitan. Sinubukan nilang muling buhayin ang Daddy ko.
"Prepare for shock. Clear!"
Ngunit hindi na niya minulat muli ang mga mata niya. Tuluyang bumagsak na sa sahig si Mama. Lumapit ako sa kanya at mahigpit siyang niyakap.
***
Umalis kami ni Mama kahit malalim na ang gabi.
"Mama, saan na po tayo titira? Wala na po si Daddy."
"Pupuntahan natin si Myllah, 'yong Ninang mo. May dalawa siyang anak na lalaking kasing edad mo. Sigurado akong matutuwa ka kapag nakalaro mo silang dalawa," sabi ni mama sa 'kin habang pinipilit niyang ngumiti.
Dito ko napagtantong nawala na ang pagningning ng mga mata ni Mama at unti-unting binalot na ng kalungkutan. Tinatago niya ang lahat ng sakit at pagluluksa sa pekeng matatamis niyang mga ngiti.
Kahit gabi na ay umalis kami ng bahay dahil hindi naman kami maaaring matulog sa wasak-wasak naming bahay. Dala-dala namin ang aming natirang mga damit at gamit.
Tumigil sa pagmamaneho si Mama sa harap ng maliit na bahay na may kulay puting gate. Bumaba na kami ng kotse at lumapit si Mama sa gate upang kumatok. "Myllah? Gising ka pa ba? Si Lorraine 'to." Malakas na katok ang ginawa ni Mama. Ngunit nawawalan na siya ng pag-asa na marinig siya ni Ninang Myllah.
"Mama, inaantok na ako. Gusto ko ng matulog," sabi ko sa kanya.
"Wait lang anak, ha? Hintayin nating lumabas." Biglaang may lumabas na babaeng maiksi ang buhok at nakapulang night gown na hanggang tuhod.
Naiirita itong lumapit sa gate habang humihikab. "Anong kailangan mo? Anong oras na?" Tanong niya kay Mama sabay binuksan ang gate.
"Myllah ako 'to, si Lorraine," sabi ni mama sa isang magandang babae.
"Lorraine!? Anong ginagawa mo rito? Oras na ah?" Nagtatakang tanong nito.
May ibinulong si Mama Lorraine sa tenga ng babae na ikinagulat niya. Hindi niya naiwasan ang maluha kaya't napayakap na lamang siya kay Mama.
"Sige, dito na muna kayo tumuloy. Kahit gaano pa kayo katagal dito, ayos lang sa akin."
"Myllah, maraming salamat talaga. Babawi talaga ako sa 'yo," naluha rin si Mama sa sinabi ng babae sa kanya.
"Nako! Kahit 'wag na. Malaki rin ang utang na loob ko sa 'yo. At saka parang kapatid na rin kita. Ano ka ba?" Muling bumuhos ang luha ni Mama at niyakap niya nang mahigpit ang babae.
"Tahan na. Tara pasok na tayo. Tulungan na kita sa mga karga ninyo." Pagpasok ko sa bahay, may nakita akong isang lalaking yakap ang dalawang batang lalaking natutulog sa isang kwarto. Hindi ko maiwasang malungkot at mapaluha dahil buti pa sila, kasama pa nila ang kanilang ama.
"Lorraine, dito muna kayo sa sala ha? Isa lang kasi ang kwarto namin dito sa bahay. Hindi tayo magkakasiyang lahat doon."
"Mommy sino po siya? Tska bakit ang bait niya po sa'tin Mommy?"
"Sol, makakalimutin ka talaga. Siya si Ninang Myllah mo, siya 'yong may dalawang anak na lalaking napakabait, magmano ka sa Ninang mo."
Nagmano ako kay Ninang Myllah. Ngumiti naman ito sa akin at hinawakan ang aking mga kamay.
"Hello, baby Sol! Ang laki-laki mo na! Napakagwapo mo. Mana ka talaga kay Harvey!"
"Hay naku, Myllah! Hanggang ngayon ba ay gusto mo pa rin siya? May asawa na uy!" Nakuha pa talaga nilang magbiruan.
Nang matapos na silang mag-usap, binigyan kami ni Ninang Myllah ng kumot, unan at banig.
"Anak matulog na tayo ha? Pareho tayong pagod eh," sabi ni Mama habang inaayos ang higaan naming dalawa.
"Mommy, I miss Daddy so much,"
"Ako rin, anak. I miss your Daddy too." Kahit masakit ang sinapit namin ngayong araw, pinilit ko na lamang makatulog. Nagbabakasakaling ang lahat ng ito ay isang madilim na panaginip lamang.
BINABASA MO ANG
Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)
Teen FictionSi Luna Mercado ay isang simpleng babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro at mag-alaga ng pusa. Nagbago ang kaniyang simpleng buhay nang makilala ang lalaking 'di niya akalaing mamahalin niya habang buhay. Ang lalaking ito ay nagngangalang, So...