Lei's Point of View
It's Saturday morning at maaga akong nagising dahil sasamahan kong mamalengke sina Manang Felly at ate Nene ngayon para sa kanilang lulutuin mamayang gabi. Ngayong araw na kasi ang pagpunta nila Damon sa mansion kasama ang kanyang mga magulang para pag-usapan ang engagement party namin nung Chinese na iyon na gaganapin next week at gaganapin iyon sa araw ng kaarawan ko.
"Tuloy na tuloy na ba talaga iyong engagement party niyo nung anak ni Mr. Sy next week?" tanong sa akin ni ate Nene habang naglalakad kami papasok ng palengke.
Tumango lang naman ako bilang sagot.
"Payag kang matali sa taong hindi mo gusto?"
"Katherine, iyang bibig mo." Sita naman sa kanya ni Manang Felly na nasa unahan namin.
"Okay lang po, Manang." nginitian ko ang matanda saka ko naman tiningnan si ate Nene na nasa tabi ko. "Kahit naman sabihin ko sa Lola ko na ayaw kong makasal sa anak ni Mr. Sy ay wala pa rin magbababago. Kahit umayaw ako, ipapakasal pa rin niya ako sa Chinese na iyon. Alam mo naman si Lola, may isa lang siyang salita at hindi mo ito magbabago pa."
"Bakit kaya ganyan kayong mayayaman no?"
"Hindi ako mayaman ate, si Lola ang mayaman."
Umiling naman siya habang naglalakad pa rin kami at nakasunod kay Manang Felly. Papunta kasi kami ngayon sa bilihan ng mga gulay.
"Uso pa rin pala ang arrange marriage no?" rinig kong tanong ni ate Nene. "Buti na lang hindi ako naging mayaman tulad mo. Kung nasa sitwasyon mo lang siguro ako ngayon? Nako, baka umalis na ako sa bahay at makikipagtanan ako sa lalaking gusto ko, kaysa naman iyong ikasal ako sa hindi ko naman gusto!"
Napapasang-ayon na lamang ang utak ko sa mga sinabi ni ate Nene. Kung pwede lang sanang makipagtanan ay ginawa ko na, pero ang problema ay wala naman akong boyfriend na pwede kong itanan.
Natigil naman kami sa paglalakad nang nasa bilihan na kami ng mga gulay.
Napatingin naman ako sa paligid ko. Maraming tao at naghalo-halo ang amoy. Nandiyan ang amoy ng mga malalansang isda, kanal, mga bulok na gulay at prutas at iba pa.
"Ano iyon suki?" tanong ng nangtitinda kay maang Felly.
"Bigyan mo nga ako ng isang kilong repolyo at kalahating carrots." tumango lang naman ang nangtitinda kay Manang at nagsimula na siyang kumuha ng mga sinabi sa kanya ni Manang Felly.
Habang abala akong nakatingin sa mga gulay na nasa harapan ko ay bigla akong hindi naging komportable sa kinatatayuan ko. Pakiramdam ko kasi ay may nakatingin sa akin. Kaya ang ginawa ko ay nilibot ng mga mata ko ang lugar kung nasaan ako at hinanap ko kung may nakatingin ba sa akin o wala, hanggang sa dumako ang mga mata ko sa isang babaeng nakatayo hindi kalayuan sa amin.
Parang may kamukha ang babaeng iyon?
"Lei..." bumalik naman ako sa diwa ko nang marinig ko ang boses ni Manang Felly. "Tara na, ano pang tinitingnan mo diyan? May nakita ka ba na gusto mong bilhin?" tanong nito sa akin.
"Wala po, Manang. Sige po, tara na po." wika ko at nauna na akong naglakad palabas ng palengke.
Habang naglalakad ako palabas ng lugar na iyon ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang babaeng nakita ko kanina at nakatingin lang ito sa akin.
Sino kaya ang babaeng iyon?
Parang nakita ko na dati ang mukhang niya.
Okupado ang isipan ko ngayon kaya hindi ko napansin na kanina pa pala ako tinatawag nila Manang Felly at ate Nene.
BINABASA MO ANG
Triton Ventura [COMPLETED]
Novela JuvenilSperm Gang Series #2 Kaya mo bang hintayin ang taong nangako sa'yo na mamahalin ka rin niya pabalik? Started:04/01/20 Ended:07/05/20