Triton's Point of View
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko matapos kong sabihin iyon kay Lei. Naka-upo siya ngayon sa bench malapit sa akin habang ako ay nakatayo at nakatingin lamang ako sa kanya.
Nakayuko lang siya at nilalaro nito ang ilang bato malapit sa paanan niya gamit ang kanyang mga paa. Pinapanood ko lang siya sa kanyang ginagawa hanggang sa nilingon niya ako at nginitian.
Nagtataka naman ako kung bakit ngumiti siya pero bago ko pa siya tanungin ay ibinalik niya ang kanyang atensiyon sa mga batong nasa paanan niya at saka siya nagsalita.
"Alam kong matagal na kayong palihim na lumalabas ng kaibigan ko." pagkasabi niya iyon ay nilingon niya ako dahilan para malunok ko ang laway ko bago ako naupo sa tabi niya.
"Matagal mo ng alam? Kailan pa?" halos pabulong kong tanong sa kanya.
"Nalaman ko lang ang bagay na iyon nang sabihin sa akin ni Damon..."
Iyong hilaw na intsik na iyon ang nagsabi sa kanya?
"Ang katunayan nga ilang araw ko pa lang nalaman. Noong sinend kasi sa akin ni Damon ang litrato niyo ni Shania habang naghahalikan ay sinabi na rin niya sa message ang tungkol doon, ang palihim na paglabas niyong kayong dalawa lang." tipid niya akong nginitian at muli siyang yumuko.
Malalim na paghinga naman ang ginawa ko bago ako nagsalita para sabihin sa kanya ang buong katotohanan. Kung bakit naglihim kami sa kanya ng kaibigan niya.
"Believe me, I don't want to lie to you in the first place, lalo na ang ilihim sa'yo ang paglabas namin ng kaibigan mo na kaming dalawa lang..." Hindi siya lumingon sa akin kaya naman pinagpatuloy ko na lamang ang sinasabi ko sa kanya. "Iyong unang araw na lumabas kami ng kaibigan mo ay gusto ka naming kasama pero, you're too busy kaya naman kaming dalawa na lamang ang lumabas. Matapos ang araw na iyon, gusto kong sabihin sa'yo na lumabas ako na kasama ang kaibigan mo pero, pinigilan niya ako st sinabi niyang huwag ko na raw sabihin sa'yo dahil maiintindihan mo naman." tumigil naman ako sa pagkwe-kwento nang lingunin niya ako.
"Bakit ngayon mo lang naisip na sabihin sa akin ang tungkol dito?"
"Kasi ayaw ko nang madagdagan pa iyong kasalan ko sa'yo. At hindi ko na kayang magsinungaling pa at maglihim sa'yo."
"Do you like, Shania?"
Biglang tumigil ang paghinga ko nang tanungin niya sa akin ang bagay na iyon habang nakatingin siya sa mga mata ko. Hindi ko kasi inaasahan na iyon ang itatanong niya matapos kong sabihin sa kanya ang totoo.
"H-hindi. We're just f-friend."
Nakita ko naman siyang tumango at saka niya ako nginitian bago siya napatingin sa mga kamay niyang magkasalikop na nakapatong sa mga tuhod niya.
Galit pa rin kaya siya sa akin?
Nakatingin lamang ako sa kanya habang siya ay nakayuko pa rin kaya naman inabot ko ang kamay niya dahilan para lingunin niya ako.
"Lei, I'm really sorry. Alam kong mali ang ginawa kong pagsisinungaling at paglilihim namin sa'yo ni Shania."
Nakita ko naman siyang umiling sa akin.
"Triton, stop saying sorry." tinanggal niya ang kamay kong nakahawak sa kanya at saka niya ako nginitian.
"Hindi ka na galit sa akin?"
"Kung alam mo lang Triton, gustong-gusto kong magalit sa'yo pero hindi ko magawa dahil wala naman ako sa posisyon para magalit."
"Magalit ka sa akin Lei. Saktan mo ako. Kamuhian mo ako. Kung iyan lang ang paraan para mabawasan iyang galit mo sa'kin, gawin mo." pagkasabi ko iyon sa kanya ay tumayo ako sa harapan niya at hinihintay na saktan niya ako pero hindi niya ako sinaktan at nagulat na lamang ako nang hinila niya ako paupo sa tabi niya habang tumatawa siya.
BINABASA MO ANG
Triton Ventura [COMPLETED]
JugendliteraturSperm Gang Series #2 Kaya mo bang hintayin ang taong nangako sa'yo na mamahalin ka rin niya pabalik? Started:04/01/20 Ended:07/05/20