CHAPTER 62: HUG

37 5 0
                                    

LUNA

Ito na ang araw na matagal kong hinihintay na akala ko ay hindi na dadating pa. Araw nang Moving-Up namin ngayon dahil na complete na namin ang apat na taon ng Junior Highschool. Inistrech ko muna ang braso ko bago ako tuluyang bumangon sa aking higaan. 

Nang maiayos ko na ang magulo kong kama, lumapit ako sa aking mesa at binuhat ang isang maliit na picture frame.

"Moving up na natin love, sayang hindi ka makakasama. 'Wag kang mag-alala, idadala ko rin naman ang diploma mo."

Days have turned to weeks and weeks turned into months. Maraming buwan na ang lumipas noong naoperahan si Sol dahil sa kaniyang Ischemic Stroke. Ngunit hangga ngayon ay hindi pa rin ito nagigising. Sabi ng mga doctor ay na comatose daw si Sol. At sabi nila, he won't last long.

Habang kinakausap ko ang litrato ni Sol hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko sa aking mga mata. Nang mapunasan ko na ang mga luha ko, isinuot ko ang necklace at ang isang promise ring na mga bigay ni Sol sa akin.

Dumerecho na muna ako sa aking banyo para maghilamos nang mukha dahil kailangan kong maging maganda ngayong araw na ito. Katapos ko sa aking maiksing seremonya sa banyo, naglakad na ako pababa ng hagdan.

Pagkababa ko sa hagdan nakita ko ang itsura ni dad na may malawak na ngiti sa kaniyang labi. "Congrats anak, I am so proud of you."

"Thank you dad, thank you for being so supportive. Kung hindi dahil sayo, hindi ito mangyayari."

Agad ko niyakap si dad at niyakap rin ako pabalik. Natigilan kami sa aming pagyakap nang may tumikhim sa tabi ni namin.

"Amethyst! Ano ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya. "Maaga ako nagising tapos nagpasundo ako sa dad mo para sabay na tayong pumunta sa school mamaya."

"Group hug!" sabi ni dad at sumama naman si Amethyst sa aming tatlo. 

---

Katapos naming tatlo mag-almusal, tumawag si tita Jade sa amin sa video call. Hawak-hawak ngayon ni dad ang cellphone ni Amethyst.

"Kumusta ang mga dalaga ko?" 

"Tita ayos lang po kami! Kumusta po?" 

"Ayos lang kami rito, Luna."

"Ma I miss you so much! Nakapag moving up na rin kami. Sama na ako d'yan ha?" Sabi naman ni Amethyst sa kaliwa ko.

"Sige anak! Pag-iipunin muna ni mama ha?"

Pumasok sa frame ng camera ang isang lalaki na mahaba ang kaniyang balbas at makapal ang suot na salamin. Si tito Asahi.

"Omedetōgozaimasu. Watashi wa hokori ni omoimasu!" 

"Otōsan arigatō!" sagot ni Amethyst sa kaniyang papa. Kahit hindi ko man maintindihan ang kanilang pinah-uusapan, ginaya ko na lamang ang sagot ni Amethyst at natawa si tito Asahi.

"Jorden, ngayon nakapag moving-up na ang mga dalaga natin, sasama na kayo sa Japan ha!"

Huminga nang malalim si dad bago siya sumagot.

"Napag-usapan na natin 'yan bunso. Pagbigyan mo na si ate at ang mga magulang natin."

"Osige ate, pag-iipunin ko muna ha? Tska i-ready ko lang ang passport at visa namin ni Luna."

Tumayo si tita Jade at ibinigay ang kaniyang cellphone sa lolo at lola namin. Pareho silang naka jacket dahil nag iisnow sa Japan ngayon.

"Hello mga apo! Lola miss you so much."

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon