Lei's Point of View
Kaninang umaga hindi ko inaasahan ang pangyayari na iyon. Hindi ko alam na aatakihin si Lola sa puso, kung alam ko lang sana na may sakit siya dapat pala hindi ko na lang tinanong sa kanya ang tungkol sa mama ko.
"Then how can you explain this?" inilabas ko sa bulsa ko ang papel na may sulat galing sa mama ko at saka ko ito inilapag sa mesa.
"Francheska..." tawag sa akin ni Lola at saka niya inabot ang kamay ko ngunit inilayo ko ito.
"Ano? Tama ba ako? Nagsinungaling kayo sa akin? Buhay pa talaga ang mama ko? Ano Lola? Sabihin mo sa akin!" sigaw ko sa kanya. Kating-kati na akong malaman ang katotohanan.
Nakita ko naman siyang napahawak siya sa dibdib niya pero hindi ko na lang pinansin iyon at pinagsawalang bahala na lamang. Tumayo ako sa upuan ko at nagpaalam sa kanya.
"Aalis na po ako. Alam ko namang wala kayong balak sagutin ang tanong ko dahil kasinungalingan lang ang sasabihin niyo sa akin." pagkasabi ko iyon ay naglakad na ako palabas ng kusina. Narinig ko lang naman na tinawag niya muli ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon pa.
Malapit na akong makalabas sa kusina nang marinig kong parang may bumagsak sa likuran ko kaya naman napalingon ako rito at laking gulat ko na lamang nang makita kong nakahandusay sa sahig si Lola habang hawak nito ang dibdib niya.
Agad naman akong tumakbo papunta sa kanya at ginising siya.
"Lola! What happened?" nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa kanya. Wala akong nakuhang sagot sa kanya dahil wala itong malay. "Manang Felly! Kuya Roger! Tulong! Si Lola!" rinig na rinig sa loob ng mansion ang pagsigaw ko kaya nataranta ang ilang kasambahay na pumunta sa kusina lalo na sina Manang Felly at Kuya Roger.
"Hija anong nangyari?" agad na tanong ni Kuya Roger sa akin nang makita niya ang Lola ko na nakahandusay sa sahig.
"K-kuya si L-Lola..." nauutal na saad ko. Nangangatog ang mga kamay at tuhod ko habang nakatingin sa Lola ko.
Hindi ko alam kung paano at kailan kami nakarating sa hospital basta ang alam ko lang ay may ambulansyang kumuha kay Lola sa mansion kanina. Napatingin ako sa pambisig na orasan ko at alas-otso na pero nandito pa rin kami nila manang Felly at Kuya Roger sa labas ng Emergency room. Thirty minutes ng nasa loob si Lola at hindi pa rin lumalabas ang doctor na tumingin sa kanya.
Kinuha ko naman sa bulsa ko ang cellphone ko na kanina pa nag-v-vibrate. Mga mensahe iyon galing kay Triton at sa kaibigan kong si Shania. Tinatanong nila ako kung papasok ba ako. Hindi ko na inabala pang sagutin ang mga mensahe nila nang makita kong lumabas na ang doctor na tumingin kay lola sa emergency room.
"Doc, how's my lola? Okay lang ba siya? Anong nangyari sa kanya? May sakit ba siya? Over fatigue? Ano po?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.
"Hija, calm down." hinawakan niya ako sa balikat. "Breath in, breath out." ginawa ko naman ang sinabi niya. "Okay ka na? Are you ready to know what happened to your lola?" tanong nito kaya tumango lang ako.
"She's sick." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Mrs. Vizconde has a heart disease..." parang nabingi ako sa sinabi ng doctor. Nakatingin lamang ako sa kanya pero hindi ko naririnig ang mga binibitawan niyang salita.
Napakurap naman ako at agad na napatingin sa doctor na nasa harapan ko nang tapikin niya ako sa balikat.
"This is the first time na inatake ang Lola mo sa puso. Mabuti nga at agad niyo siyang nadala rito sa hospital kung hindi baka lalong lumala ang sakit niya."
"What? May sakit sa puso ang Lola ko? Kailan pa? Bakit wala po siyang sinasabi sa akin?" tanong ko. Bakit walang sinasabi iyong witch na iyon sa akin tungkol sa sakit niya? Wala ba siyang balak sabihin iyon sa akin?
BINABASA MO ANG
Triton Ventura [COMPLETED]
Teen FictionSperm Gang Series #2 Kaya mo bang hintayin ang taong nangako sa'yo na mamahalin ka rin niya pabalik? Started:04/01/20 Ended:07/05/20