(LUNA'S POV)
Naiwan kaming dalawa ni Sol sa garahe. Pinupunasan ko ang mesa habang siya naman ay abala sa pagtatapon ng mga basura. "Sol?" tanong ko sa kaniya.
"Hmmm?" lumingon siya sa akin. "Galit kaba sa 'kin?" tanong ko. "Hindi. Bakit ako magagalit sayo?" sagot niya. "Siniko kita sa bibig tapos binato pa kita ng yelo sa mukha." Tumawa siya at humarap sa 'kin.
"Ayos lang 'yon. 'Wag mo ng isipin kasi malayo naman sa bituka ko eh." sabi niya at ngumiti ito. "Hindi. Ibig kong sabihin, ever since dumating ako sa buhay mo ay palagi ka na lang napapahamak. Ayaw kitang masaktan pero 'yon ang nagagawa ko." sabi ko.
Lumapit siya sa 'kin at hinawakan ako sa balikat. "Luna, I'll endure every pain for you. Break all my bones in my body including the central organ of my circulatory system, my heart. I will always choose you."
"Pero Sol..." singhal ko. "Luna, I'll be fine." inalis na niya ang kaniyang kamay sa balikat ko at muling bumalik sa paglilinis. Pumasok na ako sa loob at nadatnan si Amethyst na naghuhugas ng mga plato.
Habang si Marcus naman ay nagwawalis sa salas. Lumapit ako kay Amethyst at niyakap siya sa likuran. "Oh Luna? Alam kong may problem ka tuwing niyakakap mo 'ko."
"Eh kasi, si Sol. Huhu." pagdadrama ko. Pinunasan niya ang kaniyang kamay sa basahan at humarap sa 'kin. "Ano? Pinaiyak ka niya?" tanong niya.
"Hindi. Kinakabahan ako. Parang may paruparong sumasayaw sa tiyan ko. Mga mabubulaklak at matatamis na mga salita ang lumalabas sa bibig niya." sabi ko. "Pinapangiti ka lang ng tao, girl! Oh kaya gusto ka niyang makitang masaya!" sabi niya sa 'kin.
"I'm already happy Amethyst." sagot ko. "Then, nasaan 'yong smile mo?" tanong niya sa 'kin. Ngumiti ako sa kaniyang kita ang mga ngipin ko.
"Para kang timang Luna." Agad akong sumimangot at iniwan siya sa kusina.
"Luna, joke lang!"
---
Nandito kami ngayong lahat sa garahe. Inaayos ng tatlo ang kanilang mga instrumento na gagamitin namin para bukas sa Performance Task namin kay Sir Soriano.
Umupo ako sa tabi ni Amethyst at nakikain sa potato chips niya."Sol, anong kakantahin niyo ni Luna?" tanong ni Marcus.
"Hindi pa namin napag-uusapan ni Sol kung anong kakantahin namin." sagot ko sa kaniya. "Paano naman niyo mapag-uusapan kung may LQ kayong dalawa?" sabi ni Amethyst at sabay tawa.
"Luna, may nabalitaan ako kanina. Anong nangyari sa inyong dalawa ni Stella?" tanong muli ni Marcus. "Eh, hayaan niyo na. Nagpapapansin lang naman 'yong babaitang 'yon." sabi ni Amethyst.
"Ang harsh mo naman girl!" tugon ko. "Bakit hindi mo agad sinabi sa 'kin, Luna? Para naman napagtanggol kita." sa wakas at nagsalita na rin si Sol.
"Uy! Dumadamoves ang kuya niyo oh!" hiyaw ni Amethyst. Pumalakpak naman sina Marcus at Elijah. "Boss, paturo naman." pang-aasar ng dalawa.
Umiling na lang ako at tumawa nang marahan. "Elijah, kayo nina Marcus at Amethyst ano namang kakantahin ninyo?" tanong ko sa kanila.
"Secret Luna! Ayaw muna naming sabihin para magulat naman kayo bukas." sabi ni Amethyst."Ang daya naman!" reklamo ko sa kaniya.
"Isipin mo nalang kung anong kakantahin niyo ni Sol bukas." sagot ni Amethyst. "Luna, sa loob muna kami magpapractice ha? Tawagin na lang kita kapag tapos na kami. Sabay pa tayong uuwi." dugtong pa niya.
Hinila ko sa braso si Amethyst at bumulong sa kaniya. "Iiwan mo nanaman akong si Sol lang kasama ko?"
"Obvious ba? At saka para makapag-usap naman kayong dalawa. Pasok na kami sa loob, babye! Good luck Luna!" nakalolokong sambit ni Amethyst.
Binitawan ko na ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso. Napasinghal na lamang ako nang pumasok na ang tatlo sa loob ng bahay.
Naiwan kaming dalawa ni Sol sa garahe. "Luna, anong gusto mong kantahin?" tanong sa akin ni Sol habang siya'y papalapit sa 'kin. Masyado yata siyang malapit.
"Kahit ano." sagot ko sa kaniya. Natahimik siya ng ilang minuto bago magsalita ulit. "Gusto mo ba ng English songs?" tanong niya muli.
"Oo." matipid kong sagot sa kaniya. "Marunong kang mag gitara?" dagdag pang tanong niya. "Marunong akong manghampas ng gitara. Gusto mo subukan ko sayo?" sabi ko.
"Grabe ka naman sa 'kin. Lagi mo nalang akong sinasaktan." humarap siya sa 'kin ng nakapout pa. Akala mo naman talaga cute siya. Natahimik na lang ako nang marinig ang sinabi niya.
Grabe! Paano niya kaya nakakayanang maging madaldal? Ako nga kanina pa ako kinakabahan dahil kami lang dalawa ang nandito sa garahe.
Kinuha niya ang gitara at binigay sa akin. Tumayo ito at pumunta sa aking likuran upang ako'y kanyang alalayan kung paano ba dapat ito hawakan.
Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Inilagay niya ang kaliwang kamay ko sa parte ng gitara kung saan maaari kang magstrum.
"Ito naman ang neck." turo niya sa 'kin sa magabang parte ng gitara. "Dito mo naman ilalagay ang kaliwang kamay mo para makatugtog ka ng iba't ibang notes and chords. Tumango na lang ako at kinapa-kapa ito.
"Iyong mga nasa taas naman na pwedeng iikot, tawag d'on ay tuning pegs. Iiikot mo lang 'yong mga yon kapag itotono mo 'yang gitara. You can tune it by ear, tuner gadget or using your smartphone." malinaw na pagpapaliwanag niya sa akin.
Mabilis kong inikot-ikot ang mga ito nang hindi nakatingin si Sol. Nang makita niyang ginagawa ito ay tiningnan niya ako nang masama.
Ramdam ko ang pagkabadtrip niya."Oh, bakit?" tanong ko sa kaniya. "Kakatono ko lang eh! Bakit mo inikot?" tanong niya sa'kin. "Sabi mo kasi iniikot eh!" sigaw ko sa kaniya.
Kinuha ko ang gitara at nagkunwaring ihahampas ito sa kaniya. Tumayo ito bigla at lumayo mula sa akin. Tumakbo ako papunta sa kaniya habang bitbit ang gitara ngunit mas mabilis itong tumakbo kaya't hindi ko mahabol-habol.
"Hoy duwag! Bumalik ka rito!" sigaw ko sa kaniya. "Ayoko!!!" sigaw niya. Tumawa ako nang malakas habang hawak-hawak ang tiyan dahil nakita ko ang itsura niyang takot na takot sa 'kin.
"Hoy! Hindi ako natatakot sa 'yo!" depensa ni Sol. Nagkunwari muli akong ibabagsak ang gitara niya. "Uy! Wag!!!" pakiusap niya. Ang sarap pagtripan ng lalaking 'to.
Lumapit na siya sa 'kin at binuhat ako sabay inikot-ikot. "Hoy Sol! Ibaba mo ako!" reklamo ko sa kaniya. Hinigpitan ko ang hawak ko sa gitara baka mahulog at wala akong pangbayad dito.Mas linakasan niya pa ang kaniyang pag-ikot.
"Ibaba mo na akooooooooo!!!" sigaw ko."Sabihin mo muna ang magic word." sabi ni Sol. "Magic word!" sabi ko naman. "Pilosopo ka talaga ano?" Tumigil na si Sol sa pag-ikot at binitawan na ako.
Sa sobrang hilo ko, sumubsob ang mukha ko sa dibdib ni Sol. Inalalayan niya ako hanggang sa makatayo na ako nang maayos. Hinampas ko siya nang mahina sa gitara at ibinalik na ito sa kaniya. "Uuwi na ako!" reklamo ko sa kaniya.
"Teka lang!" hinabol niya ako at hinawakan sa braso. "Iiwan mo na ako?" tumingin siya sa 'kin at nagpuppy eyes with matching pout. Nakakaasar siyang tingnan tuwing naka 'pout' siya sa 'kin.
Padabog akong bumalik sa upuan at tumabi naman siya sa 'kin. "Nakakainis ka kasi eh!" reklamo ko sa kaniya. "Sorry." sambit niya sa 'kin.
"Natutuwa lang kasi ako sa tuwing kasama kita." dugtong niya. "Anong kakantahin natin? Oras na oh." pag-iiba ko ng usapan habang tinuturo ang wrist watch ko. Akmang aalis na ako pero hinawakan niya ulit ako sa braso. "Luna, sandali lang."
BINABASA MO ANG
Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)
Teen FictionSi Luna Mercado ay isang simpleng babaeng mahilig sa kape, magbasa ng mga libro at mag-alaga ng pusa. Nagbago ang kaniyang simpleng buhay nang makilala ang lalaking 'di niya akalaing mamahalin niya habang buhay. Ang lalaking ito ay nagngangalang, So...