TRITON VENTURA 34

33 4 0
                                    

Triton's Point of View

Ang buong akala ko okay na kami. Akala ko napatawad na niya ako sa nagawa kong kasalanan sa kanya. Akala ko okay na ang lahat pero bakit iniiwasan niya ako?

Noong Lunes okay naman ang pakikipag-usap ko sa kanya. Masaya pa kami noong araw na iyon at hinatid ko pa siya sa bahay nila pero kinabukasan hindi na niya ako pinapansin hanggang ngayon. Apat na araw na nga niya akong hindi pinapansin at hindi ko alam ang dahilan.

"Kuya, pumasok na ba si Lei? Iyong apo ni Principal?" tanong ko sa school guard na nasa gate ngayon at nagbabantay.

Biyernes kasi ngayon at kararating ko lang dito sa eskwelahan.

"Meron na siya. Kararating niya lang." tumango naman ako sa kanya at nagpasalamat bago ako pumasok sa gate at tinungo ang classroom namin.

Habang tinatahak ko naman ang daan papunta sa klase namin ay nakita ko si Lei na paakyat ng hagdan kaya naman tumakbo ako papunta sa kinaroroonan niya at para maabutan siya at tanungin siya tungkol sa pag-iwas nito sa akin.

"Lei..." tawag ko sa pangalan niya kaya napatigil siya sa gitna ng hagdan at napalingon sa akin. Alam kong nagulat siya na makita ako. "iniiwasan mo ba ako?" Hindi niya ako sinagot at tinalikuran na niya ako at maglalakad na sana ito palayo nang mabilis kong inihakbang ang mga paa ko palapit sa kanya at hinawakan siya sa may pulsuhan niya para pigilan.

Hindi niya ako nilingon. Kaya ang puwesto namin ngayon ay nakatalikod ito sa akin habang ako ay nasa likod niya lang habang hawak ko siya pulsuhan niya.

Napabuntong hininga na lamang ako bago ako nagsalita para tanungin siya.

"Bakit hindi mo ako pinapansin? Bakit iniiwasan mo ako? Akala ko ba okay na tayo? May problema ba tayo, Lei?" mahinang tanong ko sa kanya.

Buti na lang at wala pang gaanong estudyate sa eskwelahan kaya wala pang dumaraan sa kung nasaan kami ngayon ni Lei.

Naramdaman ko naman ang palad niyang humawak sa kamay kong nasa pulsuhan niya at dahan-dahan itong inalis bago siya humarap sa akin habang hawak pa rin niya ang kamay ko.

"Lei..." parang nalunok ko ang dila ko nang makita ko ang itsura niya nang humarap siya sa akin. Parang pinipiga ang puso ko habang nakikita ko siyang umiiyak. "bakit ka umiiyak? May problema ka ba—"

"Okay lang ako, Triton." rinig kong sambit nito habang nakayakap siya sa akin.

"Okay ka lang ba talaga? Kung may problema, sabihin mo lang sa akin." tanong ko sa kanya habang nakatingin lang ako sa kanya. Naramdaman ko namang umiling siya.

Iniangat ko naman ang kanang kamay ko para sana haplusin ang buhok niya nang marinig ko siyang magsalita kaya natigilan ako sa gagawin ko.

"I'm sorry, Triton."

"Bakit ka nag-so-sorry, Lei?"

"Dahil sa mga nagawa ko sa'yo tulad na lamang ng hindi ko pag pansin sa'yo at sa kung ano pang magagawa ko na makakasakit sa'yo sa hinaharap." matipid na ngiti naman ang sumilay sa bibig ko sa narinig ko kaya naman imbes na haplusin ko siya sa buhok niya ay tinapik ko na lamang siya sa kanyang balikat kaya napalayo ito sa akin at saka nito pinunasan ang kanyang nga luha at isang malaking ngiti ang ibinigay nito sa akin.

"Punta ka bukas sa mansion a?"

Tumango naman ako sa kanya.

"Syempre, pupunta talaga ako. It's your birthday kaya hindi puwedeng hindi ako pupunta. And besides, bukas din ang araw kung saan liligawan—"

"Mauna na pala ako sa klase. May report pa pala akong gagawin. Sige, Triton mauna na ako." Hindi ko na nagawa pang magsalita nang tumakbo na ito palayo sa akin.

Triton Ventura [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon