TRITON VENTURA 15

55 6 14
                                    

Lei's Point of View

"Good morning." bati sa amin ni Mrs. Tamani pagpasok niya sa classroom at agad nitong nilapag sa mesa ang mga hawak niyang aklat.

Nakatingin lang kami sa kanya habang naka-upo ito at abalang nakatingin sa kanyang aklat. Hinahanap siguro nito ang ituturo niya sa amin ngayon.

"Meron na ba si Miss Vizconde?" tanong nito at saka tumingin sa direksiyon ko. Nakita ko namang nagulat siya nang makita ako."O, mabuti naman at maaga ka ngayon? Takot ka ma-drop-out?" biro nito at saka muli nitong hinarap ang kanyang aklat.

Yumuko lang naman ako nang sabihin niya iyon kaya naman inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagsusulat ng kung ano-ano sa likod ng notebook ko.

"Kaya ayaw na ayaw kong pumapasok ng maaga e." bulong ko habang napapailing na napatingin sa relo ko.

Mag-iisang oras na kasing nag-kwe-kwento si Mrs. Tamani sa harapan tungkol sa talambuhay niya. Kaya hindi kami nakapagklase ay dahil ibang aklat pala ang nakuha niya. Nagprisinta akong kanina na kunin ang aklat niya sa faculty para makapagsimula na itong mag klase pero pinigilan niya ako at doon na siya nagsimulang mag-kwento at pangaralan kami.

"Kaya kung ayaw niyong magaya sa mga taong tambay lang diyan, mag-aral kayo ng mabuti. Magsumikap kayo. Hindi iyong lagi kayong na-l-late sa pagpasok sa eskwelahan at hindi nakikinig habang nagsasalita ako ngayon dito sa harapan. 'Di ba Eileithyia?" napaangat naman ang ulo ko at napatingin sa kanya nang marinig ko ang pangalan ko.

"Po?"

Hindi naman niya ako sinagot at tumayo na ito at kinuha ang kanyang mga aklat dahil malapit na matapos ang oras ng klase niya sa amin.

Napailing na lamang ako nang umalis na ito sa klase na hindi man lang nagpapaalam sa amin. Napatingin naman ako sa ibang kaklase ko nang marinig ko ang mga sinasabi nila tungkol kay Mrs. Tamani nang tuluyan nang makalabas ito ng klase.

"Ilang beses na bang ikinuwento sa atin ni Mrs. Tamani iyong kwento niya kanina? Nakakasawa na." umiling na saad ng kaklase kong si Jonah.

"Sinabi mo pa, Jo. Ganyan yata pag matanda ka na." natatawa namang sagot sa kanya ni Kevin.

"Huwag na kayong mainis diyan. Huling taon na rin naman natin dito at huling taon na rin natin maririnig ang kwento ng buhay ni Mrs. Tamani." nang sabihin iyon sa kanila ni Clyde ay nagsitawan naman ang mga ito.

Lihim naman akong napangiti dahil sa narinig ko. Tama naman kasi sila. Lagi niyang kinukwento ang tungkol sa buhay niya noong kabataan niya pa sa tuwing ayaw nitong magklase. Dahil sa gawain niyang iyon ay hindi ako pumapasok ng maaga kaya naman lagi niya akong pinapagalitan sa tuwing nakikita niya ako dahil sa hindi ko pagpasok sa klase niya.

Dahil tapos na ang klase namin kay Mrs. Tamani ay wala na kaming klase pa dahil wala kaming Math subject tuwing Miyerkules. Lunes at Biyernes lang na may klase kami ng math. At dahil vacant namin ngayon ay halos lahat ng tao sa classroom ay lumabas para maglaro sa covered court o hindi naman kaya ay pumunta silang library para magbasa. Tiningnan ko naman ang loob ng classroom kung nasaan ako ngayon at tiningnan kung sino ang mga kasama kong naiwan. Walo kaming naiwan sa loob ng klase.

Ako. Si Triton. Si Shania, at ang lima pa naming kaklase. Muli ko namang tiningnan si Triton at Shania. Nakaupo lang sila sa kanilang silya at nakatutok sa kanilang cellphone.

Nag-uusap ba sila sa pamamagitan ng pag-text sa isa't isa kaya naman hindi sila umiimik ngayon?

Napatingin naman ako sa lima pang kasama ko sa loob ng klase. May kanya-kanya silang ginagawa na para bang may sarili silang mundo.

Triton Ventura [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon