TRITON VENTURA 31

42 4 4
                                    

Lei's Point of View

Nandito ako ngayon sa may balcony ng kwarto ko habang naka-upo at nakatingin sa malaking buwan na nasa kalangitan at napapaligiran ito ng maraming bituin na nagkikislapan.

Mag-iisang oras na akong naka-upo rito sa balcony at mag-iisang oras na rin na paulit-ulit na umiikot sa utak ko ang nangyaring family dinner kasama ang pamilya Sy.

Alam kong galit sina tita Divina at tito Dexter sa nalaman nila kanina. At alam kong ganoon din ang nararamdaman ng Lola ko. Gusto lang naman naming sabihin sa kanila ang totoo ni Damon. Ayaw naming maikasal kami dahil kaibigan lang ang tingin namin sa isa't isa.

Tumayo naman ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang cellphone ko na tumunog sa loob ng kwarto ko. Agad ko naman itong kinuha sa kama at binasa ang mensahe na galing kay Damon.

From: DamonYu

Let's talk.

Magtitipa na sana ako para reply-an siya nang makatanggap ako ng tawag mula sa kanya kaya naman agad kong sinagot ang tawag niya.

"Hoy! Lumabas ka na nga diyan! Nandito ako ngayon sa harap ng gate ng mansion niyo. Bilisan mo! Huwag kang feeling Cinderella na hinihintay ka ng fairy God mother mo rito sa labas dahil hindi ka mukhang prinsesa gaya ni Cinderella kundi mukha kang pusa na pagmamay-ari ng stepmother ni Cinderella!"

Napairap na lamang ako nang marinig kong pinatay na nito ang tawag. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon para magsalita.

Lumapit naman ako sa bintana ng kwarto ko kung saan matatanaw mo rito ang gate. Nakita ko naman ang Chinese na iyon na nakasandal sa kotse niya habang nasa tapat ng dibdib niya ang kanyang dalawang kamay.

Napansin ko rin na hindi pa rin ito nagpapalit ng damit. Nakasuot pa rin ito ng tuxedo na siyang suot niya kanina kasama ang mga magulang niyang pumunta rito para mag-dinner.

Nang makita kong inilabas nito ang cellphone niya na nasa bulsa ay lumabas na rin ako ng kwarto ko. Alam ko kasing tatawagan na naman niya ako. At hindi nga ako nagkamali, tumatawag na naman siya kaya agad ko itong sinagot.

"Ito na! Huwag kang atat! Sakalin kita diyan e." Hindi ko na hinintay pa na magsalita siya kaya naman pinatay no na rin agad ang tawag niya at patakbo akong bumaba ng hagdan at mabilis na tinungo ang main door ng mansion para lumabas.

"Ano na naman ang sasabihin mo? May pa-let's talk, let's talk ka pa diyan na text." wika ko habang binubuksan ko ang gate ng mansion. At nang mabuksan ko na ito ng tuluyan ay nilapitan ko siya at tumayo sa harapan niya habang nakahalukipkip ang mga kamay ko.

"Nasaan na iyong panyo?" inilahad nito ang kamay niya sa harapan ko.

Napatingin naman ako sa kamay niya at sa kanya.

"Iyan lang ba ang ipinunta mo rito?" tanong ko sa kanya at saka ko siya inirapan.

Bago pala siya umuwi kanina kasama ang mga magulang niya, ay ipinaala na naman nito ang panyong pinahiram daw niya sa akin noong nabangga niya ako at naitapon ang kape sa damit ko.

"Where's my handkerchief?"

"Wala na." Nakita ko namang nagsalubong ang dalawang kilay nito.

"Anong wala?"

"Naalala ko kaninang hinahanap ko sa damitan ko, naitapon ko na pala."

"What? Find it! Importante iyon sa akin, Lei!" nagulat naman ako nang lumapit siya sa akin at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at niyugyog ako. "Ibalik mo iyon sa akin!"

Triton Ventura [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon