LUNA
Katapos namin pumunta sa Butterfly Sanctuary, naglunch na kami at pumunta kami sa Tree Top adventure, maraming mga naglalakihang mga puno rito at sa tingin ko ito ang gusto ni tita Jade. Napalunok ako dito dahil maraming mga extreme activities dito.
"Bawal mag back out ah," sabi ni tita Jade habang nagmamaneho. "Mama naman, kakakain lang na'tin, tapos mag extreme adventure na nga tayo?" reklamo ni Amethyst. "Are you scared darling? I don't remember raising you be a scaredy-cat."
"I'm not a scaredy-cat mom!"
"Then prove it later."
Tumingin si tita Jade sa driving mirror. "Ano Sol, kaya mo ba?" tanong ni tita Jade. "Opo naman tita! Basic lang po 'yan sa'kin," pagmamayabang niya.
"O ikaw naman Luna?" Tumingin sa'kin si tita. "K-kaya k-ko n-naman po..." mahinang sagot ko.
"Hala! Natatakot ang bebe, kasama mo naman ako," sabi ni Sol.
"Hoy! 'wag mo nga akong tawaging bebe! Nakakadiri! At kaya ko naman no." sagot ko sa kaniya
---
Bumaba na kami sa sasakyan at pumasok na kami sa entrance at bumungad ang mga iba't ibang rides.
May nakita akong isang babae nakatali at may suot-suot na helmet na nakasuspendido sa isang mataas na tower, at mabilis siyang ibinagsak dito.
Grabe ayoko na! Nakakaramdam ako ng kaba at tumutulo ang malamig na pawis sa noo ko.
Nagbayad na si tita Jade para saming apat. "Saan n'yo gusto mauna? Mukhang maganda doon sa zipline." Naunang sumakay sa Zipline sina tita Jade at Amethyst, pinagsuot sila ng helmet at safety harness.
"See you at the other side guys!" sabi ni tita Jade. "Ma wait lang!" sagot naman ni Amethyst at itinulak na silang dalawa at mabilis silang nag glide.
"I feel so alive!!!" sigaw ni tita Jade at unti-unti na silang umalis sa patingin ko.
Hinakawan ni Sol ang balikat ko. "I'm here, 'wag kang matakot," sabi niya at binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti.
Tumango ako sa kaniya. Isinuot sa'kin ni Sol ang helmet ko at may isang magandang babae ang nag-ayos ng safety vest ko.
Humiga na ako at inayos at nakita ko si Sol at nag thumbs up sa'kin. "Ate sabay n'yo po kami itulak ha? Ito kasing kasama ko gusto niya hawakin ko ang kamay niya."
"Ang ganda naman po ng jowa n'yo sir," sagot naman ng matang babae.
Humiga na din si Sol at hinawakan ang kamay ko, "Narinig mo 'yon? jowa daw kita? Ang sarap pakinggan." Kung hindi lang ako kinakabahan ngayon baka nasapak ko na sa mukha itong lalaking ito.
Nagulat ako dahil bigla na lang kaming itunulak at sabay kaming mabilis na dumalusdos ni Sol at hindi ako tumingin sa ibaba dahil may takot ako sa heights. Dinama ko ang malamig na hangin at kumapit ako ng maigi sa kamay ni Sol.
Mabilis namin narating ang kabilang side ng zipline at nakita ko sina Tita Jade at Amethyst na naghihintay sa'min. Kababa namin agad ko binitawan ang kamay ni Sol at pinakalma ko muna ang sarili ko bago ako lumapit sa kanila.
"Hoy Luna, saan ka pupunta? Suot mo pa yung helmet!"
Hinawakan ko ang ulo ko at suot ko pa nga yung helmet at natawa naman ang dalawang lalaki na katabi namin.
--
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa mga bakal dito sa metal bridge, tanaw ko ngayon ang mga magagandang mga puno at mga bundok at mga bahay sa kalayuan habang nag trtrekking kami. Inilabas ni tita Jade ang phone nya. "Mga anak! Groufie!"
BINABASA MO ANG
Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)
Teen FictionSi Luna Mercado ay isang simpleng babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro at mag-alaga ng pusa. Nagbago ang kaniyang simpleng buhay nang makilala ang lalaking 'di niya akalaing mamahalin niya habang buhay. Ang lalaking ito ay nagngangalang, So...