(LUNA'S POV)
"Luna?"
"Luna! Ayos ka lang?" tanong ni Sol sa 'kin. "Umiiyak ka." sambit niya. Agad-agad kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang panyong hawak.
"Pwede ba nating palitan ang kanta?" tanong ko sa kaniya.Tumango siya at lumapit sa 'kin upang yakapin ako. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya at ang mainit niyang paghinga.
"Sol, masyado kang malapit sa 'kin." sabi ko at kumalas na siya sa pagkakayakap. Kinuha niya ang isa pang gitara at pinahiram ako. Tumingin siya sa 'kin at bahagyang ngumiti.
"Pakinggan mo ito at sana magustuhan mo, Luna." Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at sinimulan ng maggitara.
I walked across an empty land
I knew the pathway like the back of my hand
I felt the earth beneath my feet
Sat by the river, and it made me completeOh, simple thing, where have you gone?
I'm getting old, and I need something to rely on
So tell me when you're gonna let me in
I'm getting tired, and I need somewhere to beginI came across a fallen tree
I felt the branches of it looking at me
Is this the place we used to love?
Is this the place that I've been dreaming of?
Oh, simple thing, where have you gone?
I'm getting old, and I need something to rely on
So tell me when you're gonna let me inI'm getting tired, and I need somewhere to begin
{©Somewhere Only We Know by Keane}
Nang matapos siyang kumanta, iminulat niya ang kaniyang mga mata at may kinuha mula sa kaniyang bulsa. Nilabas niya ang isang kwintas na kulay gintong may mga maliliit na tala at isang gasuklay na buwan.
Lumapit siya at isinuot ito sa akin. "Nagustuhan mo ba?" tanong ni Sol habang nakatitig sa akin. Tumango ako sa kaniya at ngumiti pabalik.
"Thank you." bulong ko sa kaniya. Hinawakan at iniangat ko ito upang pinagmasdan ang ganda ng kwintas na regalo niya sa 'kin.
Kaya pala lagi siyang nagtitipid noong nakaraang araw at hindi na kumakain tuwing lunch break namin.
Akmang hahalikan ako ni Sol sa noo nang biglang sumulpot si Amethyst. "Tapos na kayo?" Nanlaki ang mga mata niya sa kaniyang nakita at tinulak ko naman agad si Sol palayo.
"Wait! Let me explain Amethyst huhu!" Tumalikod si Amethyst at naglakad pabalik sa loob ng bahay. Hinabol ko siya at hinawakan sa balikat.
"Ikaw Luna ha?" Ngumisi si Amethyst at kinurot ang pisngi ko. "Dalaga kana!" dagdag niya. "Nabigla lang ako kanina kaya hindi ako agad nakapagreact sa ginagawa ni Sol!" depensa ko sa kaniya. "Sige, sabi mo 'yan ha? Saka oras na para magpaalam sa boyfriend mo." sabi niya habang tinuturo si Sol.
Iniyuko ni Sol ang kaniyang ulo. Nahiya pa yata ang pangit. Pumasok na si Amethyst sa loob at nakita kong nag-aayos na ng gamit at higaan ang magkakapatid.
Naglakad ako papunta kay Sol at agad ito tumayo."Sol, mauna na kami ni Amethyst ha? Medyo late na rin kasi eh. Kailangan na naming umuwi." sabi ko sa kaniya.
"Hatid ko na kayo." sagot niya. Tumango ako at nagtungo na kaming dalawa sa loob ng bahay. Kinuha niya ang susi ng kotse nila. Nakita ito ni Elijah at kumunot ang noo nito.
"Saan punta mo, bro?" Tinuro ako ni Sol bilang sagot sa kapatid niya."Hahatid ko lang sina Luna at Amethyst." sagot niya. "Sige bro, ingat kayo! Bago ka umuwi, bili ka ng isang plastik ng tsitsirya." utos niya kay Sol.
BINABASA MO ANG
Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)
Fiksi RemajaSi Luna Mercado ay isang simpleng babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro at mag-alaga ng pusa. Nagbago ang kaniyang simpleng buhay nang makilala ang lalaking 'di niya akalaing mamahalin niya habang buhay. Ang lalaking ito ay nagngangalang, So...