TRITON VENTURA 37

40 3 1
                                    

Lei's Point of View

Sometimes we have to make a decision that will hurt our heart but will heal our soul.

"Hindi ako nagbibiro, Triton. Totoo lahat ng sinabi ko sa'yo. Fiancé ko si Damon at siya ang gusto ko, at ikaw? Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo." pagkasabi ko iyon sa kanya ay tinalikuran ko na siya para umalis sa lugar na iyon pero hindi pa ako nakakahakbang palayo sa kanya ay nagsalita muli ito na ikinatigil ko.

"Iyong apat na taon ba na ako ang kasama mo at laging nandiyan sa tabi mo, ni minsan ba hindi mo talaga ako nagustuhan?"

Napapikit ako ng mariin sa tanong niya at umiling kasabay no'n ang pagbagsak muli ng mga luha ko.

"Kahit isang porsiyento lang Lei, wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin?" Halos pabulong na nitong tanong at halata sa boses niya ang sakit na kanyang nararamdaman ngayon.

"Wala."

Nang sabihin ko iyon sa kanya ay tumakbo na ako papasok ng bahay. Habang tumatakbo ako papalayo kay Triton ay patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha ko sa aking pisngi. At ang puso ko? Parang unti-unting napupunit at hindi ko maipaliwag ang sakit na nararamdaman ko.

I'm really sorry, Triton.

Pagpasok ko sa bahay ay nagulat naman ako nang may isang kamay ang humawak sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Damon..."

"Bakit nagsinungaling ka sa kanya?" magkasalubong ang dalawang kilay nito.

Hindi ko naman siya sinagot at tinanggal na lamang ang kamay niyang nakahawak sa akin at pinagpatuloy ang paglalakad ko papasok ng mansion papunta sa kwarto ko.

Nang mapadaan ako sa sala namin ay wala na ang mga ka-klase ko at ang tanging nakita ko lamang doon ay ang mama at Lola ko kasama sina Shania, Apollo at ang girlfriend nito.

"Anak, umuwi na iyong mga ka-klase mo-"

"Matutulog na po ako. Pagod po ako." pagkasabi ko iyon ay tuluyan na akong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto ko.

Narinig ko pa ang kaibigan ko at si Damon na tinatawag ako pero hindi ko na lamang sila nilingon pa at dire-diretso na lamang akong pumasok ng aking kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto ay nagmadali kong tinungo ang kama ko at padapang nahiga rito at niyakap ang unan ko at doon umiyak nang umiyak habang inaalala ko ang lahat ng kasinungalingan na sinabi ko kanina kay Triton.

"Papaanong may iba? Hindi ba sabi mo gusto mo ako? Kaya papaanong may iba, Lei?"

"Our feelings are not mutual..."

Walang iba, Triton. Ikaw lang. And our feelings are mutual.

"W-what do you mean? Hindi kita maintindihan, Lei."

"I don't like you, Triton. Simula pa lang hindi na kita gusto. Yes, I admit that I like you pero bilang kaibigan lamang."

I really really like you, Triton. Hindi bilang kaibigan kundi bilang ikaw. Gusto kita noon pa.

"I'm sorry, Triton pero may iba akong gusto at hindi ikaw iyon."

Wala akong ibang gusto, Triton. Ikaw lang. Ikaw lang talaga.

"I don't believe you, Lei. You said you like me when we we're grade seven."

Hanggang ngayon naman gusto pa rin kita.

"Iyong apat na taon ba na ako ang kasama mo at laging nandiyan sa tabi mo, ni minsan ba hindi mo talaga ako nagustuhan?"

"Kahit isang porsiyento lang Lei, wala ka ba talagang nararamdaman para sa akin?"

Triton Ventura [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon