JORDEN
"Jorden, pabuhat ang mga maleta na'min," utos ni Ate Jade sa akin. Ibinaba ko na sa hagdan ang mga maletang dadalhin namin mamaya para sa Beach Outing.
Lumabas na ako ng bahay at kita ko na ang van ima-maneho ko mamaya. "Dad, are you not going in?" tanong ni Luna habang nakaupo na siya sa loob ng van.
"Wait lang anak, baka may ipapautos pa ang tita Jade mo," tugon ko sa kaniya at muli akong pumasok sa bahay namin. Kinapa ko sa bulsa ko ang cellphone ko nang maramdaman kong nag vibrate ito.
Unknown Number is calling...
Lumingon muna ako sa paligid ko bago ko sagutin ang tawag. Nang masigurado ko na ako nalang ang nasa loob ng bahay, sinagot ko ang tawag.
"Ginawa mo na 'yang matagal ko nang pinapagawa ko sa'yo?"
Agad ko nasapo ang noo ko at pabagsak na umupo sa sofa.
"No, look the deal we had is off."
"Ah, kung kailan malapit na mabuo ang plano natin, doon ka pa aatras?"
"Plano natin? Ikaw lang naman ang may gusto na mangyari ito!"
"You know what I am capable of, kapag hindi mo ginuawa ang pinapagawa ko sayo, I will dispose of your beloved daughter."
Hindi ako makasagot sa sinabi niya at nakaramdam ako ng matinding takot at pangamba sa kaniyang sinabi.
Huminga ako ng malalim at nag-isip kung mayroon pa ba akong maaring gawin.
"Meet me at the old music studio kung gusto mo pa mabuhay ang anak mo."
"Dad, ayos ka lang?" tanong sa'kin ni Luna. Agad ko pinatay ang tawag sa cellphone ko. Tumayo ako at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.
"Anak, pasensiya na ha? Emergency lang. Kailangan lang umalis ng daddy. You can go without me," sabi ko.
Ibinagsak ni Luna ang kaniyang mga balikat. "Dad excited nako eh, hindi po ba pwede na susunod nalang 'yan?"
"I'm sorry anak, babawi si daddy sa'yo," sabi ko sa kaniya. Pumasok si Jade at nakita kaming dalawa.
"Hindi pa tayo aalis?" tanong ni ate Jade sa'kin.
"Tita, aalis po daw si dad. It's urgent po raw," sagot ni Luna. Tinignan ako ni ate Jade at pinagkrus ang kaniyang mga braso.
"Fine, ako na ang mag drive. Jorden mag-ingat ka. Text mo nalang ako kapag nakauwi kana."
"Sige ate, I owe you big time."
"Dad, mag-ingat ka ha?" sabi ni Luna sa'kin. "Yes sweetheart." Niyakap ko ang anak ko at hinalikan ko siya sa pisngi.
Lumabas na kaming tatlo sa bahay at pinanood ang pag-alis ng kanilang van. Nang masigurado kong malayo na sila.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko at agad ko ito pinaandar. Makalipas ang kalahating oras na pagmamaneho, natanaw ko na ang isang lumang studio, ito ang pinakaunang music studio na napundar namin, sa kasamaang palad.
Hindi natuloy ang pagpapatayo namin rito. Kaya ang ginawa namin, inilipat nalang namin ito sa bahay ni Harvey. Tinignan ko ang aming abandonadong music studio at muling bumalik ang alala naming magkakabanda.
"Congrats sa'tin tatlo!" masayang hiyaw namin sa isa't isa habang umiinom kami sa isang bar katapos naming mag perform.
Ibinuhos ko sa baso ang isang alak at agad ko itong ininom. "P're kumusta na kayo ng syota mo?" tanong sa'kin ni Mateo.
BINABASA MO ANG
Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)
Teen FictionSi Luna Mercado ay isang simpleng babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro at mag-alaga ng pusa. Nagbago ang kaniyang simpleng buhay nang makilala ang lalaking 'di niya akalaing mamahalin niya habang buhay. Ang lalaking ito ay nagngangalang, So...