Triton's Point of View
Ang kaninang malakas na tugtugin na maririnig sa paligid ay unti-unting humina at ang mga kaibigan namin at ibang ka-klase na nagsisigawan kanina ay natahimik nang marinig nila ang sinabi ni Lei.
"Sorry? Para saan?" nagtatakang napatingin ako sa kanya.
"Sorry kasi hindi na puwede."
"Holy shit!"
"Oh myghad." Ilan lang iyan sa mga narinig ko mula sa likuran ko kung saan nandoon ang mga kaibigan, ka-klase at pamilya ni Lei.
"Mga anak, halina muna kayo sa loob ng bahay. Hayaan na muna natin silang mag-usap." boses iyon ni Tita Lilia.
Ilang saglit pa ay narinig ko ang nga yapak nila na papalayo sa kinaroroonan namin kaya naman magkasalubong ang dalawang kilay ko nang mapatingin ako sa babaeng nasa harapan ko habang nakayuko ito.
"P-paanong hindi na puwede, Lei? A-akala ko ba puwede na kitang ligawan ngayong eighteen ka na?" Halos mautal na ako sa pagsasalita habang tinatanong siya.
"Lei, please tell me the reason kung bakit hindi na kita puwedeng ligawan. May nagawa ba akong mali? Nagkulang ba ako? Ano, Lei? Sabihin mo sa akin." sunod-sunod na tanong ko sa kanya at halata sa boses ko ang pagmamakaawa habang hawak ko siya sa magkabilang balikat niya.
"Triton, wala kang nagawang mali. At higit sa lahat hindi ka rin nagkulang." ngayon ay nagsalita na ito at tiningnan niya ako sa aking mga mata.
Nagulat na lamang ako nang makita kong may ilang butil ng luha ang lumandas sa kanyang mga pisngi. Kaya naman lumapit ako sa kanya at tinuyo ang kanyang pisngi gamit ang dalawang hinlalaki ko.
"Kung wala akong nagawang mali at hindi ako nagkulang sa'yo. Bakit hindi na puwede, Lei? Don't tell me, tungkol pa rin 'to sa paghalik ko sa kaibigan mo kaya ayaw mong payagan akong ligawan ka? Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin ako napapatawad sa kasalanan ko na iyon?" " mahinahong tanong ko sa kanya habang nasa magkabilang pisngi niya ang dalawang palad ko habang siya ay nakayuko.
Walang lumabas na mga salita sa kanyang bibig at patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
"Bakit ka umiiyak, Lei?"
Inangat naman niya ang kanyang ulo at tiningnan niya ako ng mabuti.
"Sorry, Triton. Sana mapatawad mo ako. I'm really sorry." nang sabihin niya iyon ay muling lumandas ang masasaganang luha niya sa kanyang pisngi.
Ako naman ay dahan-dahan kong inalis ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya at saka ako lumayo sa kanya.
"Tama nga ako, tungkol pa rin ito sa paghalik ko sa kaibigan mo?"
Nakita ko naman siya kung paano siya umiling.
"Kung gano'n bakit hindi na kita pwedeng ligawan Lei? Bakit?"
"I'm sorry, Triton."
"Bakit may iba na ba?" Hindi ako tanga para hindi malaman ang gusto niyang ipahiwatig.
Nakita ko naman kung paano siya dahan-dahang tumango bilang sagot sa tanong ko.
"I'm really sorry, Triton."
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko ngayon at parang namanhid ang buong katawan ko.
Naalala ko tuloy ang tula na ginawa ni Lei na aking nabasa. Ibig sabihin ba no'n ay kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin? Ni minsan ba 'di niya talaga ako nagustuhan kagaya ng tula na isinulat niya?
BINABASA MO ANG
Triton Ventura [COMPLETED]
Teen FictionSperm Gang Series #2 Kaya mo bang hintayin ang taong nangako sa'yo na mamahalin ka rin niya pabalik? Started:04/01/20 Ended:07/05/20