LUNA
18 MONTHS LATER...
Kinusot-kusot ko ang dalawang mga mata ko nang maramdaman ko ang mahinang tapik sa aking braso. Nang lumingon ako, nakita ko si tita Lorraine na nakangiti sa akin.
"Buong gabi ka nanaman natulog rito iha,"sabi sa akin ni tita Lorraine habang nagtitimpla siya ng kape. "Ayos lang naman po ako tita. Tutal wala naman po ako ginagawa," sagot ko kay tita Lorraine at nag-unat ako ng aking baso.
Iniabot sa akin ni tita Lorraine ang isang mainit na tasa ng kape. "Salamat po tita."
"Dapat mama na itawag mo sa'kin iha, masanay kana."
Hindi pa'rin ako sanay na tawaging nanay si tita Lorraine dahil hindi pa kami kasal dalawa ni Sol.
"Luna, ayaw mo muna bumalik sa apartment mo para makapagpahinga kana muna?" Magprprotesta pa sana ako ngunit dumating sina Elijah, Marcus at si Ninang Myllah.
"Luna! Ang aga mo naman bumisita kay Sol ah," sabi ni Elijah nang ibaba niya ang kaniyang suot na bag sa tabi. "Malakas ang tama sa kaniya ni Sol eh," dagdag naman ni Marcus. Tumayo ako para magmano kay Ninang Myllah at sinuntok ko naman nang mahina sa braso si Marcus. "Sira ka talaga," sabi ko kay Marcus at natawa siya ng bahagya.
"Kumusta pala ang gig ninyo kagabi?" tanong ko sa dalawa nang maupo sila sa monobloc. "Sobrang lupet kamo, todo bigay sina Bryan at Althea kagabi," tugon ni Elijah nang binuksan niya ang plastic na puno nang dry mangoes. "Natawa nga ako sa kanilang dalawa dahil halos mawalan na silang boses ang dalawa," dagdag ni Marcus.
Nang ma comatose si Sol, sina Bryan at Althea na ang pumalit sa lugar ni Sol. And to our surprise, they are a great duo and vocalists. At dahil na rin sa husay ng pagtugtog nina Elijah at Marcus, napagpatuloy nila ang legacy ng mga naunang members sa bandang Helios.
On the other hand it is still a big mystery to us why Sol's surgery lead into his state now: Comatose. Hindi pa rin alam ng mga doctor kung ano ang naging mga existing factors kung bakit ito ay nangyari sa kaniya. Pero may isang bagay kaming alam, sa mga buwan na nagdaan, palaki ng palaki ang tantsa na gumising muli si Sol.
I lost my train of thought when Ninang Myllah asked me. "Luna, did you have your breakfast?" Humarap ako kay Ninang Myllah. "Hindi pa po."
Agad na kumulubot ang noo niya. "Elijah, bili ka nga ng pang-almusal net-" Hindi ko na pinatapos si Ninang Myllah sa kaniyang sasabihin. "Ninang 'wag na po, babalik na rin po naman ako sa apartment ko," sagot ko sa kaniya at tinignan niya ako ng may pagdududa. "Ayaw lang kasi namin baka isipin ng dad mo na pinapabayaan ka lang namin."
"Huwag po kayo mag-alala tita, sobra pa nga po sa sobra ang pag-aalaga ninyo sa'kin at tumaba na nga po ako dahil sa inyo."
"Lahat tayo rito, sabay-sabay tayong tataba," komento ni Elijah at natawa kaming lahat sa kaniya.
---
Nagpaalam na ako sa kanila at bumalik na ako sa apartment ko para mag-almusal. Katapos kong kumain, pumasok ako sa kwarto ko at humiga ako sa kama ko at bigla akong nakatulog dahil sa pagod.
Nang magising ako, hapon na pala. Umupo ako sa aking kama at biglang may isang ideya ang pumasok sa isipan ko. Dumungaw ako sa bintana ko at kinuha ko sa tabi ng mesa ang gitara ni Sol. Itinapat ko ang phone ko sa'kin at binuksan ang camera nito para i-record ang aking sarili.
Huminga muna ako ng malalim bago ako humarap sa camera. Nang makaipon na ako ng lakas ng loob, humarap na ako sa camera at ngumiti.
"Hi mahal! If you're watching this, I'm proud of you dahil muli kang nagising. Uhm, love alam mo ba sobra kitang na miss? Ang duga mo kasi! Bigla-bigla ka nalang natulog nang kay tagal ng walang paalam sakin..."
BINABASA MO ANG
Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)
Ficção AdolescenteSi Luna Mercado ay isang simpleng babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro at mag-alaga ng pusa. Nagbago ang kaniyang simpleng buhay nang makilala ang lalaking 'di niya akalaing mamahalin niya habang buhay. Ang lalaking ito ay nagngangalang, So...