L U N A
Nagising ako mula sa ingay na nanggagaling sa kabilang tent. Ginising ko agad ang dalawang kasama kong tulog mantika.
"Oh, bakit Luna? Anong meron?" Tanong ni Amethyst sa 'kin.
"Nagugulo ang mga boys natin," sagot ko sa kanya. Pareho kaming lumabas ng tent at lumapit naman agad si Jazz sa 'min.
"What's happening here?" Bungad ni Amethyst sa kanya.
"Nagsusuka at ang taas ng lagnat ni Bryan. Magligpit at mag-ayos na kayo dahil pupunta tayong ospital," pagpapaliwanag ni Jazz.
Lumabas na rin ng tent si Althea at tiningnan siya ni Jazz mula ulo hangga paa. Nanlaki naman ang mga mata ni Althea nang mapagtantong lingerie ang suot niya.
Kumaripas siya ng takbo pabalik sa tent habang tumitili nang malakas, "Jazz! You pervert!"
***
Sumakay na kaming lahat sa sasakyan. Tila nasa lata kami ng sardinas dahil siksikan sa loob. Sa sobrang pagmamadali namin, si Elijah ang napunta sa driver's seat.
Naku po! Marami pa akong pangarap sa buhay ko. Daddy! Ayoko pang mamatay!
I feel uneasy. Tumitingin si Sol sa side mirror at sa tuwing nagtatama ang mga mata namin, umiiwas siya agad ng tingin.
"Nasaan si Bryan?!" Tanong ni Marcus.
"Nandito ako sa tabi mo! Inipit mo!" Sigaw niya.
Natigil ang alitan ng dalawa nang napagtanto naming unti-unting bumabagal ang pag-usad ng sasakyan at tuluyan na ngang tumigil ito. "Patay," mahinang sambit ni Elijah.
"Napano?" Tanong ni Sol.
"Wala ng gas," dismayadong sagot niya.
"Luna, kailan niyo huling pinagasolinahan 'to?" Tanong ni Elijah sa 'kin.
"Last week pa yata..." mahinang sagot ko.
"Tulak na ba natin?" Tanong ni Marcus na nasa tabi kong akmang baba na ng sasakyan.
"Sandali lang, tatawag ako ng Grab." Sabi ni Althea na pilit kinukuha ang phone sa bulsa ngunit nahihirapan dahil siksikan talaga kami dito sa loob.
"Kaya ba today?" Tanong ni Marcus. Binuksan na namin ang mga bintana at pintuan ng sasakyan dahil baka mamatay na kami sa kawalan ng hangin.
Nandito kami ngayon sa labas ng sasakyan. Sobrang dilim at sukal ng lugar na ito. Ang dami ring mga malalaking punong nakapalibot, kaya't nakatatakot.
Binunot ni Althea ang phone sa kanyang bulsa at sinubukang mag-book sa Grab. Buti na lang kahit nasa liblib na lugar kami ay may signal pa rin.
"Ikaw kasi eh! Bakit ikaw ang nagmaneho?! Naligaw tuloy tayo!" Sigaw ni Amethyst kay Elijah.
"Hehe, sorry. Gumalaw bigla ang mga paa ko at dinala sa driver's seat," sagot ni Elijah.
"Guys, ayos na," sabi ni Althea sa 'ming lahat.
Makalipas ang ilang minutong paghihintay, may ilaw nang papalapit sa 'min at sigurado kaming Grab na 'to.
"All right! Grab here we go!" Masiglang sigaw ni Jazz. "Kayo magbabayad ha?" Dagdag pa niya.
"Napakakuripot," bulong ni Luke.
Nagulat kaming lahat nang makalapit na ang sasakyan sa amin. Isang pedicab lang pala na may dalang malaking flashlight.
"Uy, Althea! Ano 'to?" Inis na tanong ni Amethyst na kanina pa nananahimik.
"Wait! May nag-text," saad ni Althea.
"Hello po, Ma'am/Sir. Pagpasensiyahan niyo na po kung hindi po kami makapagpadala ng sasakyan diyan. Hindi po kami pwedeng pumunta sa lugar na 'yan, masyadong liblib po. Tumawag na lamang po ako ng pedicab driver na kakilala ko. Sana kahit papaano ay makatulong sa inyo." –Grab Administration
Binasa nang malakas ni Althea ang text at napasinghal na lamang kami. Paano na 'tong kasama naming nanginginig na sa taas ng lagnat?
"Well, it's better than nothing." Sambit ni Althea nang lumapit ang isang matanda sa 'min – ang driver ng pedicab. Payat ito at medyo singkit ang mga mata.
"Mga iho at iha, anong ginagawa ninyo rito? Buti na lamang ay hindi kalayuan ito mula sa bayan kaya agad ko kayong napuntahan," ani niya.
Lumapit si Elijah sa matanda, "Nawalan po kasi ng gasolina 'tong sasakyan namin. Pupunta po sana kami ng ospital," paliwanag ni Elijah.
"Ospital?! Oh, halina!" Nagulat si lolo at lumaki ang singkit niyang mga mata. Sumakay na sa pedicab sina Elijah, Bryan at Sol para agad ng makaalis. Ngunit nang sinubukang magpadyak ni Lolo, hindi sila makaalis sa kanilang lugar.
"Ang bigat mo kasi, Elijah!" Pang-aasar ni Amethyst at tumawa pa nang malakas.
"Lo, ako na lang po magpadyak." Pagkukusang loob ni Elijah.
"Sigurado ka iho? Nakakahiya naman," sagot ng matanda.
Sa huli pumayag din ang matanda kaya si Elijah na ang nagpadyak. Pumasok sa loob si Lolo at tumabi kina Bryan at Sol. Makalipas ang ilang minuto, tulayan na silang nakaalis sa paningin namin. Sol, mag-ingat kayo.
"So, what now?" Tanong ni Althea sa amin.
"Ano pang hinihintay niyo boys? Itulak niyo na ang sasakyan," sabi ni Amethyst habang tinatapik ang sasakyan.
"Ako na lang uupo sa driver's seat," pagpeprisinta ko.
"Luna, huwag mo kaming ipapahamak ha?" Paalala ni Althea sa 'kin.
"Hindi ko kayo dadalhin sa langit, sa emergency room lang naman," biro ko sa kanila. Pumasok na kaming tatlo sa sasakyan. Katabi ko si Amethyst sa harapan at nasa likuran naman si Althea na naglilitrato ng kanyang sariling mukha. Sina Jazz, Luke at Marcus naman ang nagtutulak ng sasakyan.
"Grabe! Ang bigat mo, Amethyst!" Sigaw ni Jazz. Ibinababa ni Amethyst ang bintana at sumigaw,
"Mananahimik ka o sisipain kita?!"
"Ang warfreak naman ng alaga mo p're," tawang-tawang sabi ni Luke.
"War freak talaga!" Pagsang-ayon ni Jazz.
"Hoy! Narinig ko 'yon!" Sigaw muli ni Amethyst.
Lumingon sa 'kin si Amethyst at tumingin nang sa mga mata ko. "Ano?" Tanong ko sa kanya.
"Anong nangyari sa inyo ni Sol kanina?" Tanong niya sa 'kin pabalik. Huminga muna ako nang malalim bago ko siya sinagot.
"Well, he told me that h-he likes m-me," nauutal kong sabi sa kanya.
"And what did you do? Anong sinagot mo sa kanya?"
"I cried and ran away," sagot ko sa kanya. Yumuko ako at kinagat ang ibabang labi. Napa-facepalm na lang si Amethyst at bakas sa mukha niya ang disappointment.
Tinanggal naman ni Althea ang suot niyang earphones sabay sigaw ng, "Ano?! Tama ba ang narinig ko?! I knew it! Gusto ka ni Sol! Yieee!" Sabay tumili nang malakas at pumapalakpak pa. Lumapit naman sa 'min si Jazz. Kumatok siya kaya ibinaba ni Amethyst ang bintana.
"Ladies, are you all good?" Tanong niya sa 'min.
"We're fine," matipid na sagot ni Amethyst.
"Don't worry, ladies. Hindi kayo mapupunta sa panganib. Kasama niyo kami," malambing na sambit ni Jazz.
"Alam mo, Jazz? Ikaw mismo 'yong panganib kaya umalis ka na sa paningin ko!" Mataray na asta ni Amethyst at mabilis na itinaas ang bintana.
"Aray ko!"
"Bagay mo 'yan!" Hinihimas-himas ni Jazz ang naipit niyang daliri sa bintana at bumalik na sa likod. Tinulak muli ng tatlo ang saksakyan at umusad na unti-unti.
BINABASA MO ANG
Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)
Teen FictionSi Luna Mercado ay isang simpleng babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro at mag-alaga ng pusa. Nagbago ang kaniyang simpleng buhay nang makilala ang lalaking 'di niya akalaing mamahalin niya habang buhay. Ang lalaking ito ay nagngangalang, So...