J O R D E N
Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagpatak ng aking mga luha. Hindi ko na namalayang nakarating na pala ako sa sementeryo. Habang naglalakad ako sa putikan, may mga palakang at mga insektong nagsilabasan dahil sa lakas ng ulan. Makalipas ang ilang minutong pagkakalakad, naabutan ko na ang puntod niya.
"IN LOVING MEMORIES OF MIA MERCADO, HERE LIES THE WOMAN WHO GAVE BIRTH TO THE MOON."
Habang binabasa ko ang nasa lapida niya, mas lumakas ang bugso ng ulan. Napaluhod na lamang ako at hinayaang mabasa sa ulan ang sarili.
"Mia, I'm sorry for I can't be the perfect husband and perfect father you wanted me to be. I'm such a big failure. Did you know that, Luna sings so good? Kasama niya ang mga bagong kaibigan niya, at niyaya siyang maging lead vocalist ng kanilang banda. Kaso nga lang noong araw na iyon, hindi naman pumasok ang anak mo sa school nila." Tumingala ako sa kalangitan nang unti-unting humina na ang ulan.
"Love, naaalala mo pa na noong nasa garden tayo at yakap-yakap kita? Pinangarap nating magkaroon ng anak na babae noon at gusto mong pangalanan ng Luna dahil labis mong mahal ang buwan. Natupad ang pangarap nating 'yon dahil biniyayaan tayo ng Diyos ng isang napakagandang anak na babae. Kaso Love ang daya mo, iniwan mo agad ako," natatawa kong sambit sa kawalan sabay pinunasan ko ang mga luhang kanina pa bumubuhos gamit ang aking mga kamay.
"At 'yong bench kung saan lagi tayong magkasama, nakita ko ang anak nating may kasamang isang lalaking ang pangalan ay Sol Trinidad. Sana sa oras na mawala man ako, siya na nga sana ang kumalinga sa anak natin." Napakasarap talagang magkwento sa asawa ko kahit wala na siya sa tabi ko.
"Dad, huwag mo naman akong iwan."
Napalingon ako sa likod at halos mapatalon sa gulat dahil nandito rin ang anak ko.
"Dad, I'm sorry for causing you so much trouble. Please, forgive me," nakayukong sambit ni Luna. Agad akong tumayo at niyakap na lamang ang aking anak bilang tugon sa kaniyang paumanhin.
S O L
"Aray ko!" Daing ko kay Elijah dahil kanina niya pa binibigyan ng betadine ang mga natamo kong sugat.
"Ayan kasi! May nalalaman ka pang itakas si Luna. Alam mo namang magagalit nang sobra 'yong Tatay niya pero tinuloy mo pa rin 'yang kalokohan mo," sermon ni Elijah
"Pero pare, bilib ako sa 'yo. Ang tapang mo ah," komento naman ni Marcus.
"Ano na palang balita kagabi? May nakuha ba tayong award?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Wala man pero tuwang-tuwa naman ang mga tao noong tayo na ang sumalang at tumugtog. 'Yon lang sapat na para sa akin," pagpapaliwanag ni Elijah.
"Pero may tiwala akong balang araw ay sisikat din ang banda natin," dagdag pa ni Marcus. Napatingin kaming tatlo nang dumating si Ninang Myllah na puno ng pag-aalala.
Agad siyang tumakbo papunta sa akin, "Sol! Anong nangyari sa 'yo?" Natatarangtang tanong niya sa akin habang hawak-hawak ang mukha kong puno ng sugat.
"Ninang okay lang po ako."
"Anong okay?! Bugbog sarado ka! Sinong may gawa niyan?! Elijah, anak ko, inaway mo ba si Sol?" Bulyaw ni Ninang Myllah kay Elijah.
"Mama naman, 'wag mo akong tingnan nang ganyan. Nahulog lang 'yan sa bubong." Tumango naman si Marcus para maging kapanipaniwala.
"Totoo ba 'nak?" Nag-alalang tanong sa 'kin ni Ninang Myllah. Kahit Ninang ko lang siya, ramdam ko ang pagmamahal ng isang ina sa kanya dahil parang anak na niya ako kung ituring.
"Ninang, totoo po ang sinasabi nila. Nahulog lang po ako sa bubong dahil inaayos ko po 'yong antenna ng TV. Hindi naman po masyadong malala. Huwag na po kayong mag-alala," ngumiti ako sa kanya at sabay nag-thumbs up para mabawasan ang kanyang pag-aalala.
"May alam akong paraan para madali kang gumaling," sabi ni Ninang.
"Ano po 'yon?" tanong ko sa kanya.
"Puntahan natin ang mama mo. Nagtext sa akin ang hospital na pwede natin siyang bisitahin ngayon," nakangiting sagot ni Ninang sa akin.
"Talaga po Ninang? Salamat po!" Nasasabik kong tugon.
"Pero bago ang lahat, kain muna tayo ha? Ipagluluto ko muna kayong tatlo," pakiusap ni Ninang Myllah sa aming tatlo at sumang-ayon naman kami sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)
Teen FictionSi Luna Mercado ay isang simpleng babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro at mag-alaga ng pusa. Nagbago ang kaniyang simpleng buhay nang makilala ang lalaking 'di niya akalaing mamahalin niya habang buhay. Ang lalaking ito ay nagngangalang, So...