CHAPTER 22: FIREFLIES

107 34 0
                                    

L U N A

Bumalik ako sa reyalidad nang matapos kumanta si Sol. Muling naghari ang katahimikan sa aming dalawa. Pareho kaming tumingala sa kalangitan at dinamdam ang malamig na simoy ng hangin.

Tumikhim muna siya bago magsalita, "Ang ganda rito, ano? Tahimik na pinagmamasdan ang kagandahan ng gabi. At higit sa lahat ay magkasama tayong dalawa," nakangiting sabi niya.

Lumapit siya sa akin, inilagay niya sa likod ng aking tenga ang buhok kong nakaharang sabay ngumiti sa akin, "Alam mo kung ano ang pinakamaganda sa gabing ito? Ikaw, Luna."

Pareho kaming natahimik ni Sol sa kanyang sinabi. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Hindi naman siguro ako nag-papalpitate dahil ilang araw na akong hindi umiinom ng kape. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin na lamang sa hindi kalayuan.

Muling binasag ni Sol ang katahimikan, "Noong bata pa ako, kasama ko palagi si Daddy na nanghuhuli ng mga alitaptap. Nilalagay namin ang mga ito sa isang bote at ipinapakita kay Mommy." Yumuko ito at mahigpit na hinawakan ang gitarang dala niya.

"Ang ginagawa ni Mommy noon ay binubuksan niya ang bote at pinapalaya niya ang mga ito. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa 'yon pero napagtanto ko rin naman ang kahalagahan nila habang ako ay tumatanda. Maliliit man ang mga alitaptap, ubod naman sila ng ganda at nakapagbibigay sila ng liwanag," mahina nitong sambit.

Huminga siya nang malalim bago ito muling magsalita. "You are my firefly because you gave me light." humarap siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "Luna, gusto kita. Gustong-gusto kita."

Huminga ako nang malalim bago ako magsalita. Tumingin ako ng daretso sa mga kulay tsokolate niyang mga mata, "Sol, ang bilis mo naman yatang nahulog sa akin. Sigurado ka na ba sa nararamdaman mo? Alam mo namang mainit pa ang dugo ni Daddy sa 'yo at sa ganyang bagay."

"I can change his mind," mahinang sagot niya sa 'kin.

"Sol, please..."

"Can't you give me a chance?" Hindi ko na sinagot ang kanyang tanong. Tumayo na ako at akmang aalis na ngunit hinakawan niya ako sa braso.

"Sol, 'wag muna ngayon." Yumuko at binitawan niya ang pagkahawak sa braso ko. Habang tumatakbo ako, tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha sa aking mga mata.


S O L

Nagpakawala ako ng malalim na bugtong-hininga dahil sa matinding pagkabigong nararamdaman ko.

Sinuntok ko ang punong malapit harapan ko, "May mali ba sa ginawa ko? Ano bang hindi niya nagustuhan?" Tumayo na ako at naglakad pabalik sa tent.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad, nakita ko si Elijah na nakapamulsa habang inaabangan ang pagbalik ko.

"Success ba?" bungad niya.

"Dude, she cried and ran off," malungkot na sagot ko.

"Sakit naman. Hindi bale, paghahanap na lang kita ng maraming chicks," natatawang sabi niya.

"Kahit kailan talaga, babaero ka pa rin."

"Ganyan talaga kapag pogi," banat nito sabay pogi sign pa.

"Dinamay mo pa kaming mga pogi. Bukas na lang 'yang pambobola mo. Inaantok na ako, napagod ang bunso ninyo."

Pagpasok namin ng tent, nakita ko ang mga siraulo kong kaibigang mahimbing ng natutulog.

Yakap-yakap ni Marcus si Jazz habang si Luke naman ay pogi pa rin kahit tulog. Napakunot naman ang kilay ko nang makitang nanginignig si Bryan kahit nakabalot na siya ng makapal na kumot.

"Elijah, tingnan mo si Bryan."

"Bakit? Napano siya?" Dahan-dahan siyang humakbang para hindi matapakan ang mga kasama namin. Ang sakit sigurong matapakan ng isang higante. Hinakawan ni Elijah ang noo ni Bryan at napailing siya.

"Nilalagnat siya. Kunin mo 'yong mga gamot at bottled water sa bag ko," utos niya sa akin. Tumayo ako at iniabot sa kanya ang mga gamot at bote. Nang maka-upo na si Bryan, nagsuka siya bigla.

"P're! Dalhin na natin sa ospital," bakas sa tono ni Elijah ang pag-aalala.

"'W-wag na. Kaya ko na 'to," nanginginig na sabi ni Bryan.

"Iiwan na lang ba natin ang mga kasama natin? Isa lang sasakyan natin eh," ani ko.

"Bahala na," Sagot ni Elijah at binuhat na niya si Bryan papuntang kotse.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon