L U N A
Makalipas ang dalawampu't limang minuto, nakarating na kami sa aming paaralan. Kilala ang aming paaralan sa pagkakaroon nito ng mabuti at disiplinadong mga estudyante.
Maliit at simple lamang ang aming paaralan pero mamamangha ka sa ganda nito. Magkaharap ang dalawang gusaling may tatlong palapag na mayroong daanan at salilungan sa gitna na puno ng magagandang mga bulaklak at mga halaman.
Nasa loob na kami ngayon ng silid-aralan para sa unang klase naming. Nakita naming nagsipasok na ang mga kaklase naming na-late. Buti na lang pati ang teacher namin ay late din.
Pumunta sa harap si Ma'am Marie, ang Science Teacher namin, siya ang magiging tagapayo namin ngayong taon. Kulay rosas ang bestida niya, may suot-suot din siyang bilog na lenteng salamin tulad ng sa 'kin, ang kanyang buhok naman ay naka-messy bun.
"Good morning, everyone! Welcome to the class section of St. Rose of Lima. For now, let us proceed to your self-introduction," sabi ni Ma'am Marie habang tinitingnan ang kanyang maliit na notebook.
Inalis ni Ma'am Marie ang tingin niya sa kanyang notebook at ibinaling sa 'kin ang atensyon niya.
"Luna, let's start with you."
Wala akong nagawa kung 'di ang mapabuntong-hininga at pumunta na lamang sa harapan. Hindi pa ako nagsisimula pero naghihiyawan na sina Bryan, Luke at Jazz.
"Go, Luna! Number one supporter mo kami!"
"Class, manahimik nga kayo! Makinig tayo sa kaklase ninyo," suway ni Ms. Marie. Hindi na ako magtataka kung bakit siya masungit. Nasa mid 40s na kasi siya pero wala pa siyang nakakasama sa buhay.
Nang tumahik na ang klase, pinakilala ko na ang sarili ko. "Ako nga pala si Luna G. Mercado. Isa akong babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro, at mag-alaga ng pusa. Hilig ko rin ang pagluluto pero sa kasamaang palad, laging nasusunog ang mga niluluto ko. Mahilig din ako sa Matematika at Agham. Naniniwala rin ako sa kasabihang, 'Kung magaling ang isang tao sa isang gawain, sa kanya mo ipagawa!'"
Muling naghiyawan ang mga kaklase ko.
"Class, keep quiet! Kung hindi, mag ki-quiz kayo ngayon din!" Naiinis na sigaw ni Ma'am Marie. First day pa lang namin pero nagmukha ng 50 years old ang class adviser namin.
Nakita ko si Stella na umirap at iritado sakin.
"All right, Luna. Maraming Salamat! Maaari ka ng umupo." Nang bumalik na ako sa upuan ko, meron akong tatlong lalaking nakitang paparating at pamilyar ang dalawa sa 'kin. Napakunot ang noo ko nang makita ko ang isang lalaking ngayon ko pa lamang nakita sa aming paaralan.
"Oh, boys! Bakit ngayon lang kayo? First day of classes late agad kayo?" bulyaw ng aming guro sa kanilang tatlo.
"Pagpasensiyahan niyo na po. Itong bagong estudyante niyo po kasi ay naligaw yata," sagot ni Elijah sabay turo sa isang lalaking kulay silver at kahel ang buhok.
"Sige. Kakausapin kong lang kayo mamaya sa faculty. Go find your seats now," utos ni Ma'am Marie sa kanila.
"At ikaw," turo niya sa isang lalaking nakatayo sa tabi ng upuan. "Ikaw ang transferee, hindi ba?"
"Opo," matipid niyang sabi.
"Please, introduce yourself iho." Binaba niya ang kanyang itim na bag na Nike at pumunta sa harapan.
Humarap ito sa amin at tumikhim bago magsalita. "Hello! I am Sol Antoco Trinidad. Mahilig akong magsulat ng kanta at istorya. Galing ako sa City of Smiles, sa Bacolod. Marunong din akong maggitara at mag-piano. Mayroon kaming banda ng mga kaibigan ko, sina Elijah at Marcus. Helios ang pangalan ng banda namin. Ako ang lead vocalist at 'yong dalawa naman ay sa gitara at drums. Magaling din akong magtimpla ng kape," sabi ng binata.
BINABASA MO ANG
Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)
Teen FictionSi Luna Mercado ay isang simpleng babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro at mag-alaga ng pusa. Nagbago ang kaniyang simpleng buhay nang makilala ang lalaking 'di niya akalaing mamahalin niya habang buhay. Ang lalaking ito ay nagngangalang, So...