TRITON VENTURA 18

45 5 7
                                    

Triton's Point of View

Kinabukasan ay naabutan ko si mama sa kusina at naghahanda ito ng agahan. Nakasuot na ito ng kanyang uniporme papasok sa kanyang trabaho. Isa kasi siyang nurse sa isang hospital dito sa amin.

"Good morning, ma." bati ko sa kanya at humalik sa kanyang pisngi bago ako humarap sa hapag kainan.

"Good morning."

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalagay siya ng plato at kubyertos sa harapan ko.

Tatanungin ko ba siya tungkol sa mama ni Lei? Kagabi kasi ay hindi naabutan ni mama si tita Lilia dahil late nang umuwi si mama kagabi galing trabaho.

"Good morning." napatingin naman kami ni mama kay papa na kakapasok lang ng kusina.

Nakasuot na rin ito ng kanyang uniporme papasok sa University.

Nilapitan naman siya ni mama at saka  ito humalik sa pisngi ng papa ko.

"Let's eat." wika ni mama at sabay silang umupo ni papa sa harap ng hapag kainan.

Walang nagsasalita sa aming tatlo. Abala sila mama at papa sa pagkain habang ako ay papalit-palit ang tingin ko sa kanilang dalawa.

Gusto ko kasing malaman kung nasaan ang mama ni Lei. Kung saan ito nakatira. Kahapon kasi ay hindi na ako nagtanong pa dahil pumunta na ako sa kwarto ko at iniwan sila ni papa para mag-usap.

"May problema ba sa pagkain mo, Triton?" binalingan ko naman si mama nang marinig ko ang boses niya. "Ayaw mo ba iyang ham? Ipagluluto kita ng bago..."

"Okay na po sa akin ang ham." putol ko sa sasabihin ni mama.

"Kung gano'n bakit hindi ka pa kumakain?" si papa naman ngayon ang nagtanong sa akin.

"Papa... Mama..." humigpit ang pagkakahawak ko sa kubyertos na hawak ko at saka ko sila tiningnan. "Iyong mama ni Lei, si tita Lilia. Saan po siya nakatira?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Nakita ko namang nagkatinginan silang dalawa bago muli silang tumingin sa akin.

"Why are you asking, anak?" maalumanay na tanong sa akin ni mama.

"Gusto ko lang po malaman. Gusto ko po kasi sana siyang makausap."

"Makausap?" tumango ako sa kanya.

"Bakit gusto mo siyang makausap?" tanong sa akin ni papa at binitawan nito ang kubyertos na hawak niya at napatingin sa akin. "Tungkol ba ito sa anak niya, Triton?"

Tumango lang naman ako kay papa.

"Problema nilang pamilya iyon, anak. Huwag ka ng makisali pa sa problema nila." maawtoridad na sabi nito sa akin.

"Pero gusto ko lang naman po tulungan si Lei para makilala niya si tita Lilia..." Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil matalim ang mga tingin sa akin ni papa. "Sorry po."

Nakita ko naman si mama na hinawakan niya sa braso si papa kaya naman nawala ang matatalim nitong tingin sa akin at napalitan ito ng pag-aalala.

"Anak, ayaw ko lang naman na madamay ka sa problema ng pamilya nila. Kaya ayaw kong makipagkita ka kay Lilia." wika nito sa akin.

"Tama ang papa mo, anak. Hayaan mong ang tadhana na ang bahalang pagtagpuin silang mag-ina." nginitian ako ng pilit ni mama. "And besides, gumagawa rin naman ng paraan si Lilia kung paano siya makikipagkita sa anak niya. Hayaan mo na lang sila, anak."

Tumango lang naman ako sa kanila at nagsimula na akong kumain.

Bakit ba ayaw nilang tulungan ko si Lei at tita Lilia na magkita? Hindi ba mapapadali ang pagkikita nilang dalawa kung tutulungan ko sila dahil kilala ko silang dalawa?

Triton Ventura [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon