CHAPTER 18: HANGOVER

107 42 1
                                    

L U N A

Napahawak ako sa aking ulo dahil parang binibiyak ito. Pagkaupo ko sa kama, binaha ng ala-ala ang isipan ko kung ano ang ginawa namin ni Amethyst kagabi.

"Luna, patawarin mo ako. Hindi ko napigilan si Stella." *hik*

"Tama na, Amethyst! Kasalanan ko rin naman! At higit sa lahat, kasalanan din ni Stella. Walang hiya talaga 'yon!" *hik*

"Anong gagawin ko, Amethyst? Ayaw ni Daddy kay Sol. Iwan ko na lang ba si Daddy at piliin si Sol? Pogi naman siya eh."

"Magandang idea yan! Kapag ginawa mo yan, gagawan pa kita ng banner." Pumalakpak pa siya at itinaas ang dalawang kamay na parang may hawak talagang banner.

"Go, Luna! Walang pumipigil sa paghabol mo kay fafa Sol!" Sigaw pa ng nababaliw kong kaibigan. Akmang tatayo na ako pero hinila ako ni Amethsyt kaya pareho kaming natumba.

"Pero seryoso, anong dapat kong gawin?"

Kukunin ko na sana ang aking phone at binabalak tawagan si Sol para yayaing magtanan pero hinablot ni Amethyst ang phone ko.

"Ibalik mo yan!" *hik*

Tumayo si Amethyst pero agad siyang napaupo sa sahig dahil bigla siyang sumuka sa sahig ng aking kwarto at hindi ko na alam pa ang mga susunod na pangyayari.

Pinilit ko ang sarili kong tumayo papuntang banyo para makapaghilamos na. Nang matapos ayusin ang sarili, nilinis ko ang makalat kong kwarto, lalo na ang kagagawan ni Amethyst kagabi.

Nagtaka ako bigla kung bakit hindi siya dito natulog. Napalingon ako sa pintuan at nakitang may nakadikit na sticky note doon.

"Luna, kung wala ako sa kwarto paggising mo, huwag ka ng magtaka dahil umuwi na ako sa amin. Hindi naman kasi ako nakapagpaalam." Halos hindi ko na mabasa ang nakasulat, sa kadahilanang lasing pa siguro siya habang sinusulat 'to.

Bumaba na ako sa kusina dahil kumakalam na ang tiyan ko. Nakakita ulit ako ng note mula kay Daddy, "Good morning, anak. Pasensya na kung wala na naman si Daddy. I'll be back in three days for work. Take care."

Umorder na lang ako ng pagkain online. Napag-isipan kong manood muna ng TV habang hinihintay dumating ang aking pagkain sabay ipinatong ang mga paa sa center table namin.

"This weekend, the full moon passes even closer at just 357,035km, making it the closest a full moon has been to Earth since February last year."

"Weather permitting, this will be the most impressive supermoon of 2020, with the final supermoon next month at 361,184km from Earth."

Kinuha ko ang phone ko para i-chat si Amethyst, laking tuwa ko nang makita kong online siya. Makalipas ang tatlong tawag, sumagot din.

"Luna, ano ba?! Ang aga-aga mo namang mangulit," iritadong sagot niya sa akin.

"May chika ako!" Nang marinig niya ang salitang chika, nag-iba ang boses nito at naging kalmado.

"Ano 'yon? Sinagot mo na ba si Sol?" Bungad niya sa akin.

"Ha? Sinagot? Bakit ko sasagutin 'yong tao?"

"Haha! Biro lang! Ano na 'yang sasabihin mo?"

"Tara, camping tayo this weekend. Wala si Daddy sa bahay ng tatlong araw," maligalig kong sabi sa kanya.

"Ayan ka na naman, Luna! Ayos lang sa akin pero kapag nahuli tayo, bahala ka na sa buhay mo. At saka sinong isasama natin?"

"Tayo lang magkakaibigan and ako ng bahala kay Daddy."

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon