L U N A
"Yehey! Road trip!" Sigaw ni Althea na tumatalon-talon pa.
"Ew. Isip bata!" Bulyaw sa kanya ni Luke.
"Mama mo isip bata," sagot naman ni Althea.
"Hoy, Luke! Ngayon na lang naging ganyan si Althea! Pagbigyan mo na." Pagsermon ko sa kanya.
Paglingon ko sa likod, abala sina Marcus at Elijah sa pag-impake ng mga gitara nila. "Kuya! tulungan mo 'ko ang bibigat ng mga dala ko!" Sigaw ni Marcus sa kanyang kuya.
"Kaya mo na yan. Para naman magkamuscles ka," sagot ni Elijah sa kapatid niya.
"Luna?" Tanong ni Sol sa akin.
"Ano?" At sinagot ko rin ng tanong.
"Hindi na kasya 'yong mga gamit natin sa sasakyan. Gamitin na rin kaya natin 'yang pick-up niyo?" Tanong nito sa akin habang kinakamot ang batok niya.
"Papatayin tayo ni Daddy," mahina kong sagot sa kanya.
"Immortal naman ako!" Pagmamayabang ni Sol at finlex pa talaga ang mga biceps niya na kala mo talaga ay mayroon.
"Ang yabang mo talaga!" Sigaw ko sabay palo sa braso niya.
***
Matapos ang mahaba-habang diskusyon naming dalawa, napagdesisyonang pick-up na lang ang gagamitin namin.
Nasa likod ng saksakyan ang mga boys kasama ang mga gamit namin. Kasama ko naman ngayon dito sa harapan si Sol na nagmamaneho ng sasakyan.
"Sol?" Tanong ni Althea sa kanya.
"Yes?" Matipid na sagot ni Sol dahil seryoso siya sa pagmamaneho niya.
"Single ka pa ba?" Out of nowhere na tanong ni Althea.
"Anong klaseng tanong 'yan? Malamang hindi na. Taken na 'yan eh," sambit ni Aamethyst.
"Talaga? Taken nino?" Curious na tanong ni Althea.
"Taken ni Luna," nakalolokong sagot ni Amethyst.
"Taken na pala ako. Wala akong kaalam-alam," natatawang tugon ni Sol. Isinuot ko na lamang ang dala kong earphones at tinakpan ang mukha ko dahil namumula na naman ito.
"'Yong isa riyan kinikilig oh!" Pang-aasar pa ni Amethyst.
"Manahimik ka nga!" Sigaw ko sa kanya at binato siya ng unan.
"Ba't ka galit? HAHAHAH!"
Matapos ang kalahating oras, nakapunta na rin kami sa lugar kung saan malayo sa ingay, gulo at stress.
It's a perfect place to unwind and to be with your friends. Habang naglalakad kami, nakita namin ang entrance ng forest. Bumungad sa amin ang isang signage.
"WELCOME TO THE FOREST ROCK!"
"All right! We're all set!" Sigaw ni Elijah nang matapos ibaba ang mga gamit. Abala ang mga lalaki ngayon sa pagtatayo ng mga tent at kaming mga kababaihan naman ay nakaupo dito malapit sa campfire at kwentuhan ang pinagkakaabalahan.
"Althea," tawag ko sa kanya.
"Yes, Luna?"
"Kumusta kana? Pasensya ka na kung hindi na kita masyadong nakakasama ha."
"Ayos lang 'yon. Ako rin naman naging busy," tugon niya.
"Ano bang pinagkakaabalahan mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Malapit na tayong mag Senior High School. Hindi pa ako sigurado kung saan ako mag-aaral. Wala na kaming pambayad ng matrikula. Kaya ayon, working student ako ngayon," sagot niya sa akin.
"Talaga? Bakit hindi mo agad sinabi sakin? Papahiramin ka naman namin ni Daddy."
"Luna, matagal ko nang sinasabi sa kanya na pwede naman siyang manghiram sa inyo kaso nahihiya raw siya," pagsingit ni Amethyst.
"'Wag na, Luna. Kaya namin 'to." Pagtanggi nito sa alok ko.
"If you need our help, lapit ka lang sa amin ha." Tumango ito at niyakap ako nang mahigpit.
"Luna, nangangailangan din ako ng pinansiyal na tulong," saad na naman ni Amethyst.
"Ako nga dapat 'tong tulungan mo eh!" Sagot ko sa kanya sabay binatukan nang hindi naman kalakasan.
"Guys! The food is ready!" Anunsyo ni Elijah sa amin. Tumayo na kaming tatlo at lumapit na sa kanila. Grabe! Sobrang dami nilang niluto.
"Wow, barbecue! Pahingi naman!" Pakiusap ni Althea kay Luke.
"Kiss mo muna ako," ani ni Luke.
"Ayoko nga! Mas gusto ko ng mamatay sa gutom kaysa halikan ko ang magaspang mong pagmumukha," sagot ni Althea sabay hair flip.
"Sana all talaga," bulong ni Amethyst sa akin.
"Jazz! Sana all daw oh!" Sigaw ko sa kanya habang abala siya sa pag-aayos ng mga gamit namin.
"Hindi ka siguro narinig," bulong ko kay Amethyst.
"Hayaan mo na. Bingi talaga 'yan." Sagot ng umiiling-iling na Amethyst sa akin.
Lumapit ako kay Elijah at tinanong kung nasaan sina Bryan, Sol at Marcus. "Kanina ko pa sila hinahanap, hindi ko rin makita," malungkot na sagot ni Elijah.
"Totoo? Wala ka bang phone number nila?" Pag-aalala kong tanong.
"Mayroon kaso walang signal dito," sagot nito.
Binuksan ko ang phone ko at nakitang wala ngang signal dito. Sol naman, pinag-aalala mo ako. Nasaan ka na ba?
T H I R D P E R S O N POV
"So, guys here's the plan..." sabi ng isang binata sa dalawa niyang kasama.
"You think that would work?"
"Bro, trust me."
"Anong oras natin gagawin 'yan?"
"Midnight."
"Ano ulit gagawin ko?"
"Hay nako! Ang kulit naman nito..."
BINABASA MO ANG
Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)
Teen FictionSi Luna Mercado ay isang simpleng babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro at mag-alaga ng pusa. Nagbago ang kaniyang simpleng buhay nang makilala ang lalaking 'di niya akalaing mamahalin niya habang buhay. Ang lalaking ito ay nagngangalang, So...