CHAPTER 48: STREET FOODS

41 7 0
                                    

LUNA

Hindi tumigil kakatunog ang phone ko kaya napilitan akong bumangon. Binuksan ko ang phone ko at nakita kong ang laman nito ay ang mga good morning messages galing kay Sol.

Sol: Good morning, panget! Gising na! Pagagalitan ka kina Tita Jade at sa Papa mo, eh.

5:00 am

Sol: Hoy, prinsesa! Anong oras na?! Lagot ka sa'kin mamaya!

5:31 am

Ang clingy naman ng lalaking 'to! Inis akong nag-reply sa kaniya.

Luna: Eto na! Gising na po.

Seen 6:00 am

Napatigil ako nang may kumatok sa pintuan ko. "Luna, bangon na!" sigaw ni Amethyst.

"Eto na!" sagot ko pabalik sa kaniya.

Inayos ko na ang higaan ko at bumaba na at nagtungo sa kusina. Nakita ko si Dad na nag-aalmusal at inaayos naman ni Tita Jade ang mga lunch namin ni Amethyst.

Lumapit ako kay Dad at hinalikan sa pisngi. "Hi, Dad! I miss you."

"Anak, kumusta kana?" tanong ni Dad at naupo na ako sa tabi niya.

"Ayos lang po, Dad. Kumusta ka po?"

"Eto anak, naging busy ako sa work lately. Nag-enjoy ka naman ba sa vacation ninyo sa Baguio?"

"Sobra po, Dad," tugon ko sa kaniya.

"Jorden, ako nalang ba maghatid sa mga bata?" Napalingon kami dalawa ni Dad dahil sa tanong ni Tita.

"Ate, hindi ba naka-service sila?" tanong ni Dad.

"Ay oo nga pala, sige ako nalang ang magsundo sa kanila pauwi. Tutal wala naman ako ginagawa rito sa bahay," sabi ni Tita Jade.

Naupo na si Amethyst sa tabi ko. "Ma, kahit 'wag na po. Mag-ko-commute nalang po kaming dalawa ni Luna," sabi ni Amethyst.

"Susunduin ko na kayo, baka gumala pa kayo."

Kilala na talaga kaming dalawa dahil tuwing uwian namin ay sabay kaming kumakain ni Amethyst kung saan-saan. Walang nagawa si Amethyst kaya napagkasunduan nila na susunduin niya kami mamaya.

Katapos namin mag-almusal, naligo na ako at nagbihis sa school uniform ko. Kinuha ko na ang school bag ko at lumabas na ng kwarto at nakita ko si Amethyst na naghihintay sa'kin.

"Omg! Ang cute n'yong dalawa. Picturan ko kayo dali!" sabi ni Tita Jade at inalabas ang kaniyang cell phone. "Ngiti naman kayo!" Pilit kaming ngumiti na dalawa ni Amethyst.

Click!

"Jorden, tignan mo! Dalaga na ang mga natin na'tin." Lumapit si Dad at ipinakita ni Tita Jade sa kaniya ang litrato.

"Pa-frame ko nga 'yan," sabi ni Dad habang pinagmamasdan ang picture naming dalawa ni Amethyst.

Oh, no! Puno na ng mga pictures ko ang bahay namin at sobrang laki ng pagkaka-frame ng mga iyon, nagmukha na tuloy museum ang bahay namin.

Tinitignan ko ang litrato at mukha akong sabog rito kaya natawa naman si Amethyst. Eh, 'di siya na ang maganda! Natigil kami sa asaran nang may sasakyan na bumusina sa labas ng bahay namin. Lumabas na kami dalawa ni Amethyst sa bahay at sumunod naman si Dad at Tita.

"Ingat kayo!" paalala ni Tita Jade. Pinagbukan na kami ng pintuan ni Jazz. Kumusta na kaya ang dalawa?

"Good morning, beautiful!" bati sa kaniya ni Jazz, ngunit hindi siya pinansin ng pinsan kong ma-pride.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon