CHAPTER 34: READY

90 24 0
                                    


LUNA

Bumaba na ako sa hagdan at agad-agad nagtungo sa kusina. Nakita ko si Daddy na naghahain na ng piritong manok at kanin.

Tumigil siya ng makita ako at tinitigan ang necklace na suot ko.

"Good morning dad," bati ko sa kaniya. "Good morning, anak ang ganda ng necklace mo ah?" Umupo na siya at binigyan ako ng pinggan, kusara't tinidor.

"Kumusta ang pag-aaral anak?" tanong niya habang kumakain. Tumayo ako at nagtimpla ng milo.

"Ayos lang naman po at saka nagiging busy na rin po. Alam mo naman pong sa susunod na taon ay senior high student na po ako." Bumalik na ako sa upuan at ininom ang tinimpla kong milo.

"Nakapagdesisyon kana ba anak kung saan mo gustong mag-aral next school year?" tanong sa akin ni dad.

Kinuha ko na ang kusara't tinidor at nagsimula ng kumain. "Hindi pa po eh. Kahit saang school naman po, Dad. Ayos lang din po kung sa public nalang ako mag-aral para makatipid po tayo at makapag-ipon para sa kolehiyo."

"Hindi na kailangan, anak. Kaya naman ng daddy," sambit niya. Tumingin ako kay Daddy at halata sa itsura niyang pagod at antok.

Kaya tayong mga anak nila, lagi nating pahalagahan ang kanilang mga sakripisyo para sa 'tin. Dapat ay sinusunod natin ang kanilang mga utos at iwasang magreklamo pa.

"Ano bang kurso ang gusto mong kunin, 'nak?"

"Gusto ko ring maging inhenyerong na katulad mo, Dad," sagot ko. Kumurba ang isang matamis na ngiti sa labi niya nang marinig ang sagot ko.

"Alam niyo naman pong simula bata ako ay idolo na kita at gusto kong makasama ka palagi, Dad. Lagi ka nalang po kasing nasa work eh." Sumandal si Dad sa upuan at tumingin sa 'kin.

"Talaga anak?"

"Opo!" Tumayo ako at niyakap si Daddy. Niyakap niya ako pabalik at hinalikan ako sa pisngi.

---

Nasa labas na ako ng bahay. Ang dami kong mga dalang gamit dahil sa mga requirements sa school.

Akala niyo tamad akong mag-aral no? Nagkakamali kayo. Tumigil sa harapan ko ang aming school service at bumaba rito sila Jazz at Luke.

"Ang bait naman ng mga boys ngayon ha?" pang-aasar ko sa dalawa. Nakita ko si Amethyst na nakaupo malapit sa pintuan ng van.

"Kung hindi ko lang pinababa 'yang dalawang 'yan hindi ka nila tutulungan," sabi ni Amethyst. "Bakit ba kasi ang dami mong dala?" tanong ni Jazz habang buhat-buhat ang isa kong bag. "Hindi ba tutugtog tayo mamaya kay Sir Soriano?" tanong ko sa kaniya habang sinusuot ko ang brown kong sling bag. Habang si Jazz naman ay binubuhat ang mabigat na gitara ni Sol.

"Kanino 'to?" tanong ni Jazz habang papasok na kami sa van. "Pinahiram ako ni Sol ng gitara niya," sagot ko at isinara ko na ang pintuan ng van.

Nang maayos ko na ang mga gamit ko ay tumabi na ako kay Amethyst. "Kumusta practice niyo kagabi?" tanong ko habang umiinom ng kape.

Isinandal ni Amethyst ang ulo niya sa balikat ko at humikab ito.
"Ayun na stress ako sa dalawang magkapatid." Sinuot niya ang eye cover niya at natulog na.

"Luna?" tanong ni Jazz. "Ano?" Lumingon ako sa kaniya. "Napano si Amethyst? Hindi na siya masyadong nag paparamdam sa akin," malungkot na sambit niya.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya. "Huwag kang maingay baka maririnig tayo ng sleeping beauty na 'yan. Ang tagal niya kasing magreply at pakiramdam ko'y hindi na siya masaya sa 'kin," sagot niya.

Napa-iling na lamang ako sa sinabi niya. "Malay mo pagod lang 'yong tao. Baka kailangan niya ng space. 'Wag kang mag-alala, kakausapin ko siya para sayo." Animong nagliwanag ang mukha ni Jazz at napawi ang lungkot sa mga mata't labi nang marinig ang sinabi ko.

"Talaga Luna? Salamat ha." Umayos na ako ng upo at pinikit ko na rin ang mga mata ko.

---

Nagulat kaming lahat sa first subject namin. Imbes si Ma'am Marie na science teacher namin ang pumasok, si Sir Soriano ang dumating.

Kasama niya rin ang iba pa naming mga guro para manood. "Sir! Hindi pa po kami ready!" sigaw ng isa kong kaklase at tumawa lang si Sir Sorianp.

"I'll give you twenty minutes to set-up. Is that enough?" tanong niya habang nakapamulsa.

Iginala ko ang mga mata ko sa classroom ngunit wala pa ang tatlong coffe boys.

Late nanaman sigurong nagising ang tatlong 'yon. Tumayo na ako at binitbit ang bag ko para magbihis. Sumunod na rin sila Amethyt at Althea sa 'kin patungong CR.

---

"Amethyst?" tanong ko habang nakasandal sa pader. "Ano?" tanong niya habang naglalagay ng moisturizer sa mukha. Polbo at lip tint lang sapat na sa 'kin.

"Ayos lang ba kayo ni Jazz?" tanong ko sa kaniya. Napatigil siya sa kaniyang ginagawa at humarap sa 'kin.

"Not now, please," sabi niya habang naglalagay ng foundation. "Ready kana ba Althea?" tanong ko habang siya'y nag-aayos din. "Oo naman! Matagal ko ng gustong ipamalas ang singing voice ko no!" saad nito at pareho kaming natawa ni Amethyst sa kaniya.

Nagtungo ako sa cubicle at nagpalit na ng damit. Isinuot ko ang puting pants ko. Wala naman ako ngayon kaya ayos lang. Suot ko rin ang isang kulay asul na longsleeves polo at ang necklace na ibinigay ni Sol.

Nang makalabas ako sa cubicle, nakita ko si Althea na mala-rockstar ang datingan. Naalala ko tuloy ang unang performance ko kasama ang Helios. Si Amethyst naman ay suot-suot ang pink niyang blouse at kulay itim na pants.

"Hoy! Babae kana pala ah?" pang-aasar ko sa kaniya.

"Ano akala mo sa'kin, tibo?" tanong sa'kin ni Amethyst at natawa ako sa kaniya. "Sya nga pala, hindi ba tinatanong mo kung ano gagawin namin? Hintayin mo ang Coffee Boys natin dahil mas matutuwa ka sa kanila."

Biglang kumurba ang isang ngiti sa labi ko. Ano nanaman kaya ang pasabog nina Sol?

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon