CHAPTER 60: LA VIE EN ROSE

34 5 0
                                    

LUNA

Mabilis na lumipas ang isang buwan noong na kidnap kami dalawa ni tita Lorraine at nang nagtulungan sina dad at Sol. Pero hangga ngayon, pakiramdam ko kahapon palang nangyari 'yon. Hangga ngayon, nandito pa rin ang takot ko dahil akala ko iyon na ang tatapos sa aking buhay.

At hindi pa ako handa na iwan ang mundong ito kaya sobrang laking pasasalamat ko kay dad at kay Sol dahil niligtas kaming dalawa ni tita Lorraine.

Sol spend an entire week sa hospital dahil sa mga natamo niyang bugbog sa mga tauhan ni Mateo at tinanggalan naman ng balas si dad sa kaniyang braso. At ako naman ay weekly akong nagpapatingin sa aking psychologist dahil sa natamo kong tauma sa nangyari. At si tita Lorraine naman ay patuloy sa kaniyang regular na treatment.

Muling bumalik si tita Jade sa Japan. Gusto niyang isama na kami ni dad dahil delikado pa rin ang mga buhay namin, sabi naman ni dad, mag stay muna kami rito at sa susunod na lamang kaming dalawa. 

Sobra ako nalungkot sa pag-alis ni tita Jade dahil matagal pa ang susunod niyang pagbabalik. Hindi rin ako makatulognoong bumalik na rin si Amethyst sa kanilang bahay. 

Nang naikwento ko kay dad ang sinabi sa akin ni Mateo tungkolsa nangyari sa pamilya ni Sol, humingi ng tawad si dad kay tita Lorraine kay Sol at sa akin. 

Agad ko naman pinatawad si dad dahil nakikita ko sa kaniya na ginagawa niya ang kaniyang best para bumawi sa kaniyang pagkakamali at wala nang mangyayari pa kung muli lang namin ibabalik ang nakaraan.

No matter how many times we linger to the past, it will never be changed, so the best thing to do is to move forward and create new memories with your loved ones.

At meron pa! Masarap sa pakiramdam ang malaman mong pinatawad na rin niSol si Daddy. Sol had a hard time accepting the fact na ang daddy ko ang nagsunog ng bahay nila.Nagkaroon din ng galit si Sol at pagkadismaya sa kaniyang puso pero pinili niyang patawarin ang daddy ko. Natatandaan ko pa ang mga araw na hiningi ni Sol ang kamay ko sa daddy ko and my dad had a hard time na si Sol ang nanliligaw sa'kin. 

Kaya sobrang saya ko nang natutunan na nila tanggapin ang pagkakamali ng isa't isa at ngayon parang mag-ama na silang dalawa. 

Noong pala sa araw ng insendenteng iyon, hangga ngayon ay pinaghahanap ng mga pulisya si Mateo at kaniyang mga kasamahaan. Sa kasamaang palad, hangga ngayon wala silang lead kung nasaan nga ba sila. Sana talaga ay mahuli na ng mga pulis si Mateo at para pagbayaran niya ang kaniyang mga kasalanan.

Pinagmamasdan ko ang aking sarili sa harapan ng salamin katapos ko mag make-up. Sinuot ko ang necklace na hugis cresent moon na ibinigay ni Sol sa'kin. 

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin at ang laki ng pinagbago ng itsura ko. I'm starting to look more like mom. Nakikita ko ngayon sa harapan ko ang isang matatag na babae, hindi agad sumusuko at puno ng pangarap sa buhay. 

I'm wearing a simple pink dress above na knee para sa date namin mamaya ni Sol. Few months have passed and I'm still wearing the smile he gave me the first night we kissed. Nang marinig kong kumatok si daddy sa pintuan agad ako tumayo para pagbuksan siya.

Tinignan niya ako mula ulo hangga paa at niyakap ako. "Anak, dalaga kana," sabi ni daddy habang naluluha. "Sabi naman ni daddy, don't grow up too fast, hindi ba?"

I chuckled and hug him back. "Daddy thank you..."

"Anak, mag-ingat kayo dalawa ni Sol ha? at mag-enjoy ka rin! 'wag mo muna ako isipin. I'll be fine."

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon