CHAPTER 3: LUNA MERCADO

403 121 7
                                    

L U N A

Nang matapos akong maligo, isinuot ko ang bago kong uniform. Suot-suot ko rin ang salamin na binigay sa 'kin ni Daddy Jorden. Hugis bilog ito tulad ng kay Harry Potter. Maiksi at kulay gray naman ang buhok ko.

Habang naglalakad ako sa kalsada, nag-eensa'yo ako para sa aming class introduction. Kahit 4th year high school na kami, kailangan pa rin naming ipakilala ang aming mga sarili kahit wala namang dumagdag sa aming magkakaklase.

Wala akong magawa kung hindi ang mapabuntong-hininga na lamang. "Ako nga pala si Luna G. Mercado, isa akong babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro, at mag-alaga ng pusa. Hilig ko rin ang pagluluto pero sa kasamaang palad, laging nasusunog ang mga niluluto ko. Mahilig din ako sa Matematika at Agham. Naniniwala rin alp sa kasabihang, 'Kung magaling ang isang tao sa isang gawain, sa kanya mo ipagawa!'" Natatawa kong sambit sa sarili.

Kasalakuyang naghihintay ako sa labas ng bahay namin ng school service. Hindi na ako naihahatid ni Daddy sa school dahil maaga siyang umaalis ng bahay. Masyado siyang workaholic. Nakakalimutan na niya yatang mayroon siyang unikaiha.

Makalipas ang sampong minuto nandito na rin sa harap ng bahay namin ang puting van na school service namin. Mayroon itong napakalaking logong hugis bilog sa labas na "BLESSED JORDAN SCHOOL".

Napansin kong pareho ang suot-suot na necklace at bracelet nina Jazz at Amethsyt. "Good morning, Luna! Mukhang blooming ka today ah," pang-aasar ni Amethyst.

"Excuse me! Anong today? Baka ibig mong sabihin, everyday?" Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at pinausog ko si Jazz para makatabi ako kay Amethyst.

"Tama lang ang ginawa mo, Luna. Masyadong sumisiksik sa 'kin yang si Jazz. Ang taba-taba niya! Naiipit na ako sa kanya!" Natatawang sambit ni Amethyst.

"Kapag ako, nagka-abs, sino kayang mapapanganga at maglalaway sa 'kin?" Depensa ni Jazz.

"Heh! Manahimik na kayo. Matutulog muna ako!" Pasigaw kong sabi sa kanila. Pagkalingon ko sa likod, magkatabi sina Luke at Althea. Si Bryan naman ay nakiki-thirdwheel sa dalawa. Halata sa kanyang mukha na inip na inip na ito at kaunti na lang ay tatalon na sa bintana.

Anim lang kami sa loob ng van, bali pito kasama si Kuya John na driver namin. Saludo ako sa kanya dahil napakasipag niya at isa ring maginoo. Mag-isa niyang binubuhay ang apat niyang anak na mga college at senior high school students.

Habang nakatingin ako sa labas, pinagmamasdan ko ang unti-unting pagtaas ng araw at ang pagliwanag ng paligid. Hindi ko pa rin maiwasang mamangha dahil parang isang sining ang kalangitan sa dami ng kulay nito tuwing sumisikat ang araw.

"Luna?" Tawag ni Jazz kaya't lumingon ako sa kanya.

"Ano?"

"Anong napili mong schedule this year? Para sabay-sabay pasok natin. Kaysa naman maghiwa-hiwalay pa tayo," tanong niya sa akin.

"Ha! Alam ko na sagot diyan! Malamang panghapon yang si Luna. Late nagigising yan eh!" banat naman ni Amethsyt.

Natawa ako bigla at muntikang nabuga sa kanilang dalawa ang iniinom kong kape.

"Grabe, Amethyst! Kilalang-kilala mo talaga ako. Gustohin ko mang pumasok ng hapon kaso ayaw ni Daddy kaya pang-umaga na lang ako," sagot ko sa kanila.

"Teka, anong sabi mo? Pang-umaga ka? Milagro 'yon ah!" Pang-aasar ni Amethyst.

"Kailangan talagang doble-kayod ngayon Amethyst para umunlad ang bayan," masiglang sagot ko kay Amethyst.

"Ehem! Huwag nga kayong maingay! Natutulog ako eh," reklamo naman ni Jazz. Bigla akong nahiya sa sinabi ko sa kanya kaya nanahimik na lang ako at tumingin na lang sa bintana muli. Isinuot ko ang earphones ko at nakinig ng music. In-enjoy ko na lang ang aming biyahe at dahan-dahang ipinikit ang mga mata ko.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon