(LUNA'S POV)
Nandito kami ngayon sa bahay ng mga kaklase kong makukulit. Nasa sala kaming dalawa ni Amethyst habang nanonood ng TV. “Gusto mo?” Abot sa akin ni Amethyst ng isang bag ng potato chips.
“Hindi, ayos lang ako.” sabi ko sa kaniya at ininom ang coke na nasa plastic.
“Girls, wait lang kayo ng dinner natin ha? Magluluto lang kami.” sabi ni Elijah. “Ayos lang! Hindi pa naman kami nagugutom.” sagot ko sa kaniya. Pero ang totoo, kanina pa nagwawala ang dragon sa tiyan ko dahil sa gutom.
Dumungaw ako sa bintana at nakitang abala sina Marcus at Sol sa garahe. Nag-aayos sila ng mesa at ng mga upuan dahil may kaliitan ang kanilang kusina.
Iginala ko ang mga mata ko sa loob ng bahay, simple lamang ito pero gugustuhin mong dito lagi umuwi dahil ramdam kong isa itong masayang tahanan.
“Elijah, sinong kasama niyong tatlo rito?” tanong ko sa kaniya habang naghihiwa ng mga hotdog. “Hmmm? Kasama namin rito si Nanay.” Sagot niya habang pinapainit ang frying pan.
“Nasaan na siya ngayon?” tanong ko ulit sa kaniya. Tumingin sa ’kin si Amethyst. “Girl ang chismosa mo, interview lang teh?”
“Grabe hindi ah. Nabibilib lang ako sa kanilang tatlo. Marunong na sa silang tumayo sa kanilang sariling mga paa.” sabi ko.
“Pwede na ba akong mag-asawa?” Pilyong tanong ni Elijah habang binubuhos ang mantika sa frying pan.
“At sino naman ang mapapangasawa mo?” pang-aasar ko sa kaniya. “Ayan si Amethyst oh!” Turo niya sa kaniya gamit ang kaniyang nguso.
“Hoy! Elijah Angeles! Excuse me, I’m happy and contented with our classmate Jazz Fetalbero.” mataray na sagot ni Amethyst.
“Excuse me rin, Amethyst Saro! Ang mga mag-asawa nga naghihiwalay eh.” sagot naman nito. “Elijah, pwede akong mag tanong?” Tumigil ang dalawa sa kanilang pag-aaway at tumingin sa ’kin.
“Ano ‘yon Luna?” tanong ni Elijah sa ’kin. “Luna, you are already asking.” sabi ni Amethyst.
“Alam mo Amethyst, pilosopo ka kahit kailan no?” Sabi ko at tumawa naman ang loka. “Nasaan ang papa ninyo? Kasama ba siya ng nanay ninyo sa work?” tanong ko.
“Well…” sabi ni Elijah at napakamot sa ulo. Luna kasi! Kung ano-anong lumalabas sa bibig mo. Baka family secret na lang nila ‘yon.
“Noong bata pa kaming dalawa ni Marcus, nag-away silang dalawa. Gabi ’yon. Pinalayas ni mama si papa at hindi na siya muling nagpakita sa ’min.” sambit niya habang pinipirito ang mga hiniwa niyang hotdog.
“Nasaktan ng sobra noon si mama pero malakas siya at hindi marunong sumuko. Akalain mo ‘yon? Tatlong mga malalaking binata ang pinapakain niya araw-araw?”
Kumuha siya ng plato at inilagay na ang mga hotdog doon.“Kaya kaming tatlo, nag promise kami sa aming mga sarili na hindi namin gagawin kung ano ang ginawa ni papa kay mama.” Dugtong pa niya. “Oh…” Tanging iyon lang ang lumabas sa ’king bibig.
“Please Luna, give Sol a chance naman. Iniiyakan ka nang kapatid namin gabi-gabi dahil hindi mo siya masyadong pinapansin. Sigurado akong hindi gagawa ng kung ano ‘yong lalaking iyon para masaktan ka at hindi ka niya bibigyan ng mga rason para iwan mo siya.” sabi ni Elijah.
“See? I told you! Ang kulit mo kasi Luna eh.” sabi ni Amethyst at kinurot ako sa tagiliran.
“Girls, patulong nalang ha? Buksan niyo nalang ‘yong rice cooker at pakikuha na rin ng bowl doon sa taas ng cabinet.” utos ni Elijah sa amin.
BINABASA MO ANG
Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)
Teen FictionSi Luna Mercado ay isang simpleng babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro at mag-alaga ng pusa. Nagbago ang kaniyang simpleng buhay nang makilala ang lalaking 'di niya akalaing mamahalin niya habang buhay. Ang lalaking ito ay nagngangalang, So...